Chapter 29: Rhythm of the Petals
Tila nawalan ako ng kakayahang makapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman tungkol sa mga ibinunyag niya.
I always see Thaxter as a happy-go-lucky guy, but I didn't know that behind his smiles and jokes, he has been carrying so much burden from the past.
I came here with only one purpose and that's to give hope to these people. Since the first day, I already knew that they have dilemmas but hearing all of these, I'm afraid that I really know nothing.
Ang mga dalahin lamang ni Atlas ang alam ko. I was so eager to help him to the point of forgetting the others under my wings.
And with Thaxter's story laying in front of me, I realized that when I'm with them, I am becoming the person I don't even know that existed.
Dahil sila ang kinamulatan ng pangalawang 'ako'. Dahil totoo silang mga tao at tinanggap nila ang aking mga prinsipyo. Dahil nakikita ko sa kanila ang aking sarili.
Nawawala sa isip ko ang tangi kong rason. Nakalilimutan kong hindi ko na hawak ang oras. Dahil sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng mga pinagdaanan ko, naranasan ko ulit ang pakiramdam na mayroon kang tahanan at natakot akong bitawan iyon.
Gusto kong manatili sa kung saan kami nagsimula dahil kapag natapos ko na ang misyon, babalik ang lahat sa kung saan ito nararapat... kabilang ako.
They showed me truths about the world that my past self thought was all wrong. They woke me up from a deep sleep and now, all I want is to walk with them through their dreams and nightmares until they can run without me.
The tension between me and Thaxter vanished when Evette and Mendel came back from their lunch. Suminghap ako at sinulyapan si Thaxter na mariin akong tinitignan.
Inayos ni Mendel ang kaniyang salamin at nagpalipat-lipat sa amin ang kaniyang tingin nang mapansin ang pagiging tahimik namin.
"May naghahanap sa 'yo sa labas, Alora," pag-imporma niya sa akin.
Tumango ako at tumayo na. Para akong lumulutang habang naglalakad palabas ng silid na iyon. The conversation crashed into my head like a meteor.
Sinalubong ako ng tahimik na hallway. Natanaw ko si Atlas na may kausap na lalaki. Nanliit ang mga mata ko at pilit na kinilala kung sino iyon.
Then, the familiar anchor pendant appeared right before my eyes and I instantly felt his gaze towards me. It was Orion with a bouquet of flowers.
Lumapit ako sa kanila at kunot-noong tinignan si Atlas. Tumikhim lamang siya at tinapik ang balikat ni Orion.
"Maiwan ko na kayo. I'll be in the garden, Alora," paalam niya.
Ngumiti si Orion at inabot sa akin ang dala niya. Bumaba ang tingin ko roon. "White stargazer lilies..." bulong ko.
Nawala ang ngiti niya at nakita ko ang pagdaan ng sari-saring emosyon sa kaniyang mga mata. I'm not very particular with symbolism, but this plucked out the very last straw of my doubt for him.
"Y-you know me, right?" I asked, my lips trembling.
Namulsa siya at tumango. "I'm sorry. I asked him to wait until you are ready, but he's determined to bring you back."
Umiling ako. "K-kailan?"
"I will help you find the sender of the death threats. After that, you'll only have a few more weeks."
I closed my eyes as I let the wind embraced me. I want to remember how the sun touched my skin, how the grass feels under my feet and, how this world reminds me of a second chance. I am afraid that when the time comes for me to leave, the memories will come and chase me. As much as I can, I don't want them to feel that I'll be gone sooner.
Dumilat ako nang nadinig ang mga yabag na papalapit sa aking kinauupuan. Lumingon ako at nadatnan si Atlas na kinukuhanan ako ng litrato gamit ang kaniyang polaroid camera.
"You know that I dislike cameras, right?" natatawa kong tanong.
Hindi niya ako sinagot. Pinagpag niya ang film at hinintay na luminaw ang larawan. Tipid siyang ngumiti bago ipinakita sa akin iyon. "If I were a painter, you would be my greatest art." Tumabi siya sa akin.
My heart sank in a sea of uncertainty. I can't imagine myself bidding my goodbye to these people who wholeheartedly welcomed me, a stranger, in their life. Maaaring masaktan sila at sigurado akong kapag nasaksihan ko iyon ay baka salungatin ko ang aking sarili. It will be worth it without a doubt, but I don't want to make them hope that I can stay with them until the end of time. Sapat na siguro ang lahat ng pag-asang ibinigay ko at iiwan ko sa kanila para kahit papaano ay maalala nilang minsan nila akong nakasama at naging bahagi ng kanilang mga pagkatao.
Kapwa naming tanaw ang papalubog na araw. Naghalo ang kulay kahel at itim sa kalangitan. Kasabay nito ay ang pangamba ko sa mga susunod na bukas. Pangambang alam kong mawawala lamang kung lilisan ako.
"When I asked you to stay, I already expected that you won't. Tinanggap ko na iyon. You reminded me of my sister, but unlike her, I won't wish for you to come back." bulong ni Atlas.
Pain attacked my chest. Masakit pero iyon ang gusto ko at ang tama niyang gawin dahil wala nang pangatlong pagkakataon para sa mga kasiyahan, alaala at pagkakaibigan. Kahit ilang libong hiling pa ang ipaanod niya sa mga daluyong, hinding-hindi tutugon ang mga alon.
Yumuko ako at pinigilan ang pagbagsak ng mga luha. Tahimik lang siya. Naestatwa ako nang hawakan niya ang kamay ko at ilahad doon ang isang coral arborvitae flower. "Hindi ko na hihintayin pa ang pagbalik mo dahil ako mismo ang susundo sa iyo."
Naluluha ko siyang tinignan. Umawang ang bibig ko. "A-atlas... don't do this. Masasaktan ka lang."
"Ano ngayon kung masaktan ako? Kung iyon lamang ang kailangan para hindi ka mawala sa akin, sasaluhin ko lahat ng sakit na ibabato ng tadhana. Kung ikaw ang kapalit, itataya ko lahat hanggang sa mawasak ako. Walang musika, litrato o likha ang makakapantay sa halaga mo para sa akin. Hindi kayang abutin ng lahat ng mga nota sa isang kanta ang pagsinta ko sa para sa iyo. I loved the world and my life better with you in it and I intend to keep us together in every way until my rhythm fades away."
One thing about Atlas Ecareal that hurt me the most was he never saw me in the way my eyes admire him from the silence... until now.
YOU ARE READING
The A Team
Teen Fiction[ Stand Alone ] Welcome to 'The A Team' where hope is in us! Disclaimer: This story is written in Taglish. Date Started: July 5, 2020 Date Finished: September 12, 2020