Chapter 28

15 2 0
                                    

Chapter 28: Stay Close

"Ano, mga bata? Ito ba ang kaibigan ninyo?"

Hindi ako nakasagot. Nanlambot ang tuhod ko at muntik na akong mawalan ng balanse kundi lamang ako nakahawak sa pader.

Si Evette ay hindi makatingin kay Thaxter. Hindi rin siya nakaimik tulad ko dahil sa pagkabigla at takot.

Mabuti na lamang at malakas ang loob ni Atlas. Marahan niyang itinayo ang walang malay na si Thaxter at isinampay ang braso nito sa balikat niya. Sinenyasan niya si Mendel na ganoon din ang gawin sa kabila at agad naman itong tumalima.

"Bakit ninyo kukunin? Hindi pa tapos ang kasunduan namin," pag-angal ng tinawag kanina ni Leon na 'Azul'.

Sa tingin ko ay kasing-edad lang namin siya. May highlights na blue ang buhok niyang sunod sa kaniyang pangalan. Matalim ang mga tingin niya at may nakapangingilabot na ngisi sa labi. Mayroon ding siyang maliliit na tattoo malapit sa kaniyang magkabilang palapulsuhan.

He's wearing a branded maong jacket with a white plain shirt and black tattered pants. Ang suot niyang sapatos ay limited edition ng isang international brand.

Kung hindi ko siya naabutan sa ganitong lugar ay aakalin kong matino siyang tao lalo na't base sa mga kilos at pananamit niya, palagay ko ay mula siya sa mayamang pamilya.

Itinapon nito ang hawak na sigarilyo. Lumapit siya sa amin at umambang hihigitin si Atlas nang biglang marahas na bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang lalaking nasa bar counter kanina.

"Ikaw nang bahala rito, Orion. At kayo, dalhin ninyo na 'yan sa ospital, " bilin ni Leon.

Sumabay na sa paglabas niya sina Atlas, Evette at Mendel. Susunod na dapat ako ng humarang ang dalawang naroon sa pinto. Bumuntong-hininga ako.

"Paano ba ako makakalabas dito?" bulong ko sa sarili.

Nilingon ko si Orion. He's outfit is more simple than Azul's. Nakasuot lamang siya ng black short-sleeved polo na bukas ang unang dalawang butones at maong shorts. A gold necklace with an anchor pendant hanged through his neck down to his chest.

Nakapamulsa siya at may hawak na isang garapon ng gummy bears. Binato niya iyon kay Azul. "Request mo. Bayad?"

Napansin niya ang tingin ko kaya pabiro niya akong kinindatang ikinailing ko. Ngumisi siya at bumaling kay Azul na hindi maipinta ang mukha.

"Kuya! Bakit dito mo pa binigay?!  Sabing sa bahay na lang, eh!" atungal niya at namumulang sinaway ang nga barkada niyang kinantyawan siya.

"Gummy bear, Azul?" Pinigilan kong matawa.

Magkapatid pala sila? Pinagmasdan ko silang mabuti at hindi nga maitatanggi ang pagkakahawig nila. May suot na eyeglasses si Orion kaya nagmukha siyang pormal kahit mapaglaro ang mga ngiti niya. They both have prominent jaws and long eye lashes. Orion has a more mature built and has dimple in his left cheek.

"Sige, mamaya ko na lang ibibigay sa 'yo."

Hinablot ni Orion ang garapon kaya tinutukan siya ng baril ni Azul. Nanlaki ang mga mata ko samantalang wala man lang nag-iba sa reaksyon ng nakatatandang kapatid niya.

"Ibibigay mo 'yan sa akin o pasasabugin ko 'yang bungo mo?" banta niya.

Natawa lang si Orion at ibinalik na ang gummy bears. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Sa 'yo na 'yan, Azul. Basta... akin 'to."

Magrereklamo na sana ako nang pinagbuksan pa kami ng mga bantay at mapayapa kaming pinalabas. Nang nakaalis na kami roon ay inalis niya na rin naman ang nakapalupot niyang braso sa akin.

The A TeamWhere stories live. Discover now