Chapter 35

2.3K 86 2
                                    

Chapter 35: Relationship

Mabilis na nalalagas ang buwan sa kalendaryo. Parang kahapon lang noong pinagtapat namin ang nararamdaman naming dalawa at noong nagpunta kami sa Tagaytay at noong naging kami na.

December na ngayon at malapit na ang birthday ko. This is my first birthday with us, together. Masaya lang ako at kuntento sa mga nangyayari at sa pang araw araw naming routine. Kapag papasok kami ng school ay minsan sumasabay ako kila Hydro pero madalas kay Dion. At sa uwian naman ay ganoon din. Minsan, kami nalang dalawa ni Hydro dahil nagiging abala na si Eli at Dean. Grade 12 na kasi sila at graduating na kaya nagiging busy na.

Tuwing weekend naman ay nasa kuwarto ako ni Dion, kumakain kami habang nanonood ng movie at minsan... Nauuwi sa malalim na halikan at kandungan pero hanggang doon lang muna kami. Wala pa kami sa hard level dahil masyado pang maaga.

We're just enjoying our relationship that's why I am always happy and I feel so love. May mga linggo naman na namamasyal kami sa kung saan at noong nakaraang buwan lang ay nagpunta kami ng Baguio. Its fun and enjoying of course because Im with him.

Nag uunat unat si Eli habang papunta kami sa cafeteria. Kami rin ni Hydro ay parang pagod na dahil ang daming ginawa kanina at mukhang diretso tulog na dahil madami pang gagawin mamaya at dagdag pagod iyon.

"Mukhang practice nga ito sa college ah!" Hydro yawned.

"Saan ba kayo magcocollege? Doon na rin ako!" si Eli.

"Hmm. Hindi ko pa alam, Saan ba, Jorie?" si Hydro. I shrugged cause I don't know. May two options ako pero naisip ko na next year na ako magdedecide bago grumaduate.

"Sa UP Los Baños si Brandean di'ba? Try natin mag entrance exam?" I said positively. Dahil maganda sa UP, gusto ko nga doon pero mukhang malabo? Hindi ko sure.

Napahinto ang dalawa na para bang biro ang sinabi ko.

"Seryoso ka ba? Baka lumayas ang aking brain?" giit ni Eli.

Napangisi ako. Hindi naman kami kasing talino ni Brandean pero madali naman kaming pumick up! Pansin ko kay Hydro na kahit ganyan yan, Madaling umunawa yan at si Eli na pilyo ay ganoon din. I believe in their brain capacity, sila lang ang hindi.

Hinampas ni Hydro ang braso ko. "Sa Bisbal nalang tayo!"

"Hmm. Puwede rin? Pero try lang naman natin sa UP---" hindi pa ako tapos magsalita ay nauna na silang maglakad na parang ayaw na akong pakinggan. Natawa ako at tumakbo na palapit sa kanila pero tumakbo sila at parang nagpapahabol pa!

"Basketball kami mamaya. Ayaw niyong sumama?" tanong ni Eli, nandito na kami sa cafeteria at kumakain habang ako ay kaharap ko ang laptop ko pati si Hydro dahil naalala namin na mamaya na ang reporting. Ang husay naming estudyante talaga.

"Sino sino ba kayo?" si Hydro na double tasking, kumakain habang nagtatype.

"Kami nila Teo, Dean at ewan ko kay Dion. May gagawin ba kayo ni Dion, Jorie?" Eli questioned.

Natigil tuloy ako sa pagtype. Sa ilang buwan naming relasyon ni Dion, wala silang alam. Siguro normal lang ang tingin nila sa amin. Nasanay na silang lagi kaming magkasama at akala siguro nila magkaibigan pa rin kami.

"Hindi ko alam sa kaniya--"

"Uy, Dion!" sambit bigla ni Eli at tumingin sa likod ko. Lumingon tuloy ako at nakita nga si Dion na papalapit may dalang paper bag.

"Tanungin mo," sabi ko at pinagpatuloy ang pagtipa.

"Laro ka ba basketball mamaya?" Eli asked Dion. Nilapag ni Dion sa harap ko ang paperbag.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon