Chapter 23

20 3 1
                                    

Happy birthday to my most fearless comrade, YMKSTRYKDSSTY! This chapter is dedicated to you. I hope you'll enjoy it as much as this wonderful day of yours!

Chapter 23: Changes

The movement we started flooded the internet community. Lots of people around the world uploaded their own video that supports the theme.

The trending videos showed how imperfections can become the beauty of harmony throughout the whole human race.

Maraming nag-share ng kani-kanilang mga experiences sa social bullying na talaga namang talamak ngayon lalo na sa mga kabataang tulad ko.

Mayroong mga organizations na sinuportahan ang proyekto kaya mas lumaganap ito sa lahat ng social media platforms.

Our official hashtag, #StandAgainstAndForSociety, earned a lot of positive feedbacks from the netizens which made it reach the top of the trending charts worldwide.

"I checked Evette's video. Wala na iyon ngayon. Siguro ay binura na ng uploader. Wala ng bakas kahit ng mga bashers," imporma sa akin ni Mendel.

Napangiti ako, kontento sa kinalabasan ng plano. Most of the bashers already apologized to Evette. Napagtanto nilang mali ang manghusga ng kapwa lalo na kung hindi naman sila nito ginagawan ng masama.

Technology holds a great power that if misused, can leave damage to anyone. Mas mabuti kung mag-iingat tayo dahil maraming tao ang pwedeng maapektuhan sa simpleng komento o reaksyon natin.

Bumaling ako kay Amore na abala sa pagmamando sa aming mga kaklase. We are now civil to each other but she said that she still doesn't like my guts.

"Wala nang ibibilis 'yan?" asik niya sa mga lalaking nagbobomba ng mga balloons.

Mahina akong napatawa na ikinataas ng kilay niya. "Ikaw? Taga-tawa ka lang? Hala! Kilos!"

Napakamot ako sa ulo at dinampot ang ginawa naming mga banderitas. Umismid siya at binunggo ako bago lapitan ang mga kukupad-kupad naming kaklase.

Amore planned a surprise for Evette. Nakatakda na siyang bumalik sa klase ngayon kaya naisipan niya ang ganitong pakulo para sa dating kaibigan.

I confronted Amore about their friendship but she refused to answer. Aniya'y mas mabuting wala akong nalalaman nang sa ganoon ay mag-isip ako at maiinggit sa sikreto niya. I really find it funny but I just agreed to her to avoid chaos between the two of us.

"We are one with Ms. Alora Carvajal for promoting peace throughout society. We sincerely apologize to Ms. Evette Alquiza for the inconvenience and anxiety that our management has caused. We hope that you can reach out to us anytime soon."

The band posted it on their official page after someone told them about the terrible remarks of the people towards Evette's performance.

Things are indeed getting better and this only proves that admitting your mistakes can be a big game-changer.

Walang nagtangkang mag-ingay nang nadinig namin ang mga papalapit na yabag. Thaxter messaged me that they are already on their way so, I instructed my classmates to check their positions.

The door creaked open and as Evette sets her foot into the room, the party poppers exploded and the lights beamed.

"Welcome back, Evette!"

Nagpalakpakan kami at pinagmasdan ang reaksiyon niya. Napakurap-kurap siya at mahinang natawa. Bumaling siya sa akin.

"Ano 'to?" she mouthed.

Nagkibit-balikat ako at itinuro si Amore na papalapit sa kaniya. The room went silent. Pinagmasdan namin kung paano mailang si Amore sa nagtatakang titig ni Evette.

"H-here. Catch, Alquiza."

Sinalo ni Evette ang maliit na paper bag. Naglalaman iyon ng journal na pinagsulatan namin ng messages para sa kaniya.

"Alam mo naman siguro kung ano iyan, 'di ba? Hindi ka naman siguro naging stupid sa loob ng ilang araw na wala ka kaya hindi ko na ipaliliwanag sa iyo ang lahat," dagdag ni Amore na nagpailing sa akin.

Mataas talaga ang pride niya. Siya itong may pakana ng sorpresang ito pero nagawa niya pang magpanggap na parang wala siyang pakialam.

Siguro ay nasasaktan pa rin siya dahil itinaboy siya noon ni Evette. It must have been difficult for her to ignore her best friend and just forget all their memories together.

Hanga ako sa kaniya dahil kahit hindi sila nagkalinawan, hindi siya nagtanim ng galit kay Evette. Amore is tough and bitchy outside but behind that image she tries to portray every day, there is a lonely girl who lost a precious friend.

She doesn't want to show that she still cares but the truth is she has always been there for Evette. Hindi naman nawala ang pag-asa niyang maibabalik nila ang kanilang pinagsamahan pero sa tingin ko, matagal niya nang tinanggap ang kinahitnatnan nila.

Marahil para sa iba ay hindi iyon ang pinakamagandang desisyon pero minsan, ang pagtanggap ay nag-uugnay sa sakripisyo para maibigay ang kalayaang hinihingi ng taong mahalaga sa iyo.

"Salamat, Amore," malambing na sambit ni Evette.

Umirap siya at nandidiring suminghal. "Salamat? You owe me a lot, Alquiza. Darating ang panahong maniningil ako."

Ngumiti si Evette. "Sure. Just don't ask for my explanation because I know that you already have an idea of my decision."

Napalunok si Amore at namungay ang mga mata. "Pasalamat ka, matalino ako. Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag ng kahit sino," tugon niya.

Tumalikod na si Amore at nagsimulang linisin ang mga kalat na sinundan ng mga kaklase ko. Marahan kong nilapitan si Evette at niyakap.

"You're right about society, Alora. After all, I'm still a human and I belong to them. Salamat sa pagpapaintindi sa akin at sa kanila."

Tinapik ko ang kaniyang balikat. "I believe in them and it's worth it, right? This is all for you, Evette."

Ngumiti siya at niyakap akong muli. We settled down when a unfamiliar man entered our room. Sa tantiya ko ay nasa mid-to-late 30's siya. May dala siyang brown suit case at nakasuot ng bilugang salamin.

He flashed a friendly smile but that only made me wonder about his identity. "Good morning, Einsteins! I am Joaquin Casamayor, your new adviser. I am looking forward to my stay here with you," bungad niya.

Nagkatinginan kami ni Mendel na katulad ko ay puno rin ng pagtataka. Mariin kong tinignan ang bagong teacher sa harap. Mukha namang magaling siya at propesyunal pero iisang tao lamang ang hinahanap namin ngayon: Sir Julien.

The A TeamWhere stories live. Discover now