Chapter 18: Match Up
Nang dumating ang Lunes, bumalik na kami sa dating gawi. Lahat kami ay nabitin sa maikling bakasyon at gusto pang magtagal sana kaya lang, hindi naman pwedeng lumiban na lang sa klase lalo na't nasa senior year na kami. Ilang buwan na lang at iiwanan na namin ang Esperanza NHS na alam kong magiging mahirap para sa amin.
Napuno ng kwentuhan ang klase sa pagbalik namin. Nag-post kasi ng pictures namin si Evette at nakita ng mga classmates namin kaya hindi nila kami tinantanan ng tanong.
"Pagkatapos ng moving up ninyo, pwede tayong pumunta roon," suhestiyon ni Sir Julien.
Lalong na-excite ang mga kaklase ko kaya hanggang sa uwian ay nagpa-plano sila ng mga activities. Syempre, hindi rin nagpahuli si Evette na ikinuwento pa ang nilaro namin sa bonfire.
Days passed by. Mas naging abala kami dahil sa Science Investigative Project namin. Mabuti na lang at magkakagrupo kaming lima kaya kahit papaano ay hindi ako nababagot sa kalagitnaan ng aming research at paggawa ng product.
Halos hindi na kami natutulog. Sandamakmak na meetings ang ginagawa namin sa school at sa pag-uwi naman ay pumupunta kami sa bahay nila Evette para kumpletuhin ang research paper.
Si Mendel at Atlas ang nangunguna roon. Kaming tatlo naman ang punong-abala sa product. The day before our defense, nag-conduct kami ng question and answer para lahat kami ay makakasagot. Kaming dalawa ni Mendel ang presenter kaya kabado ako.
I let a heavy sigh. Nanginginig ang kamay kong hawak ang research paper namin. Doomsday it is! Kanina pa ako pabalik-balik at nagsasaulo para masiguradong wala akong makalilimutan.
"Nahihilo na ako sa 'yo, Alora. Hindi naman nangangain ng tao ang panel kaya nga naghanda tayo ng madaming pagkain, 'di ba?" si Evette na isinasalansan ang mga meal packs sa table.
Mahinang humalakhak si Thaxter. "She's right. Pero huwag tayong pakasisiguro, may representative rin ang ibang grupo sa panel kaya manggigisa ang mga 'yan. Iyan ang ayaw ko sa section natin: masyadong competitive."
Napalunok na lang ako at binasang muli ang mga dapat kong sasabihin. Napabaling ako kay Atlas nang tabihan niya ako. "Anong masasabi mo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Sisiw."
Napakurap-kurap ako at mangha siyang tinignan. "Dapat pala, ikaw na lang ang nasa posisyon ko."
Ngumisi siya. "Kaya nga madali lang para sa akin dahil hindi naman ako ang magp-present," sagot niya.
Bumuntong-hininga ako. Naramdaman kong kinuha niya ang kamay ko at may inilagay doon: marshmallow. "Nakalimutan kong ibigay sa 'yo."
Hindi niya na ako hinayaang makapagsalita pa dahil dali-dali siyang umalis. Napangiti ako at pumunta na sa harap para sa pagsisimula ng aming defense.
Sa kabutihang palad, naitawid naman namin iyon nang maayos. Nakatanggap pa kami ng papuri dahil tama ang format ng aming bibliography na si Mendel ang gumawa.
Nagkaroon kami ng munting celebration pagkatapos. Naghanda ng munting salo-salo ang pamilya ni Thaxter. All of our sleepless nights and frustrations are worth it. Well, this doomsday is not that bad after all.
Nang papalapit ang aming Intramurals, naging magaan na ang mga gawain kaysa noong mga nakaraang araw. Lagi akong bumibisita sa SSG Office at nakikipagkuwentuhan kay Abigail na laging nagrereklamo tungkol sa dami ng gawain niya.
Kaya nang nagkita-kita kami sa A Suite nang hapong iyon, nag-suggest akong tumulong sa SSG since mayroon naman silang tasks na ibinibigay sa mga volunteers.
Kami ang naatasan sa pamimigay sa bawat klase ng schedule para sa Intramurals at paglilinis sa covered court.
Mayroong Arnis Competition kung saan kasama si Evette sa representative ng aming section. Naghanda kami ng mga banners at balloons gaya noong laban ni Thaxter kaya agaw-pansin kami.
"Go, Einsteins!"
Dumagundong ang hiyaw namin nang magsimula na sila. Tawa kami nang tawa ni Thaxter dahil kay Evette na sinusubukang maging fierce pero sumisilay ang ngisi.
Pagkatapos ng performance nila ay agad siyang dumiretso sa akin at itinago ang mukha. Ginulo ko ang buhok niya. "Ang galing mo! Practice na lang sa face projection," pang-aasar ko sa kaniya.
Lalo siyang nahiya kaya pinagsabihan kami ni Mendel na tigilan na ng panunukso kay Evette. Tumambay muna kami sa A Suite habang naghihintay ng basketball game ni Thaxter.
Magaling siya sa pag-assist at sureball din siya sa free throw kaya malaki na 'yong advantage. May ilang universities sa Manila ang sinusubukan siyang kunin pero nakakapagtakang hindi niya ine-entertain ang mga iyon.
"Atlas, may balita ako sa 'yo. Kilala mo 'yong muse ng 10-America? Crush ka raw niyon!" sabi ni Thaxter na tumatango-tango pa.
Ngumisi si Atlas. "Hindi gano'n ang kursonada ko."
"Iyon? 'Di mo type? Sus! Hindi ako naniniwala."
Natatawa siyang umiling. "Bahala ka."
Makahulugan akong tinignan ni Evette. "Maganda 'yong tinutukoy ni Thaxter. Bagay sila ni Atlas," bulalas niya.
Tumango na lamang ako. "Talaga?"
"Oo. Bakit? Tingin mo, hindi?"
"Hindi naman sa ganoon. Hindi ko kasi kilala iyon kaya hindi pa ako sigurado."
"Sige. Mamaya, ituturo ko sa 'yo."
Madaming tao ang nanood ng game. Maganda kasi ang laban dahil parehong magagaling ang dalawang team. Dikit ang laban, hindi katulad ng inakala ko.
"Carriego, three points!" sigaw ng announcer.
Palitan lang sila ng basket kaya madaming lead changes at deadlocks ang nangyari. Isang factor na nagpabago sa laban ay si Vinyl. Injured kasi ang dapat na player ng kabila kaya siya ang ipinalit.
"Timeout! Einstein!"
Napapadyak sa inis si Evette. "Kainis naman si Vinyl! Masyadong ginagalingan! Idol ko siya pero this time, kay Thaxter muna ako."
Ngumisi ako. Nilapitan kami nina Mendel at Atlas na kararating lamang mula sa pagbili ng maiinom namin. Nagpatuloy ang game at hanggang dulo, walang nagpapatalo.
"Go, Einstein!"
Napatingin sa akin si Vinyl na kasalukuyang nasa free throw line. Lamang ng isa ang team namin. Kung maipapasok niya ang huli, mago-overtime.
Napakurap-kurap ako nang kumindat siya sa akin. Binato niya ang bola at laking-gulat namin nang hindi iyon pumasok dahil kapos.
Kinurot ni Evette ang tagiliran ko. "Ay, parang kay Vinyl na lang ulit ako," natatawang bulong niya.
Nagkumpulan kami sa gilid ng court nang matapos ang game. Pinupuri namin ang team nang biglang sumingit si Amore.
"Kulang tayo ng player para sa basketball girls. Tayo na ang susunod na maglalaro," anunsyo niya.
Napatingin kami kay Vinyl na nakikinig pala. "Marunong maglaro ng basketball si Alora. Siya na lang ang isama ninyo sa line-up."
Umawang ang bibig ko dahil agad na pumayag ang mga kaklase ko. "Kaya lang, magagaling ang kalaban. Nandoon ang muse nilang si Arya Magallano, ipinanglalaban iyon ng school."
"Oh? May crush 'yon kay Escareal!," natutuwang sambit ni Thaxter.
Sinulyapan ko si Atlas na mariin ang tingin sa akin at kinuha ang bolang hawak ni Amore. Ngumisi ako. "Sisiw."
YOU ARE READING
The A Team
Genç Kurgu[ Stand Alone ] Welcome to 'The A Team' where hope is in us! Disclaimer: This story is written in Taglish. Date Started: July 5, 2020 Date Finished: September 12, 2020