Chapter 26

14 2 0
                                    

Chapter 26: Barefooted

"What's that? A note?"

Napatayo ako nang hinablot ni Evette ang post-it note na ibinigay ni Atlas. Sinubukan kong kunin sa kaniya iyon pero huli na dahil nabasa niya na.

Makahulugan niya akong tinignan at binalik sa akin ang maliit na piraso ng papel. "Anong ibig sabihin niyan?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako at inilapag iyon sa kaharap kong lamesa. Kapwa kami nakatitig doon nang bigla niyang ituro ang numerong nakasulat.

"What's with the number 42?"

"It's from Atlas so, maybe that's a code for him?"

Naningkit ang mata niya at umiling, hindi sang-ayon sa opinyon ko. "No. He is referring to you." Huminto siya saglit. "Look at the period. It comes after the number. Kung sarili niya ang tinutukoy niya rito, lalabas ang period pagkatapos ng huling salita. Nakapuwesto ang dash sa pagitan ng 'you' at 42," paliwanag niya.

Kumunot ang noo ko. "Ano namang kinalaman ko sa numero na 'yan? At saka para saan ang note sa ibaba?"

Ngumisi siya at isiniksik ang post-it note sa loob ng libro ko. "There is an author named Douglas Adams. In his science-fiction novel, he quoted the number 42 as an answer to life, the universe, and everything."

Napakurap-kurap ako. "A-ano?" natatawa kong tanong.

"It's from the novel 'Hitchhikers Guide to the Galaxy', Alora."

Mangha ko siyang pinagmasdan. She smirked and flipped her hair smugly.
"Sus! Hindi na nakakabigla. Matalino talaga ako. You're welcome, by the way." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na.

Bakit naman magiging ganoon ang tingin sa akin ni Atlas? Akala ko ba ay si Arya ang gusto niya? Pero ang mas mahalaga, bakit ko ba iniisip pa ito?

I am very sure that he only sees me as a friend. Siguro ay mali lang ang iniisip ni Evette... O iyon lang talaga ang gusto kong paniwalaan dahil ayoko nang magkaroon pa nang dahilang magiba ang paninindigan ko?

Lumingon ako kay Vinyl nang maramdaman ang titig niya. Namumungay ang kaniyang mga mata. He bit his lower lip and tucked my hair behind my ears.

"You're so beautiful, Alora," he whispered huskily.

Napangiti ako at pinasadahan siya ng tingin. He's wearing a black suit and paired it with lavender necktie. Hindi nawala ang earring niyang dumagdag sa appeal niya.

"You're not so bad yourself."

Nang huminto ang sasakyan namin ay nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. I went out and saw him offering his hand to me. Tinanggap ko iyon at sabay kaming naglakad.

I stride inside the gymnasium with my sweetheart neckline lavender gown that flows down to my feet. I wore light make-up. Ang buhok kong hanggang balikat ay nagkaroon ng dating dahil sa loose curls nito sa bandang ibaba. Pinilit ko ang maglakad kahit hindi ako komportable sa suot kong pumps.

Sumalubong sa amin ang malamyos na musikang pumapailanlang sa buong gymnasium. Mayroong maliit na entablado sa harapan. Disco balls are hanging on the ceiling. The lights are dimmed so, the colors highlighted the room.

May tamang espasyo sa pagitan ng mga bilugang lamesa. The tables are covered with white and blue fabric. Nakapatong ang isang vase sa gitna niyon, naglalaman ng sunflowers at dandelions.

"Where do you want to sit?" tanong ni Vinyl.

Inilibot ko ang tingin at natanaw ang bakanteng lamesang hindi kalayuan mula sa harap. Itinuro ko iyon sa kaniya.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang program. Nagkaroon ng maikling opening remarks ang headmaster bago tumuloy sa sayaw.

I gasped for air as soon as I positioned myself in front of Vinyl who's intently staring at me. "Nervous?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumisi. "Not with you."

He snaked his arms around my waist and held my hand. Ipinatong ko ang kabila kong kamay sa kaniyang balikat.

The music started. It feels nostalgic because I can clearly remember how he swayed me to dance on my birthday. Hindi ko iyon makalilimutan dahil pagkatapos ng araw na iyon ay ang pag-alis niya.

Umikot ako at humilera sa mga babae. Natanaw ko sa gilid ng aking mata si Atlas na nakatingin sa akin pero hindi na ako nag-abala pang balingan siya.

I was walking slowly towards Vinyl to finish the dance when I felt a sting in my feet. I gritted my teeth and proceeded. Matagumpay naman akong nakalapit sa kaniya kaya kahit papaano ay napanatag ako.

After the dance, the food was served. Natanaw ko sa malayong lamesa sina Evette, kasama si Arya. Nagkatinginan kami ni Atlas pero ako agad ang bumawi.

I shifted in my seat and felt that pain again. Bumuntong-hininga ako at hinubad ang pumps. Napasinghap ako nang makitang mayroon akong paltos sa magkabilang paa.

Itinabi ko sa ilalim ng aming lamesa ang pumps at bumaling sa gitna nang nagsimulang sumabay ang mga estudyante sa kantang "Two Steps Behind".

"Hey! Isasayaw ko lang si Abi then, I will be back," paalam sa akin ni Vinyl.

Nakangiti akong tumango. "Sure! Ayos lang."

I watched them dance. Maging si Evette at Thaxter ay sumasayaw ulit. Naiwan sa table nila si Mendel at Arya na tulad ko ay nanonood lang.

Kumunot ang noo ko nang mapansing wala si Atlas doon. Where is he? I roamed my eyes around.

"Alone?"

Lumingon ako at napakurap-kurap nang nadatnan si Atlas na nakatayo sa harapan ko. I jerked my left thumb towards their table and looked at him, confused.

"Bakit wala ka roon? Nandoon si Arya."

"And Alora Carvajal is here."

Umawang ang bibig ko. He offered me his hand. "May I have this dance with you?" he asked.

Wala sa sariling tinanggap ko iyon. Bumaba ang tingin niya sa mga paa ko at ngumisi. Uminit ang pisngi ko dahil nakalimutan ko pa lang wala akong sapin sa paa.

Ambang babalik ako nang masuyo niya akong higitin sa dance floor. I shivered when the coldness of the floor rose from my sole.

~ Whatever you do
I'll be two steps behind you
Wherever you go
And I'll be there to remind you
That it only takes a minute of your precious time
To turn around
I'll be two steps behind ~

His hand on my waist is trembling as well as my heart at that very euphoric moment. I put my forehead on his shoulder and I felt him stiffened.

Tinapik ko ang dibdib niya. Bumuntong-hininga siya. "When I die, I promise to cross from the other side of the river and come back because only losing a friend like you can mark my death, Alora," bulong niya.

Pumikit ako at mapait na napangiti. "Trust me. You'll lose me."

The A TeamWhere stories live. Discover now