Chapter 38

2K 71 7
                                    

Chapter 38: Changes

It was not a massive explosion but I guess it has a collateral damage. Natulala ako, nakaupo pa rin ako sa sahig at nanginginig pa din ang tuhod ko kaya hindi ako makatayo. Dumagdag pa ang sigawan ng mga tao at takbuhan.

Bumukas ang pinto at lumabas si Victor. Umupo siya sa harap ko at tinapik niya ako.

"Jorie! Jorie! Jorie!" tuloy tuloy niyang tapik sa akin.

I swallowed hard and started to stood up. Inalalayan ako ni Victor papasok sa bahay at binigyan niya ako ng isang basong tubig. I gasped. Umupo ako sa sofa at sa harap ko si Victor, pinagmamasdan akong mabuti.

"Ayos ka na ba?" he asked.

I nodded because I am calming now. Nabigla lang talaga ako sa biglaang pagsabog at ang malakas na tunog na iyon. Bigla nalang umakyat ang kaba at takot sa akin.

"Sa palayan nangyari ang pagsabog!" dinig naming sigaw sa labas.

"Nagkaroon ng crack ang daan pero hindi naman masyadong malaki!"

"Mabuti nalang walang tanim na mga palay, diosmio anong nangyayari?!" patuloy nila.

"Sumilip pa talaga kayo baka may sumabog pa diyan!"

"Wag muna lumabas lahat! Pasok!"

That explosion may bring jeopardy to our lives. It was very alarming and for sure all the residents are trembling and shocked at the moment. Palagay ko nga na nasa labas na ang lahat ng tao at may naririnig na din akong iyak ng mga bata.

Lumipas ang isang oras at kalmado na kaming dalawa ni Victor. At siya ring pagdating ni Mama at Tita Victoria, galing sila sa bayan dahil nag grocery.

"Jorito! Victor!" si Mama at Tita sabay dalo sa amin.

"Ayos lang ba kayo?! Ha? Jorie!" Mama is panicking.

"Okay lang po." sagot ko. Hinagod ni Mama ang likod ko.

"Alam niyo bang kanina pa kami nakarating pero hindi agad kami pinapasok dahil baka may kasunod pa daw na pagsabog! Ang inaalala namin ay kayong dalawa!" Tita Victoria stated.

"Nagulat lang po ako at natakot siyempre..." I said. Kanina pa kasi sila nakatingin sa akin na parang sinusuri ako. Naiintindihan ko naman sila, madali na kasi akong matakot at kabahan kapag nakakarinig ng ganoon.

"Ayos na ako, Tita, Mama..." I comforted.

"Maraming pulis sa labas, tinitignan ang biglaang pagsabog." balita ni Mama.

"Bakit naman may sasabog? Sa palayan pa?! Wala namang kuryente o ano pang bagay na maaaring sumabog sa parteng iyon ah!" dagdag ni Mama.

"Baka may nagtanim?" Tita surmised.

"Ha? At sino naman? Ilang taon na kami dito at masasabi kong mabubuti ang mga tao dito at payapa at tahimik ang Casa Poblacion!" agap ni Mama.

"Kung ganoon, paano nangyari iyon?"

We're all clueless. That's a sudden explosion and didn't expect by everyone. For sure there's upcoming investigation.

Hindi na tuloy ang binabalak namin na inuman dahil lahat kami ay natakot sa nangyaring pagsabog at nang sumunod na araw ay inabisuhan ang lahat na huwag munang lalabas dahil magkakaroon ng inspection sa buong barangay.

Ang sabi ni Papa ay kumikilos na din ang mga Venturero at ang barangay captain at iba pang awtoridad. Hindi man naging malaki ang impact, malaking insidente ito sa Casa Poblacion lalo na't biglaan at hindi makitaan ng dahilan kung bakit sumabog o sino ang nagpasabog.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon