Kabanata 13

0 0 0
                                    

Napatigil ako sa pagsayaw na naging dahilan ng pagtataka ni Antonio.

"May problema ba Isabelle?" takang tanong nito.

Umiling ako.

"A-antonio, pagod na kasi ako" pagsisinungaling ko. "Maari bang maupo na tayo?"

Agad naman itong tumango at akmang aalalayan ako ng sumenyas akong huwag na.

Tahimik kaming nagtungo sa lamesa kung nasaan ako kanina at agad naupo.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin hanggang sa napagdesisyunan ni Antonio na basagin ito.

"May gusto ka bang kainin?" pambabasag nito sa katahimikan.

Walang ano-anong agad akong tumango.

"Sige, hintayin mo ako at ikukuha kita ng makakain" nakangiti niyang sabi bago naglakad paalis.

Napatitig ako sa lamesa at muling inalala ang tingin ni Kael kanina. Parang nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Sa hindi malamang dahilan tumayo ako mula sa kinauupuan. Naglakad ako palabas at sinundan ang aking mga paa hanggang sa mamataan ko ang sariling nakatayo sa isang puno. Ang puno kung nasaan si Kael.

Tahimik akong humakbang ngunit agad ding natigil ng makarinig ng tunog mula sa kanyang kinauupuan. Tunog ng nabasag na bagay. Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Akmang magsasalita na ako ng bigla siyang humarap sa akin dahilan para matigilan ako.

"Ikaw pala yan Isabelle" nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito. "Maupo ka," marahan niyang tinapik ang kanyang tabi.

"Kael, tara na at pumasok sa loob" pag-aaya ko sa kanya ngunit agad niya itong sinagot ng pag-iling.

"Ayaw ko, mas gusto ko dito" lumingon siya sa malawak na halamanan.

Napaupo ako sa kanyang tabi at nanatiling nakatingin sa kanya.

"Akala ko ba'y, magsasayaw kayo ni Sonya?" wala sa sariling tanong ko.

"Sayaw sayaw, I wanna dance with you nga eh tapos makikita kita kasama mo yun" pabulong niyang sabi.

"Ha?" takang tanong ko.

"Bumalik ka na kasi dun" biglang irita na sabi niya at bahagya pang lumayo sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.

"Ikaw ba ay nagseselos?" natatawang tanong ko.

Agad siyang umirap dahilan para lumaki ang aking ngiti.

"Kael, wag isinayaw niya lang ako" sabi ko dahilan para tumingin siya sa akin.

"Sayaw? Bakit siya humawak sa beywang mo? Hindi ba pwedeng mag-tinikling nalang kayo? Bakit ganon pa?" sunod na sunod niyang tanong.

Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata.

"Kael, nasa kaarawan tayo ni Sonya, at ang tugtugin ay para sa sayaw lang na iyon" pagdadahilan ko. "Tsaka si Antonio ay aking kaibigan" dagdag ko pa.

"Kaibigan? Eh bat ganon siya makatingin sayo?"

Nagkibit-balikat na lamang ako at piniling hindi nalang sabihin ang aking nalalaman.

Katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa napagdesisyunan ko na basagin ito.

"Ano ba ang aking magagawa upang mapatawad mo ako?" tanong ko.

Awtomatikong hinarap niya ako.

"Nais kong bago matapos ang gabing ito, maisayaw kita" tumigil siya at tumayo. Tumingala ako sa kanya. "Nais kong maisayaw ka, maari ba?"

Ganon rin ang nais ko, ginoo.

Napangiti ako at agad na tumango.

Naglahad siya ng kamay na agad ko ding inabot. Gaya ng ginawa namin ni Antonio, inilagay niya ang kamay sa aking beywang na naghatid ng labis na kaba sa aking dibdib. Mariin niyang pinagmasdan ang aking mga mata bago niya hinawakan ang aking braso at iniikot sa kanyang leeg.

Nanuyo ang lalamunan ko lalo na ng marinig ang sunod niyang sinabi.

"Unang sayaw ko ito, at sobrang swerte ko na ang sa aking unang sayaw ay ikaw ang aking kasayaw" tumigil siya at ngumiti. "Isabelle, aking mahal"

Bahagya na lamang akong nayuko at sinimulan na ang pagsasayaw.

"Isabelle, tingin mo sinong mas magandang lalaki sa amin ni Antonio?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang kanyang mukha na halatang naghihintay ng aking sagot.

Bahagya akong tumawa.

"Siyempre,"

"Ako?"

"Si Antonio"

Bumulalas ako ng tawa ng biglang umasim ang kanyang mukha. Minuto din ang lumipas bago ako tumigil. Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Puno ng ito ng mga tala.

"Kael," banggit ko ng pangalan niya ng hindi siya nililingon. "Kung magkakaroon ka ng isang hiling sa mga bituin, anong hihilingin mo?"

Narinig ko ang paghinga niya.

"Isabelle," tawag niya sa pangalan ko. "Tumingin ka sa akin"

Sinunod ko ang utos niya.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Ngumiti din ako ngunit napawi din iyon ng bigla niyang inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga.

Ramdam ko ang paghinga niya na sadyang nagbibigay ng hindi ko malamang pakiramdam.

Tumigil kami sa pagsasayaw.

"Isabelle," tumigil siya. "Matagal na akong humiling sa mga tala ng isang kahilingan. At yun ay ang manatili man lang ako dito ng walang limitasyon"

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.

"A-ano?" halatang wala akong naintindihan dahil sa kanyang sinabi.

Lumayo siya sa akin at agad na tumakbo paalis.

Hindi na ako nag-abala pang habulin siya dahil tila nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Limitasyon? Bakit?

~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Timeless Love Where stories live. Discover now