Inabot ko ang buwan na para bang abot-kamay ko lang ito. Maliwanag ito ngayon lalo na at bilog na bilog ang buwan. Kahapon naging maayos ang salo-salo, wala namang naging problema ang kaso nga lang hindi ko nadalaw si ina. Gabi na ngayon at kagagaling ko lang kanina kay ina. Imbis na sa ospital matulog minabuti ko na dito naman sa aming tirahan matulog. Ngunit bago pa man ako lipasan ng antok nagtungo ako sa ilog. Kung nasaan ako ngayon.
Ang simoy ng hangin dito hindi kasing lamig noon, ngunit maaliwalas at tulad ng dati ang buwan ang tanging naging tanglaw ko para masilayan ang buong paligid.
Tumayo na ako at nagpagpag ng saya. Maaga pa ako bukas, para magsimba. Makakapagpahinga din ako bukas dahil wala kaming pasok sa mansyon ng mga Samonte.
Agad ko ng sinara ang pintuan at kinandado ito bago umalis. Naghintay na ako ng kalesa sa daanan ngunit laking gulat ko ng mamataan siya sa di kalayuan na nakasuot ng puting-puti na kamiseta at maayos ang itsura. Ang ibig kong sabihin maayos naman ang itsura niya pero ngayon ang buhok niya ay hindi na kasing-gulo ng parang bagong gising.
Yumuko ako ng lumapit na siya sa akin. Ano namang ginagawa ng ginoong ito dito?
"Miss, alam mo ba saan nakatira si Isabelle?"
Parang biglang tumaas ang aking mga balahibo ng marinig ang tinanong niya sa akin. Bakit niya ako hinahanap?
Umiling ako.
"Miss, bakit ka nakayuko? Anong tinitignan mo diyan?" tumigil siya. "Wala namang magandang tanawin diyan eh"
Ano ba 'to? Naglakad na ako paalis at lumayo sa kanya. Nang may makitang kalesa na huminto sa aking harapan nakahinga ako ng maluwag at agad na sumakay.
Nakarating na ako sa simbahan kaya agad kong ibinigay ang bayad at akmang papasok na ng simbahan ng may naramdaman akong tao sa aking likuran.
"Ikaw ha, tinatakasan mo ako" malamig niyang sabi.
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig ang boses niya. Akala ko ba naiwan na siya doon?
Huminga ako ng malalim at nakangiting humarap sa kanya.
"Oh, ikaw pala yan Kael anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw yung babaeng pinagtanungan ko kanina"
Naiilang akong natawa.
"Ako?" tinuro ko ang aking sarili. "Wala naman akong nakausap kanina na lalaking nakasuot ng puting damit at maayos ang buhok habang naghihintay ako ng kalesa" inilagay ko ang dalawang kamay sa likod.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga kaya tumayo na ako ng maayos at huminga ng malalim.
"Bakit mo ba hinahanap kung saan ako nakatira?"
Nagkamot siya ng batok at umiwas ng tingin.
"G-gusto ko lang na ano, sasabay lang ako papunta sa simbahan"
Bahagya akong natawa dahil sa naging reaksyon niya.
"Tara na" yaya ko sa kanya at parang nagpanting ang tenga niya at agad na humarap sa akin.
"S-sige!" utal niyang pag-sang ayon at akmang hahawakan ang aking kamay ng umubo ako dahilan para nahihiyang binawi niya ang kanyang kamay.
Nagtungo kami sa loob ng simbahan at agad na naupo sa bakanteng upuan. Ilang minuto ang lumipas sa pari lang ako nakatingin at hindi pinapasadahan ng tingin si Kael. Nasa tabi ko siya at nananahimik.
Palabas na kami ng simbahan ng makasalubong si Sonya.
"Magandang umaga, Sonya" nakangiting pagbati ko.
Nilingon niya ako at gulat na tumingin sa akin.
"Ikaw pala yan Isabelle" tinignan niya si Kael. "M-manuel"
Tumabi ako upang malapitan niya si Kael ngunit umiling ito sa akin at sumenyas na wag. Napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang aking pagtawa.
"Magandang umaga Manuel" bati sa kanya ni Sonya.
Umayos siya ng tindig at naiilang na tumingin kay Sonya.
"Magandang umaga naman," pabalang na bati ni Kael kaya pinanlisikan ko siya ng mata.
Ano bang problema nito?
Bahagyang natawa si Sonya bago tumingin sa akin. Ngumiti ako na parang wala ng bukas.
"Aanyayahan ko nga pala kayo sa aking nalalapit na kaarawan" pag-anyaya niya.
Umiling ako. "Hindi ako nababagay sa ganong salo-salo at isa pa, wala akong magagamit kung sakali dahil hindi naman marangya ang aking buhay"
"Ako na ang bahala sa iyong isusuot" lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Bagay na labis kong ikinagulat. "Basta pupunta lang kayo"
Dahil sa wala akong magawa tumango nalang ako. Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa aking kamay at ngumiti ng malaki. Nag-usap pa kami ng kung ano-anong bagay bago niya napagdesisyunan na umalis na.
"Paalam Isabelle, Kael! Aasahan ko ang pagpunta niyo sa aking kaarawan!"
Kumaway ako habang tumatango.
"Tara na" aya ko kay Kael ng mawala na sa aking paningin si Sonya.
"Hindi tayo bati"
Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Bakit?" natatawang tanong ko.
Umirap siya.
"Iniwan mo ako kanina tapos pumayag ka pa na harutin ako ni Sonya" sagot niya at tinalikuran pa ako.
Ngumiwi ako at nagsimula ng maglakad paalis ngunit hindi pa ako nakakalayo ay napatingin ako sa kamay ni Kael sa aking braso.
"Joke lang eh, eto naman papasuyo lang ako eh" nakanguso niyang sabi at tinanggal ang kamay sa aking braso.
"Hindi tayo magkasintahan kaya wag ako ang iyong gaganyanin"
Humawak siya sa puso niya at umarteng nasasaktan.
"My heart Isabelle, It's bleeding because of what you've said" tumayo siya ng maayos at ngumiti sa akin. "But still it's yours"
Huminga ako ng malalim.
"Bahala ka sa buhay mo hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi" inis na singhal ko.
Aba inaasar pa ako nito ah, alam ng hindi ko naiintindihan kapag ganyan ang lenggwaheng ginagamit niya eh. Baka mamaya sinasabihan na pala ako nito ng masasamang salita o kaya naman ay inaasar na ako nito.
Iniwan ko na siya at nauna na sa hintayan ng kalesa. Bahala na siya kung uuwi ba siya o hindi, basta ako uuwi na bibisitahin ko pa si ina.
~~~
YOU ARE READING
Timeless Love
Historical FictionWhen Isabelle stepped out of the church for her to go home a known fortune teller called her. She predict an impossible event Isabelle never knew would happen. She didn't believe in it and she put in her mind the fortune teller predicted will never...