Chapter 24

2K 90 14
                                    

Chapter 24: Feelings

And as the time passes so fast just like the blink of an eye...

Mas lalo ko pa siyang nakilala nang husto hanggang sa dumating ang araw na hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

(2 years later...)

"Jorie!" malakas na tawag sa akin ni Hydro. Napahinto ako sa paglalakad paea lingunin siya.

"Oh? Bakit?"

Naglalakad ako sa hallway ng mansion nila Dion, papunta na ako sa library at nandoon si Dion, naghihintay sa akin.

Lumabas si Hydro sa isang pinto at hindi ko alam kung kaninong kuwarto iyon.

"Saan ka punta?" aniya at kinusot ang mata at nang nakalapit ay napagtanto ko na dito siya natulog.

"Library..." sagot ko at lumiit ang mga mata dahil parang...

"Saan ka natulog?" tanong ko. Napakurap naman siya at parang hindi makapagsalita.

"Sa ano... Kuwarto ni Teodus. Nag movie marathon kami, nakatulog ako..." naiilang niyang sagot sabay iwas ng tingin.

"Kayong dalawa lang?"

He nodded awkwardly.

"Nga pala, may output ka na sa political science?" paglihis niya sa usapan.

"Mayroon na. Titignan mo?"

Tumango siya at binigay ko sa kaniya ang nagawa kong output. Pinagmasdan ko siya habang binabasa iyon. Akala ko hindi na sila magkakasundo ni Teodus pero noong grade 10 kami, napansin ko na lagi na silang magkasama at nagtatawanan pa. Para silang mag best friend na at maganda kung ganoon.

Matiwasay naman kaming nakapagtapos sa high school. With high honors ako at si Hydro ay with honors. And guess what? Kasama din si Dion sa with honors noong grumaduate siya. Si Brandean naman ay ang valedictorian ng batch nila at si Eli ay with honors. We're all lucky and grateful.

Marami kaming pinagdaanan ni Hydro at doon mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Lahat kasi ng extra curricular activities ay si Hydro ang katuwang ko maging sa volleyball. Ang sabi nga ng ate Neon niya ay goals daw ang friendship namin dahil sabay kaming nag gogrow at natututo at humahakot ng awards. Look how far we've made it, it feels surreal and unbelievable.

Sa Abad Santos kaming lahat nag senior high maliban kay Brandean dahil ayaw niyang sayangin ang mga opportunities na mayroon siya at nauunawaan naman namin iyon pero nakakasama pa din siya sa amin kapag may gala at iyon ang mahalaga.

Pumasok na ako library. Isang taon na ang nakalipas nang irenovate ito at maraming pagbabago. Naging contemporary pero may ancient touched pa din naman kaya madadama mo pa rin na para kang nasa palasyo. Pagpasok ko ay bumungad ang malaking salamin at kita ko ang buong katawan ko.

Nagkalaman na ako pero slim body pa rin ako at mas maganda ang katawan ko ngayon siyempre, hindi katulad noon na bakat ang ribcage ko. Ngayon, hindi na. Tumangkad din ako ng ilang centimeter at ang buhok ko ay parang bao pero hindi naman masagwang tignan. Uso ito ngayon kaya ganito ang gupit ko.

Naka slacks ako at oversized tshirt at ang tote bag ko kung saan ang mga libro at ilang gamit. Maraming nagbago sa akin siyempre dahil tumatanda at marami rin akong natutunan at matututunan pa.

"Hoy..." tawag ni Dion. Nilingon ko siya na nasa lamesa na. Kaharap niya na ang laptop.

Lumapit na ako sa kaniya. Medyo mahaba na ang buhok ni Dion kaya itinali niya. His tanned skin, eyes, pointed nose, not so thick red lips are still the same. Lumaki nga lang nang kaunti ang boses niya at tumangkad din siya kaya mas lalong lumakas ang dating niya at ang guwapong mukha noon ay mas lalong gumawapo. May hiwa pa rin sa gilid ng kanang kilay niya at tingin ko, style niya na iyon.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon