Chapter 8: Soul
I don't know why I woke up early when I slept late at night. Dapat naghihilik palang ako ngayon at nanaginip pero alam ata ng katawan ko na may gagawin ako kaya kusa itong gumising pero ang diwa ko, wala pa.
"Pumunta ka nalang doon ah?" si Mama nang nasa agahan na kami.
"Opo..." sagot ko.
"Pero kung magbago man ang isip mo...huwag ka nang pumunta," Papa said while reading his newspaper.
"Ednando!" saway ni Mama.
"Bakit? Kung ayaw ng anak mo, huwag mo nang pilitin, Vera...at parang hindi mo naman kilala si Dion, baka ano pang gawin kay Jorie," ani Papa sabay higop sa kape.
Parang kinabahan ako sa sinabi ni Papa. Bakit? Anong gagawin sa akin ni Dion? Bubugbugin? At bakit naman!?
"Hindi naman bayolente si Dion, Ednando! At siyaka mahihiya na iyon kasi ibang tao na ang kasama!" patuloy si Mama.
"Ibang tao man o kakilala, ganoon pa rin iyon. Kaya nga ang daming sumusukong tutor doon dahil sa ugali," pahayag ni Papa.
"Grabe ka naman sa bata, Ed. Mabait naman iyon at nung sinabi ni Madam na si Jorie ang magtuturo mukha namang wala siyang pake, so ibig sabihin, pumayag siya!"
Papalit palit ang tingin ko sa nag aaway kong mga magulang.
"Ganito nalang, kung hindi ka kumportable at masama agad ang trato sayo ni Dion, umalis ka na agad..." suhestiyon ni Papa at ganoon naman talaga ang gagawin ko.
Suminghap si Mama at tumango na rin sa huli. May punto naman si Mama dahil nakakahiya nga naman kay Madam dahil nasabi niya na ang pangalan ko at ang pangit ko babawiin niya pa. Pero may punto rin naman si Papa. Bahala na nga!
Gagawin ko dapat ang assignment ko kaso naisip ko na doon ko nalang gagawin. Baka nga doon na din gagawa yung tatlo. Isang plain na tshirt, jeans, at flip-flops ang suot ko at ayos na naman ito tapos nagdala ako ng maliit na backpack.
"Jorie!" tawag ni Hydro sa labas. At nagulat ako dahil pinuntahan niya pa ako ah.
Lumabas na ako at napatitig ako nang ilang sandali kay Hydro dahil ang guwapo niya talaga. Hindi mo siya maiiwasang purihin at titigan eh kasi maka agaw atensyon talaga ang kagwapuhan niya.
"Guwapo natin ah!" anas niya.
"Ikaw lang," sambit ko at nilabas na ang bike.
Naka short shorts at tshirt lang si Hydro tapos tsinelas at mukhang at home na siya sa mansion ng mga Venturero dahil sabi niya nga sa akin, doon na siya lumaki.
"Gawa tayo assignment ah! Tulungan mo ako!" daldal ni Hydro habang parehas na kaming nagpapadyak ng bike at tinatahak ang daan.
"Medyo nahihirapan ako eh," saad ko. Kagabi nanood ako sa youtube ng lessons pero ilan lang ang nagets ko.
I don't really love Mathematics unlike Science and Filipino. Madali lang naman unawain ang agham at ang sariling wika at may mga pagkakataon na challenging din naman iyon pero sa Math kasi, lahat ng subject challenging eh. I salute all the math lovers.
"Paturo tayo kay Dean! Magaling sa math yun eh,"
Nang dumating na kami sa mansion ay parang dumating na din ang matinding kaba sa katawan ko. Huminga ako nang malalim para maibsan ang kaba.
"Mauna ka na, Jorie, may bibilhin lang ako," ani Hydro at lumiko na sa daan kung saan ang mga tindahan.
Pumasok na ako at binati ako ng guwardiya at tinawag pa ako na Ednando Jr. Pero binaliwala ko nalang dahil nga kabado ako.
BINABASA MO ANG
I am his Dictionary (Street Series #1)
Romance📍Alpha Street Jorie Siao, traumatized after what happened in Manila so he agreed to live in Alpha Street, Casa Poblacion where his parents work for years. A dream catcher and the bisexual of the year became a dictionary. No, not literally. Because...