Chapter 20

11 2 0
                                    

Chapter 20: Out of Tune

Late in the afternoon, the lights beamed and the crowd started to get hyped up. Pumalibot kami sa stage na ginawa sa gitna ng malawak na grass field.

It's the annual Esperanza's Music Festival. As expected, madaming estudyante ang dumalo at pati na rin ang mga outsiders.

Nakatutuwang tignan ang nagkalat na LED lights na papalit-palit ang kulay. May umiikot ding mga SSG Officers para magbigay ng libreng drinks which, by the way, is not alcohol.

Lahat ng dumalo ay nakasuot ng mga light bracelets. It would be an exaggeration to say that it almost blinded me but that's the truth. Sa tingin ko nga ay iyon talaga ang purpose nito: to give light to those who have seen so much darkness. Enlightenment.

Naghanda ng maraming performances ang mga students at student leaders para rito. Kasama rin sa tutugtog ang Unalome kaya hindi magkamayaw ang lahat. Except for them, the school administration also invited a well-known band from the capital.

Balita ko nga ay nagmula pa sa ibang bayan ang ibang pumunta rito para lamang mapanood ang banda. Maging si Evette ay hindi napigilan ang pagiging fangirl niya dahil sobrang sikat daw niyon.

"Madami silang TV guestings kaya nakapagtatakang pinaunlakan nila ang request ng school natin," aniya.

"Maybe, our headmaster did a trick."

Tumango siya. "Connections and wealth, you mean."

Naghiyawan ang crowd nang tumungtong na sa stage ang unang performers. They are a duo from the freshmen. Reggae ang genre ng kinanta nila kaya chill lang.

Nagsunod-sunod na ang performances. Sumasabay ako sa tuwing alam ko ang lyrics ng kanta. But, most of the time, my mind is wondering elsewhere.

Some people say that the new generations are unfortunate. Hindi na raw katulad ng dati ang kabataan ngayon. But, maybe, 'iba' naman talaga kami mula umpisa. I mean, we are different people coming from different ages of time. Sometimes, change is needed to continue the progress for our survival.

Totoo, ang kabataan ngayon ay mas mapusok kaysa noon. Madami kaming maling desisyong nakaapekto sa kung paano kami namumuhay. We fall for failures, disappointments, and heart breaks. But, isn't it a good way to be tougher and wiser?

Marahil hindi pa mulat ang karamihan sa amin sa tunay na mundo pero hindi pa rin naman niyon binubura ang mga pangarap ko para sa amin. Someday, they will see that youth is still the hope of tomorrow. Someday...

That thought is still running through my head even when our performance came. Tumikhim ako at nanginginig ang kamay na hinawakan ang microphone.

I am really conscious under people's gaze. Iyon siguro ang dahilan kung bakit wala akong naging kaibigan noon maliban kay Vinyl. He's persistent to befriend me. As long as the 'snob' Alora ignores him, he only finds ways to break the walls around me.

Siguro kung ang nakaraang Alora ang nagsasalita ngayon, she would tell everyone how she admires Vinyl and how amazed she was of his bravery to unveil her mysteries that even her can't seem to express. But, when he left, it wasn't the same anymore.

Sumenyas si Atlas na sisimulan niya na. Tumango ako at hinintay ang pagkalabit niya sa gitara. The crowd cheered and I felt a lot more comfortable, thinking that I'm singing for them... For the youth.

~ So, I sing this song to all of my age
For these are the questions we've got to face
For in this cycle that we call life
We are the ones who are next in line
We are next in line ~

Parang saliw ng musika ang mga henerasyon. Malaki ang pinagkaiba ng mga tunog pero sa huli, kapwa pa ring nag-iiwan ng mga kuwento. I hope that we can be brave enough to tell our stories and to be heard by the world. Because nothing is greater than a melody that crossed many hearts and touched a million souls.

Bumaba na kami ni Atlas pagkatapos mag-bow at magpasalamat. Sinalubong kami nina Evette na nagd-document pala gamit ang kaniyang camera.

"Oh, how beautiful is thy love for those sleeping seeds," ma-drama niyang bigkas.

Mahina akong natawa pero nang naalalang nasa harap ako ng camera ay nahihiyang nagtakip ng mukha at nagtago sa likuran niya.

Naintindihan niya namang ayaw ko talaga sa ganoon kaya tinapos niya na ang video recording. Napatingin kami kay Arya na papalapit sa amin. Pinaglalaruan niya ang kaniyang daliri at panay ang lingon sa mga kaibigan niyang pinanonood siya.

She smiled sweetly and throw a sideway glance to Atlas who is staring intently at her. "Y-your performance was great, A-atlas." Bumaling siya sa akin. "I-ikaw din, Alora."

Tumango ako at namulsa. "Thanks."

Her brown hair is in a French braid. Maliit ang mukha niyang bumagay sa kaniyang pink bow-shaped lips. Natural na namumula ang kaniyang pisngi at mahahaba ang pilikmata.

She's from a wealthy family. Siya ang nag-iisang successor ng agricultural businesses ng mga Magallano. Kadalasan ko siyang nakikita sa library na pinaliligiran ng kaniyang mga kaibigang may sinabi rin sa buhay.

Sumulyap ako kay Atlas. Amusement danced in his eyes which I find... weird. "Salamat, Arya," sambit niya.

Hinigit ni Evette ang braso ko kaya nilingon ko siya. "Anong ginagawa nila? Are they a thing, already?"

Nagkibit-balikat ako at tumingala sa stage. Napangiti ako nang dumiretso sa akin ang tingin ni Vinyl at pilyong kumindat.

"When I'm with you, there is Unalome, my old friend," he uttered before strumming his guitar.

I stood there, teary-eyed. The beat of the drum echoed in my ears but I can still hear his voice clearly. Like it didn't fade away once... Like it never bid goodbye to me in the past.

Natapos ang performance nila pero halos hindi ko na iyon nasundan. Natauhan lamang ako nang gigil akong tinapik ni Evette sa balikat.

"OMG! Sila na 'yon!"

Pinagmasdan ko kung paano magwala ang mga tao dahil sa presensya ng apat na kalalakihang iyon. Matitikas ang kanilang tindig at hindi maitatanggi ang hitsura. Girls screamed at the top of their lungs as I clapped my hand, amazed.

~ Someday, you will find me
Caught beneath the landslide
In a champagne supernova in the sky
Someday, you will find me
Caught beneath the landslide
In a champagne supernova
A champagne supernova in the sky ~

Lumapit ang bokalista nila sa crowd. Evette almost hyperventilated when he offered his hand to her. Magiliw naman iyong tinanggap ni Evette.

Binigyan siya ng sarili niyang microphone at kumanta kasama ang banda. Her voice is shaky and she went out of tune. Nabahala ako nang madinig ko ang tawanan ng mga tao.

"Boo! Baba ka na riyan!"

"Sintunado ka, girl!"

Sinulyapan ko ang aking mga kasama at nakita kong hindi rin nila nagugustuhan ang nangyayari. Hindi na napigilan ni Thaxter ang kaniyang iritasyon at umakyat na sa stage nang may mga lumapit na staffs kay Evette at basta na lang siyang hinigit paalis sa gitna.

Nagkatinginan kami ni Mendel. Napailing siya. "This is not good."

It really isn't because Thaxter is fuming mad while dragging the embarrassed Evette down the stage. 

The A TeamWhere stories live. Discover now