Chapter 22 - Epic Fail

72 2 0
                                    

Jaylin’s POV

“Anong nangyari pagkatapos ng halikan niyo?” excited na tanong ni Angelie sa akin habang naka upo kami dito sa Starbucks at umiinom lang naman kami ng frappe with cakes.

“Uhmmm—nasampal ko siya” pagdadalawang isip na sabi ko

“Huh? Eh. It didn’t turn out well. Bakit?” medyo nalito si Anj sa kuwento ko. Kasi naman kung kikiligon wagas! Kaya ayan disappointed. Akala siguro niya may happy ending yung kissing scene namin.

“Eh ganito kasi yung nangyari” nagpatuloy ako sa pag kuwento sa nangyari sa amin ni Aj.

** FLASHBACK **

After minutes of kissing each other napahinto din kami. I opened my eyes and I caught him looking at me. Ang init ata ng pakiramdam ko. Pati yung itsura ko for sure hindi na maipinta sa pamumula.

“Deary, you’re blushing” pang-aasar na sabi ni AJ

“Shuddap” yung lang po ang tanging nasabi ko habang umiiwas sa mga tingin niyang nakaktunaw.

“Deary?” napatingin ulit ako kay Aj at I saw him smirked at me.

“Ano?” iritang sagot ko. Kung maka smirk kasi parang may ibang iniisip.

“Your hot kiss makes me want it more” he again moved his face closer to mine and I can feel his hands moving at my back. Naku. Ito na ba yung sinasabi kong ibang iniisip niya.

“Bastos!” nasampal ko tuloy siya dahil sa mga ginagawa niya. Aba. Baka iniisip niya na katulad ako sa ibang mga babaeng dumidikit sa kanya. Siguro nga nadala ako sa kiss niya pero hindi sa charm niya. Ay ewan ko. Basta ito na yung pinaka last na halik na gagawin niya sa akin. Masisipa ko talaga siya.

Nagmadali naman akong pumasok sa kwarto. At kaninong kwarto? Siyempre sa bastos kong fiancé. Eh. Nandito kaya ako sa condo niya. Kaya wala akong magawa kundi tiisin ang pagmumukha ng mokong na iyon. Akala ko pa naman okay na kami. Eh. Bipolar eh. Minsan mabait at sweet tapos ngayon naging mayabang, feelingero na naman at idagidag pa ang pagiging isang bastos! Makaligo na lang nga.

 

** End of Flashback **

“Tapos yun bes. Bigla kang tumawag”

“Yung lang yung nangyari sa inyo?” aba may ibang iniisip tong bestfriend ko.

“Pagkatapos kaya ng insidente na yun ay nakatulog na lang ako. Tapos tumawag ka kasi nagyaya kang mag coffee. Kaya nga pumayag ako para makalayo sa buwesit na Anthony Josh Valdez na yun!” complete name talaga dahil galit pa ako sa kanya.

“Tapos nung conversation natin? Hindi ka na lumabas ng kwarto ni Aj? O nag breakfast man lang” pataas-taas pa ng kilay tong bestfriend ko habang nagtatanong. If I know may ibang iniisip niyan.

“Naku best friend. Mas higit pa sa breakfast o pag labas ko sa kwarto ang nangyari namin ni Aj” nanlaki ang mata ni Anj sa mga sinabi ko.

“Ano? Ano? Ano? Spill it out” hindi masyadong excited yung bestfriend ko noh? Tsk. Epic.

“Oo na. Oo na. Ito na” kung maisip ko talaga yung mga nangyari kanina. Talagang epic talaga eh. Pero ito na yung flashback.

**flashback**

 

After my conversation with Angelie. I decided to take a bath. I open Aj’s cabinet and I saw my clothes there. Arranged na din siya. May division kasi yung cabinet ni Aj kaya na kasya naman yung clothes ko. Kinuha ko yung towel at robe ko.

COMPROMISE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon