Chapter 16: Treat
Nakanganga akong tumango. Parang hindi ko na magawang tumanggi at ginusto nalang ang sinabi niya. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan.
"Y-Yung bike?" sambit ko. Tinignan niya iyon at tumango siya.
"Isasakay ni Mang Jun sa likod yan, pumasok ka na..." nilahad niya ang nakabukas nang sasakyan. Hindi na ako nagreklamo at sumakay na ako. Hindi pa naman ako gaanong basa kaya hindi nakakahiya pero kung basang basa na ako, hindi ako sasabay sa kaniya. At medyo madilim na rin ang daan kung tatahakin ko pa baka delikado.
Umusod ako nang pumasok na si Dion. May kinuha siya sa likod at binigay sa akin ang isang bote ng juice. Nagalangan pa akong kunin iyon pero sa huli ay tinanggap ko na at ininom iyon.
"Salamat." tanging nasabi ko.
"Galing mo pala mag volleyball," said Dion. Ngumiti ako at tumango.
"Hindi naman gaano," I said being humble. To be honest, I don't want people praising me or giving me their attentions. But, I appreciate when they want to praise me I can't help it.
"May practice ulit kayo bukas?"
"Oo, araw araw na."
He nodded. "Kahit weekend?"
I looked at him and shook my head. Don't worry, Dion. I can still teach you.
"Ah...kami rin practice na namin bukas. Kung gusto mo sumabay ka nalang sa akin kapag uwian niyo na... Kayong dalawa ni Hydro," untag niya.
"S-Sige, sasabihin ko kay Hydro," I said.
Humilig siya at nagbuntong hininga. Nilabas niya ang cellphone niya. Nilingon ko ang labas at pinagmasdan ang malakas na buhos ng ulan. Hindi ko na makita ang daanan dahil gabi na rin, napatingin ulit ako kay Dion nang magsalita siya.
"Ano bang gusto mong kanta?" aniya.
Hindi agad ako nakaisip pero noong nilingon niya ako ay nataranta na ako.
"OPM?" giit ko. Tumango siya at may pinindot sa cellphone niya.
Then, a familiar intro of a song played. Bulong by December Avenue is now playing. Hindi ko alam kung bakit parang may naramdaman ako na kakaiba at tumaas ang mga balahibo ko. Nilingon ko ulit ang labas at doon nalang nagmuni muni, hindi na pinansin ang bagong nararamdaman.
"You like it?" Dion said. I just nodded without looking at him.
"I like it too." he said
Hindi rin nagtagal ang tingin ko sa labas dahil nilingon ko ulit si Dion nang marinig kong sinabayan niya ang kanta.
~Ako'y alipin ng pag ibig mo...
Handang ibigin ang isang tulad mo...
Hanggang ang puso mo'y sa akin lang...
Hindi ka na malilinlang...
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga butuin~
He's singing while looking at me. Nagkatitigan kami hanggang sa natapos ang kanta at parang hindi na ako humihinga at ang kaba ay mas matangkad na sa akin. At ang damdamin ko ay nagsimula nang bumuhos.
He smiled when the song ended.
"May naalala ka ba?" tanong niya kay natauhan ako.
"H-Ha? W-Wala naman..." giit ko at nilayo ang tingin.
Baka siya ang may naalala sa kanta. Pero bakit siya nakatingin sa akin? What was that glanced for? Isinantabi ko nalang ang naiisip at nararamdaman. Dahil sure ako na naiisip niya ang girlfriend niya nang pinatugtog niya ang kantang iyon. He's so sweet when he really did that.
BINABASA MO ANG
I am his Dictionary (Street Series #1)
Romance📍Alpha Street Jorie Siao, traumatized after what happened in Manila so he agreed to live in Alpha Street, Casa Poblacion where his parents work for years. A dream catcher and the bisexual of the year became a dictionary. No, not literally. Because...