Chapter 23 - Yanil, Friend or Foe?

64 2 0
                                    

AJ’s POV

“Babe?”

“Wala akong time eh. Busy ako sa work ko”

“Sige. I love you too”

Kita mo tong si Ej. Hanggang ngayon babaero pa rin. Wala kasing nakita na matinong babae kaya hindi na challenge. Unlike ko ngayon sobrang challenge na challenge sa situation namin ni Jaylin. Ano ba kasi yung nangyari kanina eh. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang asarin kasi ang cute niya pag pikon. Eh sa mamalasin nga naman ako pa ata yung napahiya. Mas nahiya tuloy ako dahil nandoon si Ej at witnessed siya sa nangyaring kahihiyan sa akin.

**Flashback**

Natumba kami ni Jaylin when she glided paghila ko sa kanya. Nang-aasar lang talaga ako sa kanya eh. Wala naman talaga akong planong masama sa kanya. Sobrang gusto ko lang talaga siya asarin pero pagmagkalapit naman yung mukha namin hindi ko mapigilan humalik sa babaeng yun. Ay naku. Iba ding tama ito. Tsk.

Tapos biglang dumating ang mokong kong kaibigan. Hindi ko naman alam ganoon siya ka aga pupunta sa bahay. Disturbo tuloy.

“EHEM?” naputol yung titigan namin ng may biglang nagsalita sa may pinto.

“Oh. Pare. Paano ka nakapasok dito?” disturbo talaga tong lalaking to.

“Edi. Binuksan ang pinto kaya nakapasok. HAHAHA” aba. Pilosopo talaga tong gago na to.

“Gago!” iritang sabi ko. Paano ba kasi naabutan pa niya yung awkward position namin ni Jaylin.

“Alam niyo nagmadali ata kayo sa honeymoon niyo noh?” uupakan to talaga to mamaya. Pinapahiya ata ako nito kay Jaylin eh.

“Tabi ka nga” isa pa tong babaeng to. Sobra ko makapag-alis sa pagkahiga ko sa kanya. Hmp. Nagmadali naman akong tumayo.

Kaso sa pag tayo ko. I didn’t expect that my towel would actually loosen up kaya ayun nakita ni Jaylin yung ano ko. Pati na rin si Ej. Sino ba namang mag-aakala eh. I’m used to not wearing boxers when I’m covering myself with a towel.

Nakita ko si Jaylin. Nanlaki yung mata niya at napatingin sa ano ko. Parang hindi ata makapaniwalang nakita niya yung hindi niya dapat makita. Ilang segundo din bigla siyang sumigaw at tinakpan ang mga mata niya. Tapos nagmadaling pumasok sa bathroom at nag lock na ng pinto.


“HAHAHAHAH. Ganoon ba talaga ka inosenti ang fiancé mo? Parang ngayon lang ata nakakita ng alam mo na” napailing na lang ang gago kong bestfriend sa na witnessed niya.

“Ewan ko sayo. Alis ka nga. Magbibihis na lang nga ako” tinulak ko palabas si Ej at nag lock din ako ng pinto.

“HAHAHAHAHA. Sige enjoy” nang-aasar pa ata tong ugok nato kahit naka lock na yung pinto ko. Humanda ka pagkatapos ko dito.

 

**End of flashback**

 

Wala naman talaga akong planong pumasok sa loob ng bathroom eh. Kasi nga tapos na akong maligo. Nakatuwalya lang ako kasi magbibihis na sana ako. Kaso nasa bathroom yung boxers ko kaya pumasok ako. Hindi naman kasi lock yung pinto eh. Kaya ayun. Para di naman ako masyadong mahiya. Inasar ko na lang si Jaylin which is a very wrong move kasi ako ata tong napahiya. Tsk. Kaya ayun. Pagkatapos kong magbihis. Hinintay pa namin siya ni Ej na makalabas sa kwarto ko para makapagpaalam ng maayos na may lalakarin kami ni AJ. Kaso pag labas niya. Umuusok pa rin yung ilong niya at wala siyang imik.

COMPROMISE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon