Chapter 7: Listen
Hindi na kumibo pa si Atlas matapos kong sabihin ang napili kong kanta na siyang ipinagtaka ko. Siguro ay ayaw niya niyon? Pero maganda naman ang lyrics at puwedeng competition piece.
Hanggang sa pag-uwi namin, sinusubukan kong kausapin siya. "May kopya ka na ba ng chords?" tanong ko sa malumanay na boses, pinapakiramdaman siya.
Tumango lamang siya. It frustrates me that he is acting this way but not telling me his reason. Kanina ko pa iniisip kung may nagawa akong mali pero wala akong maalala na ininis ko siya.
"Atlas, may problema ka ba?"
Hindi ko na napigilan ang tanungin siya. Nagulat nga lamang ako sa naging reaksyon niya. Bumaling siya sa akin, walang emosyon ang mukha pero may dumaang sakit sa kaniyang mga mata.
Hindi siya nagsalita at basta na lamang akong iniwan. Awang ang bibig kong sinundan siya ng tingin. Napakurap-kurap ako at ayaw paniwalaan ang nangyari.
Kinabukasan ay nagpasya kaming magkikita upang mag-ensayo. Sa gabi pa gaganapin ang contest kaya may buong maghapon pa kami.
Tahimik ako dahil nagtatampo sa kaniya. Sana kinausap niya ako nang maayos kung naiirita na siya sa akin. Maiintindihan ko naman siya, eh. Hindi 'yong ganoon, bigla na lang siyang magw-walkout.
Hindi ko sinasalubong ang tingin niya kahit kanina pa niya akong pinagmamasdan. Naisip ko nga na kung patuloy akong magmamatigas, baka hindi namin maayos ang performance namin pero kahit anong pilit ko sa aking sarili na kibuin na siya, nananaig pa rin talaga ang pride ko.
Tumikhim siya at sinimulang i-strum ang gitara. Nag-angat ako ng tingin dahil nagtataka sa tinutugtog niya. Iniba niya ba ang piece namin? Bakit hindi niya sinabi?
Nagsalubong ang kilay ko at magsasalita sana nang bigla siyang kumanta. Napalitan ng pagkamangha ang inis ko. Malumanay ang kaniyang boses at malamig. Tumindig ang balahibo ko nang diretso siyang tumingin sa aking mga mata.
~ Someone who understands me
And knows me inside out
Helps keep me together
And believes without a doubtThat I could move a mountain
Someone to tell it to
If I had only one friend left
I'd want it to be you ~Lumunok siya at maliit na ngumiti. "I'm sorry. Maling iniwan kita roon at naiintindihan ko kung bakit ka galit sa akin. Naging insensitive ako. Dapat kinausap kita. Sorry."
Huminga ako nang malalim. Mataman ko siyang pinagmasdan at pinigilan ko ang mapangisi nang mapansing tensyunado siya. Panay ang tikhim niya at mabigat ang paghinga.
"I'm disappointed, Atlas. Pero lahat naman siguro tayo dumadaan sa pagkakataong wala tayong ibang maisip kundi ang nararamdaman lang natin. Salamat at nag-sorry ka kasi napakabigat sa dibdib na may sama ako ng loob sa iyo na kaibigan ko. Sana sa susunod, kapag may problema, maisip mong kaibigan mo ako at puwede mo akong pagsabihan ng kahit ano. Makikinig naman ako," tugon ko.
Tumango siya na parang masunuring bata kaya hindi ko napigilang matawa. Nangiti siya at napakamot sa ulo.
"Ayos lang ba kayo rito? Baka gusto niyo sa loob para mas komportable kayo?"
Si Tita Casmir iyon, may dalang pitsel ng juice at dalawang baso. "Dito na lang po kami, 'Ma. Mahangin dito at maaliwalas."
Sumang-ayon ako kay Atlas dahil nakakahiya kung mang-aabala pa kami sa loob ng bahay nila. Mas komportable ako rito sa kanilang bakuran at magandang pagmasdan ang mga tanim nilang halaman.
YOU ARE READING
The A Team
Teen Fiction[ Stand Alone ] Welcome to 'The A Team' where hope is in us! Disclaimer: This story is written in Taglish. Date Started: July 5, 2020 Date Finished: September 12, 2020