Kabanata 6

0 0 0
                                    

"Ina, dahan-dahan lang po" inalalayan ko si ina na tumayo.

"Wag, kang mag-alala Isabelle hindi na ako mahina" sagot nito ng maayos na ang tindig.

Inalalayan ko si ina dahil gusto daw niyang makapag-ikot para makapaglakad-lakad dahil nababagot na daw siya sa loob ng ospital. Tinanong ko muna ang mang-gagamot tungkol dito at pumayag naman ito, nakakabuti rin daw ito para kahit papaano lumakas ang pangangatawan ni ina.

Lumabas kami ng ospital. Maraming napagkwentuhan ngunit sinigurado kong hindi ako madudulas kay ina tungkol kay Kael, ayaw kong magalit muli si ina ng ganon. Umalis na ako at nagtungo sa mansyon ng Samonte ngunit nasa pasukan pa lamang ako ay kumunot na ang aking noo, may bisita ba ang mga ito?

Nagtungo na ako sa kusina ngunit laking gulat ko ng may nagluluto na rito. Isang babaeng marikit, balingkinitan ang katawan at maputi.

"Binibini?"

Nakuha ko ang atensyon niya. Nakangiti itong humarap sa akin na may hawak pang sandok.

"Ikaw pala si Isabelle" lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Ang ganda mo!"

Parang namula ang aking mga pisngi dahil sa papuri niya. Sinabihan ako ng maganda mula sa isang marangyang babae.

"Ikaw ho ba si, Sonya?" naiilang tanong ko.

Tinanggal na niya ang mga kamay sa braso ko at tumango.

"Halika!" hinila niya ang aking kamay patungo sa lutuan.

Nakita ko ang kanyang niluluto. Sinigang na baboy. Amoy pa lang ay masarap na, magaling nga siyang magluto gaya ng aking naririnig tungkol sa kanya.

Si Sonya Samonte ay isang binibining nanaisin ng lahat na makuha bukod sa mayaman na ito mabait pa at magaling magluto. Halos lahat ng magandang katangian ay nasa kanya na kaya hindi na nakakapagtaka na marami itong naging manliligaw ngunit base sa nabalitaan ko wala itong sinagot ni isa dahil hindi daw niya makita sa mga ito ang hinahanap niya.

"Tingin mo may kulang?" bumalik ako sa ulirat ng marinig ang kanyang tanong.

Bakas ang kaba sa pananalita niya kaya nginitian ko ito.

"Sigurado akong magugustuhan iyan ng iyong ama't ina"

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko.

"Maraming salamat, akala ko kasi nawala na ang galing ko sa pagluluto dahil sa tagal ko ng hindi ito ginagawa"

Umiling ako.

"Hindi kailanman mawawala ang iyong galing sa pagluluto binibining Sonya"

Nanlaki ang aking mga mata ng hawakan niya ang aking mga kamay.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" nakangiting sabi niya.

Walang pag-aalinlangan akong tumango. Bigla niya akong niyakap kaya kahit gulat sa nangyari mas minabuti ko ng yakapin siya pabalik.

Natapos ang yakapan at pagluluto niya at kailangan ko ng magtungo sa likod bahay para magwalis ngunit hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.

"Ako nga pala si Sonya" pagpapakilala nito at nag-abot ng kamay.

Tinaggap ito ni Kael. "Manuel Roque"

Kumunot ang noo ko. Bakit hindi niya sinabi ang kanyang tunay na pangalan?

"So, ikaw ba ang hardinero?" pag-iiba ng usapan ni Sonya matapos magkamayan.

Tumango si Kael.

Umiling nalang ako. Mali itong ginagawa ko, maling makinig sa usapan ng iba. Umalis na ako at nagtungo na lamang sa loob ng mansyon. Maglilinis na lamang ako at mamaya na mag-wawalis.

Sa paglalampaso ko ng sahig unti-unting tumaas ang tingin ko ng may pares ng sapatos sa aking harap. Agad akong tumayo ng makita kung sino ito at ipinunas ang mga kamay sa bestida.

"Magandang araw po, Ginang Samonte" bati ko at bahagyang yumuko.

Ibinuka niya ang kanyang abaniko at pinaypayan ang sarili.

"May salo-salong magaganap mamaya, dahil sa pagdating ng aking anak" patungkol nito kay Sonya. "Nais kong maghanda ka ng mga pagkaing masasarap, at siguraduhin mong walang magiging problema mamaya" kanyang sinabi bago naglakad paalis.

Bumuntong hininga ako. Mukhang hindi ko muna madadalaw mamaya si ina dahil sa magiging salo-salo. Sigurado akong gabi na ang magiging tapos nito.

Binuhat ko na ang balde. Naglakad na ako patungo sa lababo sa likod upang itapon ang laman. Nang matapos ko ng ibuhos itinabi ko na ito at naghugas ng kamay. Pagtalikod ko sa lababo gulat akong napatingin kay Kael.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Gusto lang kitang makita" simpleng sagot niya.

"H-ha?"

"Gusto lang kitang makita." pag-uulit niya.

Naiilang akong tumawa at naglakad na paalis. Anong naisip ng ginoong iyon?

Nang maghapon na naghanda na ako. Nagsimula na akong magluto ng kung anong alam kong magugustuhan ni Ginang Samonte. Tumigil ako sa paghahalo ng tinola ng maramdamang may pumasok. Humarap ako rito ng may ngiti sa mukha.

"Anong maipaglilingkod ko, Binibining Sonya?" tanong ko.

Natawa siya ng bahagya at lumapit sa akin.

"Sonya nalang kaibigan"

Tumango ako.

"Gusto niyo po bang magdagdag ng lulutuin?" tanong ko at umiling naman siya.

Lumapit siya sa niluluto ko at tinikman iyon. "Gusto ko lang malasahan ang sinasabing masarap daw na luto mo" bahagya siyang natawa.

Kahit naiilang sinabayan ko siya sa pagtawa. Parang ngumingiti tuloy ako dito na parang aso.

Nang umalis na siya inayos ko na ang mga niluto ko at isa-isang inihanda iyon sa lamesa. Nakita ko sila Ginang at Ginoong Samonte na nakasuot ng magagandang damit, talaga ngang mayaman sila.

Nang naihanda ko na ang lahat umalis na ako at nagtungo sa likod bahay. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang Kael sa paligid. Nagtungo ako sa puno at doon namahinga.

Nagising ako dahil sa nararamdamang parang gumagalaw ang sinasandalan ko pataas at pababa. Nagmulat ako ng mga mata at gulat akong napatingin ng hindi na ako sa puno nakasandal.

Agad akong tumayo at tinignan kung sino ang aking naging sandalan. Si Kael. Namamahinga din siya at sa tantsa ko'y mahimbing na siyang natutulog.

Dahan-dahan akong nagsimulang maglakad paalis ngunit hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ko ay napahinto na ako.

"Manatili ka muna sa aking tabi, binibini" inaantok niyang sabi.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na nasa aking pulsuhan. Hindi ko namalayan ang sariling bumalik sa kinauupuan ngunit hindi na ako nakasandal sa kanya at tanging sa puno nalang.

Nang oras na iyon hindi ko napigilan ang sariling pagmasdan ang kanyang mukha. Kahit nakatagilid siya sa akin talagang makikita mo na isa siyang magandang lalaki. May mahabang pilik-mata, makapal na kilay, matangos na ilong at manipis at kulay pulang rosas na mga labi.

Hindi na ako magtataka kung bakit siya napansin ni Sonya kanina

~~~

Timeless Love Where stories live. Discover now