Chapter 20: True
Nagtagal sa loob ng bookstore si Dion at nakapagbayad na ako't lahat. Nandoon pa rin siya. Nireplyan ko si Mama dahil baka ang dahilan ng pagtatagal ni Dion ay ang hindi siya makapili dahil di niya alam kung ano ang gusto ko. Nakita kong tumingin si Dion sa cellphone niya at pagkatapos ay nagpunta sa mga fiction books na gusto ko.
"I received five hundred," the cashier said. Pagbigay sa akin ng resibo ay lumabas na ako dahil parang ang awkward kung makikita niya ako eh ako ang binilhan niya ng regalo.
Inabot agad sa akin ni Hydro ang milktea at pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang pag gala. May mga binili rin na damit ang ilang kasama ko at si Hydro ay nasa comic book shop. He likes comics too but he didn't like fiction books. Sa comics lang kami nagkapareho at medyo sa ibang bagay.
I am drained when I reached our house. Binagsak ko ang sarili ko sa sofa dahil sa pagod pero hindi naman ako nakatulog kaya inayos ko nalang ang mga binili ko at nanood ng movie sa laptop.
The next day, when I opened my eyes I smiled. Masaya akong bumangon dahil birthday ko na. Ganito ako lagi kapag birthday ko dahil siyempre naeexcite din ako sa pasko. Ten days nalang pasko na. Nag unat unat ako pero hindi muna bumangon. Tumitig ako sa isang sulok at pinoroseso ang mga bagay na nangyari sa noong fifteen years old ako. May isang pangyayari man nagbigay sa akin ng takot at pangamba, mas marami naman ang mga magagandang bagay na nangyari sa akin. I gained friends in this place that I've never thought I will find my happiness and peace. But, look at me now, smiling genuinely and laughing with my friends.
I couldn't ask for more.
Paglabas ko ng kuwarto ay nasa lamesa na si Mama at Papa at nag aagahan. Nang narinig nilang sinarado ko ang pintuan ng kuwarto ko ay sabay pa silang napatingin sa akin. Agad na tumayo si Mama at lumapit sa akin. Niyakap ako ni Mama at pinatakan ng halik ang ulo ko.
"Happy Birthday, Jorito!" bati ni Mama at pinisil pa ang pisngi ko na para bang bata pa ako.
"Happy birthday, nak..." si Papa.
"Thankie..." I said before I sat.
"Dahil ngayon ka lang nagbibirthday dito, kailangan bongga! Inimbitahan mo ba mga kaibigan mo?" Mama inquiring.
"Nilibre ko na sila kahapon eh?" saad ko. Si Papa ang nagtimpla ng milo ko at nagpalaman sa pandesal.
"Ha? Papuntahin mo pa rin!" pilit niya.
"Susubukan ko. Pero puwede namang sila Hydro nalang?"
"Kaunti lang. Damihan mo dahil marami akong lulutuin. Sweet sixteen mo ito, Jorito!" aniya.
Natawa ako sa sweet sixteen ganoon din si Papa. Di ko lang sure kung papayag ba ang mga kaklase ko dahil baka nagpapahinga o may mga sariling lakad ang mga iyon. Alam din kasi nila na hindi na ako mag iimbita dahil nilibre ko na sila kahapon.
"Jorie?!" ang maingay na bibig ni Hydro at ang malakas niyang katok. Ang aga!
"Aga ni Hydrolin ah," si Papa ang nagbukas ng pinto.
"Happiest birthday!!!" bungad niya at umupo sa tabi ko. Hinampas niya ang braso ko.
"Salamat. Kain ka," sabi ko at kinuha na siya ng pinggan.
Gusto ni Hydro na pumunta sa Parke ng Casa at doon kami kumain nila Dean at Eli pero nasabi kong magluluto si Mama. Pero gusto niya pa rin pumunta kaya pinagbigyan ko na.
"Happy birthday, Jorito!" si Eli nang nakarating kami sa parke.
"Happy birthday, Jorie..." si Dean at may inabot silang paper bag, nagulat ako pero tinanggap ko na rin.
BINABASA MO ANG
I am his Dictionary (Street Series #1)
Romance📍Alpha Street Jorie Siao, traumatized after what happened in Manila so he agreed to live in Alpha Street, Casa Poblacion where his parents work for years. A dream catcher and the bisexual of the year became a dictionary. No, not literally. Because...