R18
The Youth Festival is finally here! Nagkalat ang mga estudyante na masayang nag iikot sa buong University. May flags, bandiritas at mga bulaklak ang nakasabit kung saan saan. Sa bawat gilid ay marami ring food stalls and souvenir supplies. Meron ding inihanda ang Y.A.C ( Youth Association Club ) ng mga mini games for students, hindi mawawala ang photo booth shempre.
Kanina pa hindi mawala ang ngiti at saya sa akin dahil isang matamis at malalim na halik ang gumising sa akin. Masaya at masiglang pumasok ngayon si Adam dahil ngayon nga idaraos ang Youth Festival. I congratulated him earlier dahil maganda ang naging theme at set up nila.
"Hahahaha! Jejemon ka ba pre?!" Tawa ni Mike at Ella. Si Troy at Kristine naman ay pinipilit na tinatago ang kanilang halakhak.
Nakakainis! Kahit ako ay nagulat kagabi nang makita na extra large ang naging size ng Festival T-shirt ko. Nagkamali siguro sila nang pagbigay. Mga gungong!
Hinila ako ni Kristine at inayos niya ang manggas ko. Tinupi niya ito ng tatlong ulit.
"Tuck it in. Gwapo ka pa rin naman kahit anong ayos." Utos niya.
I sigh. I'll take Kristine's word as a compliment. At least this looks much better.
"Bakit gwapo rin naman ako ahh!" Sawsaw ni Mike.
"Manahimik ka kalbo 'di ka gwapo." Masungit na sabi ni Kristine bago siya lumabas ng pinto.
We roam around the University for about half an hour. Nagpunta kami sa iba't ibang food stalls at games stalls. Last stop namin ay ang photo booth kung saan nakasuot ako ng green na wig at big black eyeglasses. Siguro mamaya ay pupunta ulit kami dito after igniting the bonfire.
We are walking outside near the New building of Science and Technology habang nakain ng hotdog with buns. Natingin tingin lang kami sa paligid kung anong pwedeng pagkaabalahan.
"Pahena kaya tayo? Nabubura naman yun eh." Suggest ni Ella.
"Ow em ji tara! Tagal ko nang gustong subukan 'yon." Pagsangayon ni Kristine.
Bago kami magtungo sa booth ng hena ay inagaw sa akin ni Mike ang Lemon iced tea ko at ininom ito na parang walang bukas. Kinuha niya ang kamay ko at binigay sa akin ang plastic cup ng lemonade na wala ng laman. Kokotongan ko sana siya kaso mabilis siyang tumakbo papunta kanila Ella habang nakatawa.
Walangya! Nakaka ilang higop pa pang ako eh!
Inikot ko ang aking paningin para makahanap ng basurahan. Ngunit iba ang nahagip ng mga mata ko sa 'di kalayuan.
Hawak at hila hila ni Pia ang kamay ni Adam habang naglalakad sa likod ng accessories booth. Adam is laughing genuinely, they seem to enjoy each others company.
Pinapatay na ako ngayon ng aking isipan. Sumisikip ang aking dibdib sa pangalawang pagkakataon. Ang mga mata ko ay hindi maalis ang tingin sa kanila kahit na ang dulot lang naman nito ay sakit sa aking puso. I feel betrayed and insecure.
Tangina!! Ano ba talagang meron sa kanila!? I shouldn't doubt Adam's love for me but damn! Wala akong magawa! Lalo na't pangalawang beses ko na silang nahuling masayang magkasama. I need answers! I need reason!

YOU ARE READING
When the Weather Is Calm
RomanceLance Maverick L. Anuevo is a senior high student who is suffering from anxiety disorder called Astraphobia, A person who feared thunderstorms. He got this kind of phobia when he was eight years old, the age where her mom left him without any reason...