Chapter 17 - Claire [A staff or my sister?]

99 4 0
                                    

Jaylin’s POV

“Thank God bumalik ka na. I can’t afford to lose you twice” tinignan ako ni Aj sa mga mata at bakas sa mga mata niya ang pag-aalala niya sa akin. He then kiss my forehead kaya medyo nagulat ako.

Dug.dug.dug. Ito namang puso ko talon ng talon sa kilig. Ay Ewan. Pero determined ko na talaga. Kinikilig ako sa ginawa ni Asungot sa akin. Pero dapat hindi ako magpapahalata. Kaya medyo hindi nalang ako nag react. Pero nagulat din ako sa sinabi niya. Teka nga. He can’t afford to lose me twice? Tama bang narinig kong twice.

“Uhm. Aj. Anong ibig mong sabihing you can’t afford to lose me twice?”

“Ah- Eh. Yung unang beses yung muntikan ka ng ma-aksidente sa park dahil kay Baby Angel” medyo hesitant sa pagsagot si Aj kaya napataas yung kilay ko

“Ah. Okay” I just showed him na medyo convince ako sa sinabi niya pero minsa magulo tong si Aj. Kasi parang I already saw him from somewhere. Ewan ko lang kong saan. At minsan naman parang pamiliar siya sa pagkatao ko. Baka stalker ko talaga tong lalaking to. Tsk.

“Hali ka na. May binili akong pagkain para sayo. Pero before that. Magpapasalamat muna ako sa lahat ng staff dito at pati na sa manager nila” Aj then showed me his pa cute-cute na smile.

Tumalikod ako para tumingin kay Aj na pabalik sa loob ng restaurant pero sa pagtalikod ko ay nagulat ako ng bigla nalang kaming nagkahalikan ni Aj ulit sa lips. Pero yung medaling smack lang.

“Uhm. Sor—sorry. Sa cheeks mo sana yun pero bigla ka kasing tumalikod” medyo nagulat pa ako sa nangyari namin ni Aj at pati siya parang nagulat sa biglaang pagkahalikan namin sa lips.

“Uhm. O-okay lang” medyo naka feel ako ng init na pakiramdam at for sure sabog na naman ng pamumula ang mukha ko.

“I just wanted to say na wag ka ng aalis diyan ha?” I showed her my smile and napa nod na lang sa sinabi niya.

“Ahhh. Ang suwerte niyo naman sa isa’t isa” nagulat ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko. Kaya bahagyang nilingon ko siya at medyo may question mark expression yung mukha ko.

“Ay sorry po Madam” medyo nahiyang sagot ng staff. Alam kong staff to kasi may name tag sa suot niyang uniform.

“Ms. Jaylin na lang kasi parang ang tanda namang pakinggan pag Madam. Right Cla—Claire?” medyo nagulat ako ng mabasa ko ang name ng babae sa name tag niya. Magkatulad sila ng name ng twin sister ko.

“Paano niyo po nalaman yung pangalan ko Miss Jaylin?” nagulat na reaction ng staff

“Uhm. Nasa name tag mo” turo ko sa name tag ng staff

”Ay. Oo nga pala. HEHE. Anyway po. Alam niyo po maswerte kayo sa isa’t- isa ni Sir Josh Ms. Kasi mahal niyo ang isa’t-isa eh. Tapos bakas sa pinapakita ni Sir Anthony ang takot niyang mawala ka sa buhay niya” nagulat ako sa mga sinabi ng babae at medyo may goosebumps ako knowing na magkapareho sila ng name ng kapatid ko.

“Mahal namin ang isa’t-isa?” tanong ko sa sarili ko pero narinig ng staff

“Oo. Siguro po Ms. Hindi niyo pa po masyadong napansin yung nararamdaman mo pero in time malalaman at malalaman mo din na mahal mo na pala siya. Kasi sa nakikita ko. Naramdaman mo na pero di mo nakita. Isa pa po ikaw lang naman ang tanging minahal ni Sir Anthony noon hanggang ngayon. Let’s just say Ms. May minahal siyang isang tao pero sa bandang huli mismo ang pag-ibig niyo ang naghahanap ng paraan para ipaglapit ulit kayo. At para makita niyo ang isa’t-isa. Let’s just say you’re meant to be” pag explain sa akin ni Claire.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?” I felt goose bumps again. Parang manghuhula ata tong babaeng to.

“Hindi ko naman masabing manghuhula talaga ako miss ha. Pero minsan po makikita talaga sa mga mata ng tao ang kani-kanilang buhay. Tapos ang ibig ko pong sabihin. Wag mo po sayangin ang mga panahon na kasama mo ang taong mahal mo kasi malay mo siya rin pala yung natatanging lalaking hinintay mo noon hanggang ngayon. Kaya miss. Wag niyong pakawalan ang isa’t-isa kasi ang pagmamahalan niyo ang mismong magpapasaya sa inyo.”

“What do you mean?” agoi parang nahulaan ata niya yung iniisip ko.

“Miss Jaylin ibig kong sabihin Mahal na Mahal po kayo ni Sir Josh” maikling sagot ni Claire sa akin pero medyo natulala ako sa sinabi niya.

“Mahal ako ni AJ?”

“Opo. Kaya nga binigyan ka ng pangalawang pagkakataon na mabuhay kasi alam ng Diyos ang alam ng taong nagbigay sa iyo niyan na sa pangalawang buhay mo ay mararamdaman mo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na walang hanggan” tinuro niya ang puso ko

“Paano mo nalaman na binigyan ako ng dalawang buhay??” medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya napahawak ako sa puso ko.

“Kasi po. Kahit pilit mong itago ang scar sa dibdib mo. Minsan may ibang taong nakakita pa rin. Kahit may technology pang ginamit para itago yung scar sa operation mo. May iba talagang masyadong matalas ang paningin at makikita pa rin nila” medyo confident na sabi ng staff.

“At anong Ibig mong sabihin sa mga sinabi mo?” pagdag-dag ng tanong ko.

“It only means Ms. Jaylin. Your second chance of life is a chance of love” biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko sa staff na ito at isa pa parang alam niya ang iniisip ko. Ano ba naman to. She’s creepy but somehow may point siya at parang alam niya ang kuwento ng buhay ko.

“Hi!” nagulat kaming dalawa ni Claire ng marinig namin ang sigaw ni Anthony sa malayo

“Oh. Nandiyan na pala si Sir Josh. Una na ako Ms. Jaylin ha at nice chit-chatting with you. Sana matatandaan mo lahat ng sinabi ko. Bye po” nagmadaling umalis ang staff na si Claire.

“Let’s go?” ng palapit na si Aj ay may bitbit na siyang supot na may lamang pagkain.

“Okay” napa nod na lang ako sa sinabi ni Aj

Pag pasok ko sa kotse ay nakita ko pa si Claire na nag waved sa akin pero ng nasa loob na ako ng sasakyan. Walang bakas na babae ang napatayo sa kung saan ko last nakita yung staff. Ang bilis naman makaalis nung babae. Pero talaga. It’s creeping me out. Alam na alam niya ang buhay ko parang kilala niya ako. Oh my gosh! Possible bang si Claire yun pero sa ibang anyo niya? O baka pumasok ang spiritu niya sa babaeng yun para pagsabihan ako tungkol kay AJ. Ano ba naman to.

“Okay ka lang ba?” nagulat ako sa tanong ni AJ kaya medyo nawala yung mga creepy na iniisip ko.

“Uhm. Kasi may crew kasing kaparehas ng name ng kapatid kong namatay at may mga sinabi siyang medyo nakapag creep out sa akin” napahaplos ako sa arms ko.

“Ah. Uhm. Baka yung mga sinabi niya ay na relate lang sa sister mo kaya na creep out ka ata” depensa ni Aj sa akin

“Uhm. Siguro. Baka nga” pag agree ko kay Aj.

Pero I know that staff is very different. At sa sinabi niyang my second chance of life is a chance of love has something to do with me and Aj. Siguro si Claire nga yun. If it’s Claire it only means gusto din niya si Aj para sa akin. Pero bakit naman magpapakita siya? O magpapahiwatig siya ng ganoon na mensahe sa akin? Ay ewan. Natakot tuloy ako.  Claire kung ikaw man yun sana ma gets ko yung pilit mong ipinahiwatig sa akin.

 

 

PS: Tapos na po ang changes ng chapter na ito. Sana magustuhan niyo. Medyo maikli lang ang chapter nato for some reason. Binigyan ko lang ng medyo part na creepy. Feel free to suggests and comment po. Pasensiya if my typos pa rin at errors.

COMPROMISE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon