Chapter 11: Break Loose
We are unusually quiet and it is awful knowing what awaits us when we get there. Halos magdamag akong gising, nag-iisip kung ano ang kahahantungan namin, iniisip kung ano dapat ang sa una pa lang ay ginawa ko na para hindi kami nauwi sa ganito.
I feel sorry for my friends because I only dragged them into this mess. Dapat ay inayos ko muna ang lahat bago sila inalok. Dapat ay nakita ko nang mangyayari ito noon pa. Madaming mga bagay ang umiikot sa isip ko at nangingibabaw doon ang panghihinayang. Masyado akong naging kampante at pabaya.
"I am sorry," I whispered.
Nag-angat sila ng tingin sa akin. "Don't worry. Ako ang haharap sa kanila. Ako naman ang talagang may kasalanan. Ayos lang kahit hindi na kayo pumunta."
Nanaig ang katahimikan. Walang naglakas-loob na magsalita hanggang sa hindi na nakapagpigil si Atlas.
"I thought we're friends? Hindi nag-iiwanan ang magkakaibigan. Let us fight with you. You are not alone and you will never be," giit niya.
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty kahit alam kong may punto si Atlas. We became close because of this so-called organization but eventually, we have to give this up no matter how much we try to keep it with us until the day of graduation.
Ayokong mawala ito dahil dito kami nag-umpisa. Lahat ng mga pinagdaanan namin nang magkakasama, iyon ang naging dahilan.
Nadinig kong bumuntong-hininga si Mendel. "Kasama mo kaming haharapin ito, Alora. We are a team, remember?" Ngumiti siya sa akin.
Nilapitan ako ni Evette at tinapik sa balikat. "Tama sila, Alora. We are The A Team. Hope is in us. Kahit anong mangyari, magkakasama pa rin naman tayo," aniya.
"Ano pang hinihintay natin? Let's go and defend what's ours."
Iginiya kami ng isang senior representative sa loob ng SSG Office. Nakaupo sa kabisera ng mahabang lamesa si Abigail Limaco na presidente nito. Sa kanan niya naman, ang bise-presidente na si Amore. Matamis itong ngumiti nang makita ako.
Kumuyom ang kamao ko at matalim siyang tinignan. Napansin iyon ni Abigail kaya sinulyapan niya ang nakahalukipkip na ngayong si Amore.
Pormal na tumayo si Abigail. Pinagsiklop niya ang kaniyang mga daliri habang isa-isa kaming sinusuri. Nagmula rin siya sa first section sa regular class gaya ni Vinyl.
May suot siyang pabilog na eye glasses. Maliit lamang siya kumpara sa akin pero dahil sa pagiging seryoso niya, aakalain mong propesyunal na. Bihira lamang siyang nakikitang ngumiti kaya karamihan sa estudyante sa Esperanza ay takot sa kaniya.
"Thank you for coming. You may now take your seats," she uttered with a menacing and authoritative voice.
Napalunok ako at umupo sa kaliwang banda niya. Tumabi sa akin si Evette na mataray ang bukas ng mukha. Sina Mendel at Thaxter ay mas relaxed kumpara sa aming dalawa. Sa kabilang kabisera umupo si Atlas na diretso ang tingin kay Abigail.
Nagkatinginan kami ni Amore at pinagtaasan niya ako ng kilay na sinagot ko lamang ng pilit na ngiti. Tumikhim si Evette at naunang magsalita.
"May I know what is this all about, President?"
Tumango si Abigail. "It came to me that your group doesn't have permission to run under our school and use one of our buildings that is supposed to be an office of the maintenance department. As the head of the students' organization, I feel the need to know your reasons behind this rude and disrespectful behavior which is punishable based on the school's regulations."
Napayuko ako at hindi nakasagot dahil totoo naman iyon. Kamalian ko ang hindi pagkuha ng permit para sa amin at alam naming lahat iyon.
"What are the consequences?" tanong ni Mendel, tinatapatan ang pagkapormal ng babae sa aming harapan.
"First, your group will be terminated. Any activities you will conduct inside the school will be taken as a hoax. Second, we will assign you to participate in community service for a week. Lastly, you will be monitored so that we will know if you are doing something against the organization—"
She was cut off by Vinyl who hurriedly came to me. Itinayo niya ako at hinawakan sa palapulsuhan. "What are you doing, Abi? Let them be," mariin niyang utos.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Abigail at nagngitngit ang ngipin niya. Maging si Amore at ang mga kasama ko, maliban kay Atlas, ay nagulat sa bigla niyang pagdating.
"Lumabag siya sa batas ng school. She deserves it, " tugon ni Abigail.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Vinyl. Ngumisi siya. "Well, then. Watch me break the rules."
Hinigit niya ako at wala akong nagawa kundi magpatangay sa kaniya. Napahinto lang kami ng bigla kaming harangin ni Atlas.
Nakipagtapatan siya ng tingin kay Vinyl na magkasalubong ang kilay. "I am the only one who she'll run away with, thief."
Kinuha ni Atlas ang kamay ko mula sa kaniya. Pinakawalan naman ako ni Vinyl kaya nakaalis kami. Gusto ko sanang bumalik dahil sa mga naiwang kaibigan pero mabibigat ang mga hakbang ni Atlas at sigurado akong hindi niya rin ako papayagan.
Napapatingin sa amin ang mga nadadaanang estudyanye pero tuloy-tuloy lamang kami hanggang sa marating namin ang rooftop.
Habol ko ang sariling hininga habang pinagmamasdan si Atlas na kalmado pa rin at nagawa pang kaswal na sumalampak sa sahig. Parang hindi man lang siya natatakot na madagdagan ang parusa namin dahil sa ginawang pagtakas.
Bumuntong-hininga ako at tinabihan siya. Ipinatong ko ang noo sa ibabaw ng aking mga nakatiklop na tuhod. "Paano kung lalo tayong mapahamak? Hindi ka ba natatakot?" pabulong kong tanong.
"Isa lang naman ang kinatatakutan ko ngayon."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ano 'yon?"
Hindi niya ako sinagot at kinuha ang paborito niyang walkman. Isinuot niya sa akin ang isang bud niyon. Pumailanlang ang kantang naging kasa-kasama niya na sa lahat ng tagpo ng buhay niya.
Pumikit ako at wala sa sariling napangiti nang naramdaman kong pinagsiklop niya ang aming mga daliri.
"Ang bumalik sa simula... kung saan wala ka," bulong niya.
YOU ARE READING
The A Team
Teen Fiction[ Stand Alone ] Welcome to 'The A Team' where hope is in us! Disclaimer: This story is written in Taglish. Date Started: July 5, 2020 Date Finished: September 12, 2020