Chapter 27

2K 89 5
                                    

Chapter 27: Understand 

Wala na naman ako sa focus sa kalagitnaan ng aming klase. Dahil sa sinabi ni Dion, o banta ba iyon? Hindi ko alam pero iyon ang bumabagabag sa akin ngayong oras na ito. Kanina pa actually, noong gumagawa palang kami ng thesis, tulala na ako at parang nasanay na nga si Eli at Hydro kaya hindi na nila ako sinasaway.

"Jorie..." I heard Sam's whispered. 

Lilingon na sana ako pero si Hydro na ang sumagot kay Sam. 

"Nakikinig si Jorie, huwag ka maingay, Sam..." Hydro whispered back. 

Tumubo ang ngiti sa labi ko dahil sa dinahilan niya. Pinangunahan niya na agad ako pero iyon din naman ang dadahilan ko. 

"Ikaw ba tinatawag ko, Condevilla?" Sam contradicted.

"Kutusan kita eh..." Hydro mumbled.

"Nga pala, Jorito. Paano ito?" sambit niya at itinuro ang tanong, tinulungan ko naman siyang sagutin iyon. 

When we come out from our room. We started to stretch our neck and head. Sobrang nakakapagod ang activity na ginawa namin. It's a brainstorming ideas and physical activity. So exhausting. Senior high is a practice for college, I guess. 

I almost have a heart attack when Sam appeared abruptly. Inakbayan niya nalang ako bigla at parang nagulat din si Hydro.

"Libre na kita ngayon, Jorie!" Sam said enthusiastically.

Nagkatinginan kami ni Hydro. Napakurap kurap siya at parang kulang nalang ay sapakin si Sam. 

"Eli! Buti nalang nandyan ka na! Mananapak na dapat ako eh!" sigaw ni Hydro sabay takbo palapit kay Eli at inakbayan niya ito. 

Eli looked at me perplexedly. I shrugged and let Sam to treat me when in fact, he's kinda annoying. Nakakagulat kasi, parang sperm na bigla bigla nalang lumalabas. 

"Anong gusto mo, Jorie?" tanong ni Sam nang nasa counter na kami. Inayos ko ang  tshirt ko dahil medyo nagusot niya. 

"Itong burger at juice nalang," sabi ko at hinanap ang dalawa kong kaibigan sa dagat ng tao. Madaming estudyante ang kumakain at halos puno ang lahat ng lamesa buti nalang, nakahanap agad si Hydro at Eli kundi, sa field kami kakain. 

Nang natapos kami sa pag order ay nagpunta na kami sa kung nasaan si Hydro at Eli. Malayo palang kami, dinig ko na ang malakas na tawa ng dalawa. They're laughing so hard and so boyish. Marami tuloy ang nakatingin sa kanilang babae at bakla na kinikilig. Nawawala ang mata ni Eli kapag tumatawa, si Hydro naman, lumalaki ang bunganga. 

"Uy!" giit nila nang umupo na kami.

Tinignan ko ang order ni Hydro at maraming pagkain sa harap niya. Nagulat ako nang ilagay niya sa tapat ko ang hotdog sandwich, bottled juice, at dalawang pillows chocolate. 

"Salamat..." I said because they treat me again. Dapat hindi na, kasi nilibre na naman ako ni Sam. 

"Ba't sa akin ka nagpapasalamat?" giit ni Hydro. 

Kumunot ang noo ko at tinignan ang mga pagkain sa harap. 

"Si Dion ang nagbigay niyan," Eli answered. Ngumuso si Eli na parang may tinuturo at sinundan ko iyon. 

Nervousness occupied my whole body when Dion's eyes and mine met. His eyes is cold as ice while he's eating and chewing. Nabuksan ko tuloy agad ang pillows dahil sa pressure na binibigay ng tingin ni Dion. Kumuha ako ng isa at kinain at doon niya palang iniwas ang tingin. 

Akala niya ata tatanggihan ko ito? Pero hindi. Nasanay na akong hindi tumanggi sa libre eh. 

"Ano pang idea mo, Jorie?" tanong bigla ni Sam. 

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon