Chapter 14

2.3K 93 23
                                    

Chapter 14: Play

"Kanino ito galing?" tanong ni Hydro nang binigay ko na ang paper bag na may laman na tshirt.

"Kay Teodus," sagot ko. Nagulat siya at tinitigan nang matagal ang tshirt pero sa huli ay sinuot niya rin naman dahil basa ang tshirt niya.

Nandito kami sa cr. Nasa kabilang cubicle si Marvin na tinutulungan naman ni Adam at ako kay Hydro. Paglabas ni Hydro sa cubicle ay ang paglabas din ni Marvin. Hindi siya tinignan ni Hydro at naghilamos nalang ang kaibigan ko. Si Marvin naman ay mukhang kalmado na ngayon.

Naalala ko ang sinabi ni Adam na baka may gusto talaga siya kay Gilbert. At dinaan niya sa pang iinis ang pagkagusto niya dito. Nafigured out ko na baka nahihiya lang si Marvin kaya dinadaan niya sa pang iinis at ginagamit pa ang nararamdaman ni Gilbert kay Adam para inisin. Ano ba dapat ang ikahiya? Nahihiya kasi sa bakla nagkagusto imbes na sa babae? Maybe they're thinking about the reality: the judgement. Hindi ko rin masisisi si Marvin kung ganoon nga ang inaalala niya. At siyaka, bata palang naman kami baka infatuation lang ang mararamdaman niya kung mayroon man. Pero sana, kapag nalaman niya na pagmamahal na pala, magkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin kay Gilbert at sa buong mundo. What is love when you're both hiding in the corner?

Pinagalitan pa si Hydro at Marvin ng adviser namin dahil nalaman nito ang nangyari. Palapit na sa gulo ang nangyari at nakakahiya kasi grade 8 pa daw talaga ang nagpasimula.

"Okay, class... Nagkaroon kami ng bunutan at ang mananatili dito sa 8-Watson ay si Hydro at si Marvin ang ililipat ko sa 8-Einstein," deklara ni Maam at halos nagulat ang lahat.

"Diba, section Einstein si Gilbert?" bulong ni Sheena.

"Siguro," kibit balikat ko. Ang gandang tagpo noon kung sakali. Baka ito na ang simula ng love story nila.

Saturday came and I already accepted that it's now part of my routine: to go to mansion and help Dion. Ang sabi ni Mama ay sa susunod na linggo na ako mabibigyan ng pera at excited na ako makabili ng mga gusto ko.

Pumunta si Hydro nang maaga sa bahay namin dahil gagawa kami ng assignment at outputs. Wala akong maisip na sagot sa essay kaya tinitigan ko si Hydro habang nag iisip. Naalala ko si Teodus at ang pagbigay niya ng tshirt kay Hydro. What was that for? They're friends? Maybe.

"Kaibigan mo si Teodus?" I asked him then I started to write my answer.

Natigil siya sa pagdadrawing at tinignan ako. He didn't say anything. Umiling lang siya tapos nagpatuloy na ulit. I just nodded and decided not to bother him. Magpapaguhit din kasi ako sa kaniya dahil magaling siyang mag drawing. He's a drawer.

Pagdating namin sa mansion ay dumiretso agad si Hydro sa kusina kung nasaan ang mama niya dahil nagugutom na daw siya kahit kumain naman kami sa amin.

"Samahan mo muna ako, Jorie! Kain tayo!" hila sa akin ni Hydro pero pumipiglas ako dahil gusto ko nang umakyat sa library.

"Huwag na, Hydro!" piglas ko pero natigil si Hydro sa paghila sa akin nang makita namin kung sino ang lumabas galing sa kusina.

Si Dion na may bitbit na tray na may mga pagkain. Naka pajama at tshirt pa siya pero maaliwalas na ang mukha niya pero bakas pa din ang bagong gising sa mukha niya.

"Hi, Dion! Sige, Jorie, ako nalang kakain. Mamaya nalang ah!" ani Hydro at pumasok na sa kusina.

"Nag almusal ka na ba?" tanong niya. Tinignan ko ang laman ng tray at may dalawang baso ng juice at dalawang pinggan ng pancakes. I've ate already but...

"H-Hindi pa, kape lang," sagot ko.

"Sakto. Tara na, kain muna tayo!" aniya at umakyat na sumunod na din ako.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon