Chapter 10

2.5K 99 15
                                    

Chapter 10: Party

I didn't expect him to say that. Ako dapat ang nagsasabi niyan dahil trabaho ko iyon at ang pagtuturo nga sa kaniya ang pakay ko dito. Nagkabaligtad pa ata?

Hours passed smoothly and peacefully. Umalis na din agad si Dion nang natapos naming sagutan ang mga activity sheets  niya. Today, we just studied Economics and I've also learned a lot. This is a big help to me as incoming grade 9. My goal next year is to be on list of high honors. Dahil ngayon, mukhang malabo kahit sa with honors, hindi ako makakapasok dahil bawal ata dahil transferee ako.

Nagtagal ulit ako sa library dahil mamaya pa naman ako magbibihis. Sila Dion kasi ay may picture taking pa ata sabi ni Mama kaya sa bago magsimula ang party nalang ako magbibihis.

Habang nagbabasa ng libro ay narinig ko na bumukas ang pinto. Nagtama ang paningin namin ni Ryu. He smiled to me and waved. So handsome.

"Bookworm ka pala?" aniya nang nakalapit. Kumuha siya ng isang laptop at umupo sa harap ko.

"Ah... Oo." tipid kong sagot.

"Ako din eh. Pero hindi na gaano ngayon. By the way, anong grade ka na pala?" he asked while working on his laptop.

"Grade 8 palang, ikaw?"

"Grade 9. Sa CHS ka din? Kung saan si Dion?"

"Oo..."

Nagtagal si Ryu dahil may ginagawa ata siya. Hindi ko maiwasan ang palihim na titigan ang mga mata niya at ang features ng mukha niya. He's really asian. His face says it all. Manipis nga lang ang labi at medyo malaki tenga. Pero sumisigaw pa rin ang atraksyon sa kaniya. Teodus and Ryu are both friendly, Dion is not.

"Shy type ka pala, ako rin..." biglang sabi ni Ryu.

So he noticed my short replies.

"Yeah..."

"Sa Maynila, iilan lang din ang kaibigan ko at minsan lagi lang akong nasa condo. You know, I enjoyed being alone..." he uttered.

I nodded cause I can relate to that. Noong nasa Maynila din ako ay hindi naman talaga ako palalabas. Kapag tinatawag lang ako ng mga kaibigan kong beki para mag-volleyball ay doon lang ako sumasama. Pero minsan, gusto ko lang talaga mapag isa at magkulong sa kuwarto at gawin ang mga totoong hilig ko. Like reading books, comics, watching anime etc...

"Ako rin noong nasa Maynila din ako," sabi ko.

Ryu glanced at me with his semi wide eyes.

"Galing kang Maynila?" tanong niya.

"Oo. Napunta lang dito dahil..." I can't say it because I was traumatized because of that. At parang magbabalik sa isipan ko iyon kapag nasabi ko at napagusapan.

"Some personal reasons..." I said instead.

Tumango siya at hindi na naman inusisa ang dahilan ko at tahimik na siyang nag aral sa laptop niya. Nang natapos siya ay nagunat unat siya at malakas na humikab! Nagkatinginan kami at natawa kaming pareho.

"Sorry..." he said, laughing so as I.

"Ayos lang ganyan din ako eh..." giit ko.

"Mukhang magkakasundo tayo. Dito ako nagbabakasyon kapag wala nang pasok. So, makikita na kita sa summer? Hindi ka na ba babalik ng Manila?"

Umiling ako dahil wala na talaga akong plano pa na umuwi at manirahan ulit doon. Siguro bibisita lang pero hindi magtatagal.

"See you sa summer, then? Ay hindi pala, mag bibirthday pa ang iba kong lolo kaya makakapunta pa ako dito ngayong taon," saad niya at tumayo na at nagligpit na.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon