"Paalam na po, Ginang Samonte. Ginoong Samonte" pagpapaalam ko bago umalis.
Sabay silang tumango kaya yumuko ako upang magbigay galang. Tumalikod na ako at akmang aalis ng marinig ang pagtawag niya.
"Isabelle!"
Lumingon ako at nakita ko ang humahangos na si Kael.
"Bakit?" walang emosyon kong sabi.
Huminga siya ng malalim bago umayos ng tayo. "Aalis ka na ba talaga?"
Tumango ako.
"Bakit?"
Tumikhim ako. Bakit nga ba? Dahil ba kay ina o dahil sa nakita ko kagabi?
"May nangyari ba?" alalang tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Kailangan ko lang talaga na umalis."
Kumunot ang noo niya. "Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Uuwi na ako." nag-peke ako ng ngiti. "Paalam."
Tumalikod na ako at naglakad paalis. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin, dahil alam kong kung ano man iyon magiging dahilan iyon ng hindi ko pagtuloy sa pag-alis. Hindi ko na siya nilingon pa dahil baka kung ano ang mangyari sa akin.
Dumiretso ako sa ospital kung nasaan si ina upang masundo ko na siya. Nang makarating ako nadatnan ko si ina na nag-aayos ng mga gamit kaya agad akong naglakad patungo sa kanya at tinulungan.
"Anak, sobrang saya ko at makakalis na ako dito" halata ang tuwa sa kanyang pananalita kaya nilingon ko si ina na may ngiti sa aking mga labi.
"Ako din po ina" pag-sang ayon ko. "Makakasama na ulit kita sa bahay"
Nang maimpake na ang lahat ng aming mga gamit nagtungo na kami palabas ng ospital. Minsan ay nakakasalubong namin ang mga mang-gagamot na gumamot kay ina kaya titigil kami upang kausapin ang mga ito.
"Tunay ngang magaling ka na, Julia" bati sa amin ng doktor na tumingin kay ina.
"Oo nga, magaling kasi na mang-gagamot ang nag-pagaling sa akin" pambobola naman ni ina.
Nagtawanan sila ngunit natigil din ng mapatingin sa akin ang mang-gagamot.
"Oh, Isabelle. Buti nga pala at nakakuha ka ng pambayad para sa operasyon ng iyong ina at para na rin sa pananatili niya sa ospital"
Natigilan ako.
"Isabelle?" napadako ang tingin ko kay ina at nakita ko ang nakakunot niyang noo na para bang nagtataka sa sinabi ng mang-gagamot.
"Ah, aalis na po muna kami. Maraming salamat" pagpapaalam ko at inalalayan si ina hanggang sa makalabas na kami ng ospital.
Nakarating na kami sa aming tahanan ngunit ang pagtataka pa rin ni ina ay hindi nawawala. Inilapag ko muna ang mga gamit bago hinarap si ina.
"Ina magpap-"
"Isabelle gumawa ka ba ng masama para lang mabayaran ang mga iyon?!" galit na paratang ni ina.
Umiling ako.
"Saan ka nakakuha ng ganong kalaking pera?"
"Ina, hindi na po dapat na-"
"Sabihin mo!"
Bahagya akong yumuko. "Namasukan po akong alipin sa mga Samonte" pagsasabi ko ng totoo.
Bahagya akong tumingala upang makita ang naging reaksyon ni ina sa aking sinabi ngunit ang nakita ko lang ay galit at ang pagsapo ni ina sa kanyang noo.
YOU ARE READING
Timeless Love
Historical FictionWhen Isabelle stepped out of the church for her to go home a known fortune teller called her. She predict an impossible event Isabelle never knew would happen. She didn't believe in it and she put in her mind the fortune teller predicted will never...