Chapter 30: Start
"I don't want to leave Thaxter alone, Alora," bulong sa akin ni Evette habang nilalagyan niya ng make-up ang mukha ko.
Sinulyapan ko ang aking hitsura sa salamin at tahimik na nagpasalamat dahil nakikilala ko pa naman ang sarili ko. "I already told you, Evette. It'll be safer for you to stay here. The sender of your death threats are there. Malaki ang posibilidad na samantalahin niya ang oportunidad na ito kung ikaw pa mismo ang lalapit sa kaniya."
Bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko. "Thaxter blamed himself, didn't he? Kaya siya napunta sa lugar na iyon? Nadinig ko ang usapan ninyo sa ospital." Guilt and fear flashed in her eyes.
Those emotions are familiar. Nakita ko na rin iyon noon. Iyon pa rin kaya ang nararamdaman niya kaya gusto niya nang bumalik ako? Sa tingin niya ba ay nahihirapan ako rito?
I gave her a reassuring smile. "He just doesn't want to lose you anymore."
"B-but... I nearly lost him. Pwede bang ako naman ang magpanatag sa kaniya? Pwede bang kahit ngayon lang ay ako naman ang kumilos para sa sarili kong kaligtasan? K-kasi pagod na akong matakot na sa bawat pagkakataong ilalayo niya ako sa kapahamakan, mawawala siya sa akin."
"He isn't just a friend to you," I mumbled, shocked by a sudden realization.
Hindi na dapat ako mabigla dahil matagal na rin silang magkasama pero nakakamangha lang ang ikinapuntahan nila. Her feelings for him changed and like me, she failed to keep their platonic relationship intact. Lumagpas din siya sa mga limitasyong itinalaga niya para sa sarili.
It is an overwhelming feeling to have strange emotions with a friend, but it is scary to think that you are the only one who feels that way... That he only treats you as a friend and nothing more.
Mapait na napangiti si Evette. "Thaxter is more than what I should feel. Now that we had our second chance, I realized that I want him more than any safe place in this world. And I can only have him if we stay with being friends," aniya.
"You just... give up? Bakit hindi na pwede?" Mariin ko siyang tinignan at nakita ko ang lungkot at pag-uubaya sa kaniyang mga mata.
"Bakit pa ba? Ngayong napagtanto ko nang hindi ko pwedeng ipilit ang mga bagay na nararapat lamang sa simula. We are better off as the way we were. Gusto kong mapatunayan niya sa kaniyang sariling mayroong ibang taong tatanggap sa kaniya... maliban sa akin. I want him to feel the acceptance I gave him from another person. Ayos lang siguro kahit hindi na ako... Ayos lang siguro kahit hindi pa rin ako."
"Hahayaan mong mapunta siya sa iba?"
Tumango siya, desidido sa desisyon. "That's the best decision I can make for him. Ayokong mahulog siya sa akin kagaya ko sa kaniya. I am very sure that if we will be together, I can't give him the peace of mind he can have with another girl. Lagi lang siyang mababahala sa kaligtasan ko. I don't want him to be afraid with the thought of falling for me because it will surely break me... whole."
Hindi ko maiwasang manghinayang para sa kanilang dalawa. "Bata pa naman kayo pareho. Malay mo, mag-iba ang desisyon mo. Malay mo, gusto ka rin pala niya," giit ko.
Pagak lamang siyang natawa. "Don't worry. I'll make sure that when that time comes, it won't be in my finger where he will put his engagement ring."
Bumagsak ang balikat ko dahil mukhang wala nang makapagbabago ng isip niya. Ipinagpatuloy niya na ang kaninang ginagawa habang mataman ko siyang pinagmamasdan. Wala na ang mga emosyong nakita ko kanina sa mga mata niya.
Hindi ko inaasahan ang biglang pagbabago ng nararamdaman niya. Kanina lang ay ayaw niyang iwanan si Thaxter pero ngayon ay determinado siyang hayaan na ito sa iba. Despite of the pain I felt for the both of them, I admire how brave Evette is to stand with such a tragic fate she chose.
YOU ARE READING
The A Team
Teen Fiction[ Stand Alone ] Welcome to 'The A Team' where hope is in us! Disclaimer: This story is written in Taglish. Date Started: July 5, 2020 Date Finished: September 12, 2020