Epilogue
Since childhood, I always dream about the afterlife. In that dream, I am wearing a white dress and barefooted as I walk along an aisle with streaks of gold and silver. The birds are chirping as if they are happily welcoming me into the peaceful realm. The sound of the water echoed through my ears, inviting me to take a dip and unravel the wonders it holds.
So, I did. I let my feet grace the fine sand until I reached the shore. A smile formed across my lips, thinking how great it'll be to become one of the waves. Then, tears started to fall from my eyes. Silence took over the place. I can't hear anything aside from the voice inside my head. It whispered to me the truth.
It was my voice. So, I turned my back from the horizon which was promising me an endless shallow of contentment and happiness. A path of Centaurea flowers bloomed as I realized that life has more to offer and I rather wake up to a dreadful night than to sleep in this fallacy paradise. I, hope, belong to the world that's full of hopelessness but true.
As soon as I opened my eyes, the dream vanished and my real fate resurfaced because I am not dead... Not yet.
"Esperanza! Esperanza!" sigaw ng konduktor ng bus na sinasakyan ko.
Agad kong kinuha ang aking bagahe at hinintay muna ang paghupa ng mga tao bago lumabas. I was greeted by a loud and busy terminal. Nagkalat ang mga food stalls at mga stranded na pasaherong nagbabaka-sakaling makauuwi sa kanilang mga probinsya para sa nalalapit na Undas.
Lumapit ako sa paradahan ng tricycle. Namataan ako ng presidente ng toda, si Mang Harold. Kinawayan niya ako at itinuro ang bakanteng tricycle na naroon.
"Nakabalik ka na pala, anak. Kumusta ang biyahe?"
Sinulyapan ko ang driver na pumadyak na at ini-start ang makina. "Maayos naman po. Kayo ba rito?"
Mahina siyang natawa. "Naku! Ganoon pa rin naman. Bisita ka sa amin, ah? Na-miss na ni Hermes ang mga kuwento mo, President." Si Hermes ang bunso niyang anak na nangangarap ding maging pangulo ng Pilipinas katulad ko.
Nakalulungkot nga lamang at hindi ko iyon natupad pero nagsilbi naman akong pinuno sa itinatag kong organisasyon para sa mga kabataan. Iyon siguro ang isa sa mga maipagmamalaki ko mula sa ilang taong pananatili ko rito sa Esperanza.
Tinulungan ako ni Mang Harold sa pagbuhat ng mga gamit ko. Sumakay na ako nang maiayos na ang lahat. Tianpik niya ang bubong ng tricycle at may isinenyas sa driver na hindi ko makilala dahil may takip ang mukha.
"Tatawag po ako kapag makabibisita na," sabi ko.
Tumango naman ito. "Asahan ko iyan. Maligayang pagbabalik, Alora."
Ngumiti ako at pinagmasdan ang paglayo namin sa terminal. Hindi ako mapalagay sa biyahe dahil batid ko ang panay-panay na sulyap ng driver sa akin.
Inilabas ko ang aking cellphone at itinipa ang numero ng emergency hotline. D-in-isplay ko lang iyon sa aking screen para agad kong mapipindot ang dial button kapag kumilos nang hindi maganda ang kasama ko.
Pinanatili ko ang aking kalmadong disposisyon habang natatanaw ko na ang bahay ko. Nag-aabang sa labas si Ate Reni na siyang housekeeper. Kinuha ko siya dahil hindi ako nagtatagal ng isang buwan dito sa Esperanza. Lagi akong nasa labas ng probinsya para maghanap at kung minsan, napapadpad pa ako abroad.
I let a heavy sigh as we reached our destination. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayong hindi ko na kinailangang tumawag ng tulong.
Sinalubong ako ni Ate Reni at kinuha ang mga dala ko. Pinaiwan ko ang aking shoulder bag at clutch. May paghihinalang tinignan ko ang driver na hinihintay ang bayad.
YOU ARE READING
The A Team
Jugendliteratur[ Stand Alone ] Welcome to 'The A Team' where hope is in us! Disclaimer: This story is written in Taglish. Date Started: July 5, 2020 Date Finished: September 12, 2020