Chapter 23

2K 92 19
                                    

Chapter 23: Greeting

"Jorie, sasali ka ulit volleyball?" tumabi sa akin si Adam habang nagsusulat.

Kaklase ko ulit si Adam at ang ilan pa naming kaklase noong grade 8. Tumango ako at maya't maya ang tingin ko sa sinusulat dahil baka biglang ilipat ang slide. Hindi ko pa naman close ang may hawak ng remote. Wala kasi ang teacher namin kaya nagiwan nalang ng susulatin.

"Talaga? Setter ulit?" he asked.

"Oo nga. Bakit? Ikaw ba?"

"Sasali rin ako siyempre kasi sasali ka! Kaya tayo nanalo last year dahil sa team work natin kaya ngayon sure win tayo ulit niyan..." maligaya niyang sabi.

"Hindi rin natin alam, sino ba ang kalaban natin ngayon?" tanong ko sabay siko kay Hydro na hindi nagsusulat kundi natutulog!

"Baka daw makalaban natin grade ten. Kaya mo?" he questioned. Parang hindi nagsusulat si Adam kundi nakatingin lang sa akin at gustong gustong daldalin ako.

"Kakayanin siyempre..." saad ko.

Ngumiti si Adam at tinapik ang balikat ko.

"Nice, Nice! Kaya gusto kita eh..." sambit niya na nagpagulat sa akin. Naibaba ko ang ballpen at tinignan siya.

Parang nagulat din siya sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at tumawa.

"Kaya gusto mo akong setter?" tinawanan ko nalang ang sinabi niya.

"A-ah... O-Oo..." aniya at nagsulat na, hindi na ako kinausap.

Medyo chubby si Adam at hindi mo rin maitatanggi na guwapo siya at kasing tangkad ko lang. Mabait siya sa akin at nagugulat nalang ako dahil nililibre niya ako bigla kapag nasa canteen kami. Ang kuwento ni Hydro, mayaman sila Adam pero ayaw ni Adam sa private school mag aral kaya dito siya sa CHS.

Napatingin kaming lahat sa pinto nang may kumatok na teacher. Mukhang masungit pero ngumiti siya sa amin.

"Mga anak? Kailangan ko ng limang boys na matatangkad magbubuhat ng bangko?" mabait niyang sabi.

Hindi ko pinansin iyon dahil madami namang nagsitaasan ng kamay para siguro hindi na sila makapagsulat? Mga maparaan ah!

"Hijo! Poging matangkad, ikaw!" tawag ni Maam. Walang kumibo sa mga kaklase ko.

"Huy, Jorie ikaw tinatawag ni Maam..." giit ng kaklase ko.

Agad akong napahinto at napatayo. Ngumiti ako kay Maam kahit labag sa loob ko ay sumunod na ako. Hindi pa nakita si Hydro dahil natutulog! Kasama ko si Adam at ang ilan ko pang kaklase. Para kaming buntot ni Maam dahil nagtawag pa siya ng ilang lalaki sa ibang section naman.

Napalunok ako at hindi agad ako naging kumportable. Ayaw kong makisama sa mga lalaki dahil naiilang ako at hindi nga ako kumportable. Hinayaan ko silang mauna at nagpaiwan ako sa likod habang papunta kami sa storage room. Napansin ni Adam ang pag iwas ko kaya nagpahuli rin siya at tumabi sa akin. Nagkatinginan kami, ngumiti siya sa akin tapos yumuko.

Nang nakarating kami sa storage room ay parang namutla lalo ako at nahiya. Ang daming lalaki doon na grade 10 naman. Nagtatawanan sila at nagtutuksuhan habang inaayos ang mga upuan. Ayaw ko sa mga ganitong tagpo, parang nahihirapan ako. It was like I have social anxiety when there are so many boys around.

"Kuhanin niyo ang mga bangko at dalhin niyo sa field at pakihalera na rin ah? May program kasi tayo mga anak. Salamat!" ani Maam at umalis na.

"Dito tayo, Jorie..." hinila ako ni Adam.

Itinuon ko nalang ang atensyon sa pag aayos ng mga monoblock chairs. Binuhat namin ito at dinala sa field at doon hinalera. Pabalik na ulit kami sa storage room nang makasalubong namin ang mga grade ten, palabas naman sila. Nakita ko si Dion. Tumingin si Dion kay Adam na nasa tabi ko tapos sa akin bago siya nag iwas.

I am his Dictionary (Street Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon