Ilang araw na akong wala sa sarili na kahit mag-isip ng tama ay hindi ko na magawa. Binabagabag pa rin ako ng nangyari sa amin ni ina. Bakit simpleng pagbanggit lang ng pangalan ng isang tao ay nagalit si ina ng ganon?
Hawak ang bayong naglakad na ako palabas ng mansyon. Pupunta ako ngayon sa pamilihan upang mamili ng sangkap para sa kalderetang baka na nais kainin ni Ginang Samonte. Sa paghihintay ko ng kalesang masasakyan nakarinig ako ng isang malalim na boses na tumawag sa aking pangalan.
"Isabelle!" rinig kong pagtawag niya.
Pilit akong ngumiti ng humarap sa kanya. "Oh? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa likod bahay ka?" sunod sunod na tanong ko.
"Wait lang, isa-isa lang mahina ang kalaban" natatawang sabi niya.
Tumango ako at binalik na ang tingin sa daan.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko na hindi siya pinapasadahan ng tingin.
Ramdam ko ang pagtabi niya sa akin.
"Sasamahan kita, binibini"
Napalingon ako na may mangha sa aking mga mata.
"Aba! Tinawag mo akong binibini!" manghang sabi ko.
Ngumiti siya sa akin. "Of course, or do you want me to call you mine?"
Umirap ako at binalik ang tingin sa daan.
"Hindi ko nanaman maintindihan ang iyong sinasabi" nakangusong sabi ko.
"Hayaan mo, mas okay na 'yon" sagot niya.
May tumigil na, na kalesa sa aming harapan kaya nagsimula na akong humakbang paakyat ngunit laking gulat ko ng maglahad ng kamay si Kael.
Inabot ko ito at inalalayan niya akong umakyat. Nang maupo na ako tumabi na siya sa akin at nagsimula ng umandar ang kalesa.
"Tunay ngang napakagandang pagmasdan ng mga magsing-irog"
Napawi ang ngiti ko at parang nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi ni manong.
"Manong, ganito kasi yan hindi. po. kami. magkasintahan." may diing sabi ko. Rinig ko ang pagtawa ni Kael kaya kailangan kong bumawi. "Tsaka manong kung pagkakamalan niyo man lang ang isang tao na kasintahan ko, sana sa mas magandang lalaki"
Napalingon ako sa katabi ko at nakita kong umasim ang kanyang mukha.
"Hoy! Pogi ako 'no! Mas pogi pa nga ata ako sa papa mo eh!" inis na singhal niya.
Sabay kaming natawa ni manong dahil sa naging reaksyon niya. Naging maayos ang pagpunta namin patungo sa bayan. Bumaba na ako ng tumigil ang kalesa sa maingay at mataong lugar. Ang pamilihan.
"Manong ito ho ang bayad" inabot ko sa kanya ang sampung piso.
Inabot nito ang bayad.
"Maraming salamat" pagpapasalamat niya bago umalis.
Nagsimula na akong maglakad papasok sa maingay na pamilihan ngunit natigilan ako ng hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan.
"Tara na!" pag-aya ko dito.
Nakita kong napalunok pa ito at umiling kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Narinig kong pinigilan niya ako kaya nagpatuloy lang ako at isang ngiti ang sumilay sa aking labi. Napakakulit talaga.
Lumipas ang ilang oras napag-lilibot sa buong pamilihan. Pauwi na kami ng mapagdesyinunan naming dumaan muna sa malapit na tindahan ng bulaklak. Hindi ko alam kung anong gustong gawin ni Kael at niyaya niya ako dito.
"Mura lang, ang isang bulaklak ay limang piso lang" nakangiting sabi sa amin ng nagtitinda.
Liningon ko si Kael na nasa aking tabi.
"Anong gagawin mo sa bulaklak?" pabulong na tanong ko sa kanya ngunit imbis na sagutin ang tanong ko kumuha siya ng isang puting rosas.
"Ate isa nga po nito" nakangiting sabi niya sa nagtitinda at binigay ang bayad.
Umalis na kami sa tindahan. Nakasabit sa braso ko ang bayong habang siya naman ay hindi magkamayaw ang ngiti habang nakatingin sa puting rosas. Mukhang nababaliw na ang isang ito.
Tumigil kami sa hintayan ng kalesa at agad ding sumakay ng may huminto sa aming harapan. Hanggang sa makarating kami sa mansyon wala siyang imik at nakatingin lang sa rosas.
Agad akong nagtungo sa kusina habang si Kael naman ay nagtungo sa likod bahay, may gagawin daw siya. Nang mailuto na ang kalderetang baka na nais ni Ginang Samonte inihanda ko na ito na agad namang sinimulang kainin ng mga Samonte.
Umalis na ako pagkatapos non. Gaya ng nasa isip ko nagtungo ako sa likod bahay para tignan kung ano ang pinagkakaabalahan ni Kael ngunit mukhang wala naman.
Nakita ko siyang natutulog sa ilalim ng puno. Namamahinga. Tahimik akong nagtungo sa tabi niya at tumingala sa langit.
"Nandyan ka na pala" nilingon ko siya ng marinig itong magsalita.
Nakangiti siya sa akin ng malaki.
"Bakit ginoo, inaasahan mo bang darating ako?" tanong ko.
Tumango siya.
"At bakit naman?" takang tanong ko ngunit imbis na sagutin ang aking tanong ko tumayo siya at naglahad ng kamay. "Saan tayo tutungo?"
"Basta" tanging sagot niya kaya inabot ko na ang kanyang kamay.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang tago na lugar sa likod bahay. Natatakpan ito ng mga puno kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko at tumigil sa paglalakad.
Nagtungo siya sa likuran ko at tinakpan ang aking mga mata. "Dahan-dahan kang maglakad pasulong, Isabelle"
Gulat man ngunit mas pinili ko ng wag tanggalin ang kanyang mga kamay at hayaan ito.
Ginawa ko ang sinabi niya. Naglakad ako pasulong at ng tumigil siya ganon na din ako.
"One, two, three" rinig kong sabi niya bago tinanggal ang mga kamay sa aking mga mata.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at ganon na lang ang mangha ko ng makita kung saan ako dinala ni Kael. Puno ng mga bulaklak sa buong paligid at ang nakakamangha ay may kulay asul na ilog dito.
"Napakaganda" nakangiting sabi ko at lumapit sa ilog.
Inilubog ko ang aking kamay at iwinasiwas. Lalo akong namangha ng sa bawat wasiwas ng aking kamay ay nagkakaroon ito ng pagkinang.
"Do you like it, I mean nagustuhan mo ba?" narinig kong tanong niya.
Tumango ako at humarap sa kanya. Tumayo ako at hinarap siya.
"Labis kong nagustuhan ito, maraming salamat" nakangiti kong sabi.
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi at may inilabas sa likuran.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang kulay puting rosas na binili namin kanina sa pamilihan.
"Para sa iyo, binibining Isabelle"
Tinaggap ko ito. "Maraming salamat, ginoo"
Humarap akong muli sa ilog at naupo sa damuhan. Sumunod siya at naupo sa tabi ko. Nanatili ang aking tingin sa ilog habang pinapasadahan ng tingin ang hawak kong puting rosas. Napakaganda nito.
"I love you" narinig kong bulong niya.
Humarap ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"Ano ang iyong sinabi?"
Umiling siya.
"Bagay sayo ang nakangiti, binibini"
Nang oras na iyon hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumibok ng mabilis, tila ba gusto nitong lumabas sa aking katawan sa sobrang pagwawala nito. Umiwas na ako ng tingin at sa ilog nalang itinuon ang pansin. Ano ba itong aking nararamdaman?
~~~
YOU ARE READING
Timeless Love
Historical FictionWhen Isabelle stepped out of the church for her to go home a known fortune teller called her. She predict an impossible event Isabelle never knew would happen. She didn't believe in it and she put in her mind the fortune teller predicted will never...