Kabanata 4

1 1 0
                                    

Nakasandal ako ngayon sa puno ng mangga at nakapikit ang mga mata. Mamaya ay hapon na at mabibisita ko na si ina, hindi na ako makapaghintay. Kahit na araw-araw akong bumibisita doon hindi pa rin mawala ang tuwa sa aking puso kapag naiisip ko na bibisitahin ko na si ina, makakapagpahinga na ako at makikita ko ulit ang ngiti ni ina na nakakapawi ng aking pagod.

Wala sa sariling napangiti ako habang iniisip ito. Tahimik ang paligid at kahit tirik ang araw hindi pa rin ako masyadong naiinitan dahil sa mga dahon ng puno. Nagmulat ako ng mga mata ng makaramdam na may tumabi sa akin.

"Ginoo, hindi tayo pwedeng mag-tabi" pag-papapaalala ko sa binatang nasa aking tabi kung paano gumalang ng kababaihan.

Napangiwi siya. "Tabi lang eh, damot naman nito" inis na sabi niya bago lumayo sa akin.

Ngumiti ako. "Hindi naman po ako madamot ginoo, hindi lang magandang tignan na magkatabi tayo" pag-rarason ko.

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Bakit? Hindi ka naman masyadong maganda para ma-issue ako sayo ah!"

Kumunot ang noo ko. "Issue?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Issue, yung ano" napakamot siya sa batok niya. "Basta issue wag ka nalang magtanong"

Ngumiti ako dahilan para siya naman ang kumunot ang noo.

"Why are you smiling?"

Sumandal ako sa katawan ng puno at tumingala sa langit. "Ngayon ko lang napagtanto na kahit papaano masaya ka rin palang kasama, ginoo" nakangiting sabi ko.

Hindi ako nakarinig ng sagot sa kanya kaya nagpatuloy ako.

"Kahit minsan hindi ko lubos maintindihan ang iyong sinasabi at kahit na lagi mo akong iniinis, hindi ko maipagkakailang may bait kang taglay at base sa nakikita ko sayo" tumingin ako sa kanya. "Marunong kang makisama, ngunit hindi nga lang rumespeto" bahagya akong natawa.

Tumingin muli ako sa kalangitan.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ginagawa kong mali kung bakit sinasabi mo bastos ako, hindi rin ako sanay sa ganitong lugar" narinig kong sabi niya. "Ni hindi ko nga alam paano ako napunta dito eh! I was just swimming in a river tapos ayun, boom! I'm here"

Nanatili akong nakikinig sa kanya.

"I'm not used to this life, parang nag-travel ako sa past na hindi ko alam kung paano ko nagawa. I badly wanted to come back when I saw myself in a river. I just don't know why I'm here. I just can't find any reason why" inis na sabi niya.

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa amin bago ko napagdesisyunan na basagin ito.

"Ginoo" tawag ko dito.

"Oh?"

"Pwede bang sa susunod kapag ika'y magbabahagi ng isang istorya, yung maiintindihan ko sana para hindi ako magtaka kung ano ang iyong sinasabi"

Narinig ko ang kanyang tawa kaya napalingon ako dito.

"Anong nakakatawa?" takang tanong ko dahilan para tumigil siya.

Umiling siya.

"Oo nga pala ano ang panglan mo?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Isabelle, Isabelle Cortez" nakangiting pagpapakilala ko sa sarili.

"Ikaw, ano ang iyong ngalan ginoo?" tanong ko naman sa kanya.

Gaya ko ay ngumiti din siya. "Kael Angeles"

Ilang oras din ang itinagal namin sa ilalim ng puno bago namin napagdesisyunan na umuwi na. Sakay sa kalesa patungo sa aming tahanan hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng kung ano ng malaman ang kanyang ngalan. Kakaiba ito, ngayon ko lang ito narinig at sa tagal ng panahon ngayon lang ako ng isang tao na ngalan ay Kael, parang sa dayuhan. Umiling nalang ako at inalis ito sa aking isipan.

Suot ang isang malinis na damit nagtungo ako sa ospital. Sumalubong sa akin ang nakangiting si ina kaya ngumiti ako ng malaki at agad lumapit tsaka siya niyakap ng mahigpit.

"Hindi na ako makapaghintay na umalis ka dito ina" sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap.

Naupo ako sa silya tsaka hinawakan ang kamay ni ina.

"Ako din anak, gusto ko ng umuwi at matulog ulit sa tahanan natin" pag-sang ayon ni ina.

Naging masaya ang bawat oras ko. Nagkwentuhan kami ni ina na parang magkaibigan pero siyempre hindi ko nakakalimutan na mag-po at opo kay ina. Sa dami ng pinagkwentuhan namin hindi ko namalayan na naikwento ko na ang tungkol kay Kael.

"Ina, alam niyo po bang may bago akong nakilala?" nakangiting tanong ko kay ina.

Naupo siya at tumingin ng diretso sa akin. "Talaga?" interesadong sabi niya. "Sino naman itong maswerteng nakilala ng aking anak?"

"Isang binata ho ina"

Nakita kong sumeryoso ito. "At sino naman binata iyan? Saan mo nakilala?" sunod sunod na tanong niya.

"Ah ina, nakilala ko po siya sa palengke" pag-sisinungaling ko. "Ina nais niyo po bang malaman ang kakaiba niyang pangalan?"

Agad tumango si ina.

"Kael Angeles ho, alam mo ina kakaiba talaga ang pangalan ni-"

"Lumayo ka sa kanya" pag-putol ni ina sa aking sasabihin.

"Bakit po ina? Wala naman pong masama-"

"Basta lumayo ka sa kanya!"

Natigilan ako ng biglang tumaas ang boses ni ina. Ngayon lang nagtaas ng boses sa akin si ina, talagang nakakagulat na pag-taasan niya ako ng boses.

"Ina, tingin ko po kailangan niyo ng magpahinga" sabi ko at nagpaalam na.

Umalis ako sa ospital na gulong-gulo ang isip. Bakit ganon nalang ang pagbabawal sa akin ni ina na maging malapit kay Kael? Kakilala niya ba ito? Bakit tila ba galit na galit si ina lalo na ng malaman ang pangalan niya? May tinatago ba si ina sa akin?

~~~

Timeless Love Where stories live. Discover now