Chapter 19

2.2K 97 13
                                    

Chapter 19: Present

"Uhm, kahit ano?"

Napangisi siya at kinagatan ang tinapay sabay inom sa juice.

"Libro?" aniya.

Gusto ko nga iyon at ganoon ang mga gusto kong regalo at paanong nahulaan niya agad? Ah! Nga pala, tutor niya ako at napapansin niya ang pagkahilig ko sa mga libro sa tuwing tinuturuan ko siya.

"Sige... Salamat," sabi ko at nagmamadali nang lumabas sa kuwarto niya.

"Maganda ba, Jorie at Hydro?" si Sheena nang ipakita sa amin ang magiging design ng room namin dahil Christmas party na na namin bukas! Ito ang pinagplanuhan namin sa mga nakalipas na araw at maganda naman ang ideya ni Sheena.

"Oo! Simulan na natin!" anunsyo ni Hydro.

Wala nang pumapasok na teacher ngayon at pinapayagan na lamang kami na magayos ng room para sa party bukas. Ganoon lang ang ginawa namin buong araw kaya maganda ang kinalabasan o naging bunga.

Si Hydro nagsulat sa board ng merry Christmas dahil magaling siya sa calligraphy at napagusapan na rin namin ang tungkol sa exchange gifts. Time passed smoothly. Marami kaming ginawa pero parang hindi kami napagod.

Birthday ko na sa susunod na araw at hindi ko alam anong gagawin ko. Ayaw kong maghanda dahil hindi naman ganoon ang gusto ko pero may mga kaibigan naman ako na maiinvite kaya bakit hindi? Im turning sixteen, I can't believe. Parang ayaw kong tumanda at ganito nalang pero life goes on...

Nang nag uwian na ay hindi namin nakasabay si Brandean at Eli. Hindi ata pumasok ang dalawa? Marami na rin kasing umaabsent dahil wala ng ginagawa at party na nga bukas, baka namili ng pang porma.

Dahil maaga ang uwian ay balak namin na pumunta sa mansion. Umuwi muna kami ni Hydro para maligo at magpalit ng damit dahil tatalakan kami ng mga nanay namin.

"Nasa court sila Dean! Puntahan niyo nalang..." sagot ni Mama nang tinanong namin siya kung nasaan sila Dean nang nakarating kami sa mansion.

"May basketball court dito?" I asked because I didn't know.

"Yeah. Madadaanan mo iyon papunta sa mansion ni Don Valentino..." Hydro informed me.

"Sino naman yun?"

"Si Don Valentino ay kapatid ni Segismundo, Jorie..." Hydro said. I nodded and realized the Ventureros has confusing family tree.

"Lolo ni Dion at Ryu si Segismundo at Lolo naman ni Teodus si Valentino...gets mo?" ani Hydro habang naglalakad na kami papunta sa court.

May stone pathway at sa paligid ay ang mga puno ng buko at mga bulaklak. Natatanaw ko na nga ang malaking mansion at kapag diniretso mo itong pathway ay sa dulo ang mansion.

"Ilan ba silang magkakapatid?" I questioned.

"Apat silang magkakapatid na Venturero. Ang panganay ay si Don Valentino, sumunod si Segismundo, tapos si Delfin at ang bunso ay si Graciano..." sagot niya. Now I am near to understand it.

"Nag iisang apo lang si Teodus?"

"No. May isa pang apo, yung pinsan ni Teodus si Froilan..."

"Eh sino naman ang apo ni Delfin?" I want to fill my curiosity.

"Si Parrish pero nasa Maynila yun, wala dito..."

Tumango ako. Ang dami talagang alam ni Hydro. Siguro, katulad ko, interesado rin siya sa mga ganitong topic kaya tinatanong niya ang Mama niya. And he explained it well.

Lumiko kami at natanaw ko na sila Brandean na naglalaro ng basketball. Apat sila at hindi ko maaninag yung tatlo pero nang nakalapit kami ay nakita kong si Eli, Teodus at...Dion iyon. Napatingin silang apat sa amin ni Hydro at kumaway pa si Eli. Ngumiti naman si Teodus na pawis na pawis. Tinaasan naman ako ng kilay ni Dion.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon