Chapter 32 - Be my life

61 1 0
                                    

Jaylin’s POV

It’s been 2 hours nang makalabas na ako sa kwarto. Naglakad-lakad lang ako sa seaside. Umabot nga ako hanggang sa kabilang resort eh.

Paano ba naman kailangan ko talagang magpakalayo-layo. Hindi ko na kinaya eh. Biruin mo hindi sumagot si Aj. I was half confessing my true feelings. Pero wala man lang reaction. Feeling ko. Rejected na agad.

“Jaylin!” nagulat ako ng biglang sumigaw si Ej at tumatakbo patungo sa akin.

“Anong problema mo?” tanong ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin.

“Si Aj” biglang yumuko si Ej.

“Anong nangyari kay Aj?” tanong ko kay Ej.

“May nangyaring masama sa kanya” nanghina ako sa sinabi ni Ej sa akin.

“What? Paano? Bakit?” biglang nanghina ang tuhod ko. Naiiyak na ako. T_T

“Dahil sa paghahanap sa iyo. Kaya na aksidente siya” sagot ni Ej.

“Anong klaseng aksidente? Kasalanan ko to.” Kasalanan ko talaga. Ang dami ng luha ko nito. Paano nalang kung mawala siya dahil sa akin.

“He was beaten by some unknown group of people. Parang gangster.” Tumulo pa rin ang luha ko sa mga nalaman ko.

Pero paanong siya yung na bugbug ng mga gangster? Hindi naman basagulero si Aj eh. Tsk.

“Puntahan na natin siya ngayon sa hospital” hindi na ako mapakali. Kailangan ko na talagang puntahan si Aj.

“Anong hospital? Wala siya sa hospital” nagulat ako sa sinabi ni Ej.

“Anong wala? Saan siya ngayon?” tanong ko na nag-alala pa rin.

“Gusto niya sa rest house lang. Kasi hinihintay ka niya. Ayaw niyang umalis. Nandoon na si Yanil at si Angelie to accompany him” tumango nalang ako pero naiiyak pa rin.

Nagmadali naman kaming pumunta ni Ej pabalik ng rest house.

****************** 

“Aj?” nagmadali akong tumabi sa kama kung saan siya nakahiga.

Kitang-kita ko ang bruises sa mukha niya at sa ibang parti ng katawan niya.

 Thank God you’re okay” sabi niya habang hawak-hawak ang pisngi ko.

Hinawak ko yung kamay niya na nakahawa sa pisngi ko at nagsimula na akong umiyak.

“Tahan na. Buhay naman ako eh. Wala ka ng dapat iyakan” gago naman to. Basag trip sa drama ko.

“Gago ka ba? May nangyari sa iyo ng dahil sa akin. Tapos sabihin mo pa na wala na akong dapat iyakan?” hinampas ko siya sa braso.

Tapos bigla siyang bumangon at niyakap niya ako. “I’m sorry. Ayaw kasi kitang nakikitang umiiyak ng dahil sa akin”

Niyakap ko din siya ng mahigpit at humagulgul ng iyak dahil masaya ako na okay siya at hindi grabe ang natamo niyang sugat. Pero nasasaktan din ako kasi nasaktan siya ng dahil sa akin.

“Sorry *hik* kasi *hik* nasaktan ka *hik* sa akin *hik hik* sorry *hik* kung na bugbug ka *hik* dahil *hik sa akin* Sorry talaga. Huhuhuhuhuhuhuhu” wala na talagang humpay ang paglabas ng mga luha ko dahil sa nararamdaman ko.

COMPROMISE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon