Chapter 3

3.2K 110 15
                                    

Chapter 3: School

Nang natapos ako kumain ay umalis na din kami. Sa sasakyan kami ni Dion sumakay dahil nag presinta din naman itong si Dion.

Nakatingin lang ako sa labas habang nakasuot ang earphone sa tenga at si Mama ay kinakausap ata si Dion at tinatanong ng kung ano. Napatingin ako kay Dion nang hindi sinasadya. Guwapo talaga siya. Moreno, medyo makapal ang labi pero basa at mapula at yung isang kilay niya may hiwa sa gilid. Para siyang american playboy or something.

Lumipas ang ilang sandali ay nakarating na rin kami sa school. Bumaba na agad ako. Isang malaking gate ang bumungad na may logo ng school at sa taas ay ang bakal na mga letra na ang sinasabi ay...

Casa High School

Simple at maikli lang ang pangalan ng school dito. Hindi katulad sa iba na kumplikado pa minsan. Itong pangalan ng school saglit lang isulat sa papel o puwede din na CHS nalang.

May isang gate sa gilid at doon ang pasukan dahil may nakita akong guwardiya. Kahapon, ipinadala ng dati kong school ang mga dokumento ko dahil hindi namin nakuha dahil nga nagmamadali kaming umalis ng Maynila.

Pagpasok ko sa school ay may pathway at sa gilid ay ang mga puno. At sa gitna ay ang buong campus na habang pinapalibutan ng mga buildings. Sobrang laki pala talaga sa loob ah. Hindi ko inakala.

Nauuna akong maglakad at si Mama at Dion ay nasa likod ko. Hindi ko na sila naisip dahil sinusuyod ko ang buong school. Nang nakalabas sa pathway ay tumingin ako sa kanan at nakita ang mga batong lamesa at upuan at iilang bench. Dito nga ang canteen at mukhang malaki ang loob ng canteen at hindi gitgitan pag recess. Sa gitna ay ang canteen at sa magkabilang gilid nito ay may mga pinto pa at siguro doon na ang iba't ibang office at department ng school na ito.

Hindi mahirap maghanap sa school na ito kahit malaki. At tama nga ako dahil lumiko pakanan si Mama at Dion kaya sumunod na ako.

Medyo nagulat ako sa presensya ni Dion at sa tangkad niya. Hanggang balikat niya lang ako at ngayon na nauuna siya ay sa harap ko ay matangkad at malaki niyang katawan. Payat siya pero tama lang ang laki ng braso at balikat. Mas lalong dumagdag sa kagwapuhan niya ang katawan. Naka tshirt siya ngayon at short shorts.

"Dionisio Venturero...welcome to Casa High School!" ang isang guro.

Hindi ko narinig na sumagot si Dion pero siguro ngumiti lang siya. Tapos na kasi siyang mag fill up ng form at ako na ngayon at sa harap ko si Mama na may pinipirmahan din.

"Grade 8 ka, hijo?" ang ginang sa tapat ko.

"Opo," magalang kong sabi.

"Ang tangkad mo at ang guwapo, para kang grade 9 na..." ang ginang. Pilit lang ako na ngumiti hindi alam kung gusto ko ba ang papuri na iyon.

Nang natapos ay inalok pa kami ng isang guro na itotour niya daw kami sa buong school. May paganito pa talaga? Ah! May mayaman nga pala kaming kasama. Sabi ni Mama, marami na daw donasyon ang mga Ventureros sa school na ito. Well, tumatanaw lang ng utang na loob ang mga guro kaya ganito.

Ang ilang building ay may limang palapag o anim. Bawat grade level ay may sariling building at may ginagawa pang dalawang building na para daw sa senior high school.

"Dito ang building ng grade 8, may 15 sections ang grade 8 at yung ibang grade level ay ganoon din... " ang guro.

Tumango ako at tumingala. Napatingin ako sa kay Dion na tumabi sa akin at tinignan din ang building.

He looks serious. Ang tahimik niya din. Akala ko ba basagulero ito? Parang hindi naman. Mas tahimik pa sa akin eh.

Katabi ng grade 8 building ay ang grade 9 naman at sa gitna ng dalawang building ay may daanan.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon