Nagising ako dahil sa isang halik at malikot na yakap mula sa aking harapan. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko si Adam na nakangiti. Wala siyang suot na pang itaas kaya kita ko ang magandang hubog ng kanyang dibdib pati na ang kanyang bicep.
"Wake up sleepyhead. Nagpahanda na ako kay ate Hilda ng almusal." He kiss my nose before standing up.
Tanging isang mata lamang ang aking gamit ngunit kita ko ang ganda ng kanyang likod. He has broad shoulder and tiny waist that makes him fit and sexy. Naka Calvin Klein Boxer brief lang siya ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may gilid at nakita ko na 5:30 na nang umaga. Marami akong nakitang notif kaya pinindot ko ang ilan sa mga iyon kahit na nasisilaw ako sa liwanang. Tuluyan akong nagising at napabangon sa higaan dahil sa aking nabasa.
EAUniversity daily post
Pia is Adam's girlfriend!!! Ligwakk na tayo girls! May nananalo na! :'(
Comments: 1,002
Shiela Arenio: Shempre yung maganda at sexy liligawan niya.
Desiree Ang: Huhuhu Lucky Pia!
Ally Paranes: Ok lang. Makita ko lang siya para na akong nanalo sa lotto! Why so hot and gwapo kase?
Sabi ko na nga ba at likikha ng ingay ang ginawa ni Adam. The good thing is, the issue will help us cover our relationship. But the bad thing is, it is Pia.
"Halika na. Sabay na tayo bumaba. Gusto mo ba buhatin pa kita?" Ngisi niya habang nagsusuot ng damit.
Tumayo ako at nagbihis din. Pagkatapos ay binigay ko kay Adam ang cellphone ko at pinabasa sa kanya yung post sa page ng University.
"Magpagwapo ka. Madaming naghihintay sa'yo sa University." At iniwan ko siya sa kwarto habang nagbabasa.
Sinunod nga ni Adam ang utos ko at nakakamatay ang tindig at porma niya ngayon. Nakasuot siya Givenchy black denim jacket, white Vetements t shirt and black, low runner sneakers from Givenchy, again.
I don't know if I am still breathing because of his charisma and taste for fashion. Nakaka insecure siya.
Adam look to his designer watch while taking off his sitbelt.
"Lunch later? Together?" Putol putol niyang sabi.
I take off my sitbelt and nod to his request.
Habang naglalakad kami ay may iilang estudyante ang nakatingin kay Adam. Hindi ko alam kung dahil sa gwapo niyang porma o dahil sa issue na may 'thing' sila ni Pia. Nakakainis dahil agaw atensiyon siya! Bakit kasi naka suot ng baduy na uniform ang senior high students?!
"So sila nga? Kaya pala magkasama sila sa mall last week." Chismis ni Kristine.
"Girl ang daming na heartbroken. Bakit kasi iisa lang si Adam! Sana pwede siyang ma duplicate hahahaha!" Sabi naman ni Ella.
Pagdating na pagdating ko sa room ay iyon agad ang salubong nila sa akin. Kung pwede lang 'wag pumasok ay ginawa ko na eh. Sino ba namang magugustuhan na pinapartner sa iba yung boyfriend mo diba? Ang hirap sa part ko dahil kailangan kong magpanggap na natutuwa at hindi apektado.
YOU ARE READING
When the Weather Is Calm
RomanceLance Maverick L. Anuevo is a senior high student who is suffering from anxiety disorder called Astraphobia, A person who feared thunderstorms. He got this kind of phobia when he was eight years old, the age where her mom left him without any reason...