CHAPTER 1

67 3 1
                                    


WHEN THE WEATHER IS CALM

"Cheers!"

            Sigaw naming apat na magkakaibigan habang hawak ang mga baso na may lamang alak. Birthday ngayon ni Ella at inimbithan niya ako bilang maging isa sa escort niya. Nakasuot ako ng Navy blue tuxedo at black long sleeves bilang panloob. Kanina pa nagsimula ang selebrasyon, I am now wearing the casual clothes, nakauwi na rin ang ibang bisita ni Ella habang kami naman ay nasa round table pa rin para simulan ang totoong party.




"Hindi ka ba talaga boyfriend nitong si Aravella? Naku, kahit hindi ka na manligaw! Pasadong pasado ka na sa'kin! Ka gwapong bata e oh!"



Namula at napayuko ako sa sinabi ng nanay ni Ella. Kahit kanina nang dumating ako ay walang humpay na ang kanyang pagpuri. Nakakatuwa dahil nakikihalubilo siya sa amin na parang kasing edad lang namin siya. I didn't know how it feels like to have that kind of mother. Si tita kasi ay laging trabaho ang inaatupag kaya laying seryoso. Kailanman ay hindi ko siya nakabiruan sa isang pag uusap.




"Ma! Kanina mo pa ako binubugaw! Kaibigan lang tingin sa'kin ni Lance, 'Dun ka nga kanila kuya mangulo!"



Nagtalo pa ang magnanay saglit ngunit 'di rin nagtagal ay pinabayaan na kami ni tita enjoyin ang natitirang oras namin para magsaya.





Pinasa sa akin ni Troy ang isang shot glass kaya kahit na ayoko ay matapang ko pa rin itong ininom. I really don't like drinking alochols. Pinipilit ko lang uminom tuwing may mga party and celebration. I must say na mas trip kong inumin ang mga beers.




Pagkatapos kumanta nila Ella at Kristine sa karaoke machine ay pinasa naman ni Mike ang glass shot sa kanilang dalawa.




"Sayang talaga at hindi mo kasama si Kuya Adam. 'Edi sana tuwang tuwa uli ang nanay ko dahil may isa na naman siyang gwapong nakita! Pero sabagay, nakakahiya naman siya imbitahin, saksakan kayo ng yaman baka mandiri siya dito!"






My eyebrows furrowed to what Ella said. "Hoy grabe ka naman! Hindi ganon si Adam no! He is grumpy sometimes pero sobrang bait at maaalalahanin non! Judgmental ka talaga kahit kailan." Sumbat ko sa kanya. Napapikit siya nang inumin ang alak bago magsalita muli.





"Sorry, sorry! Eh kasi naman napakasungit! Akala mo lagi siyang ginagambala kahit hindi naman! Tapos kung pumorma akala mo nasa fashion railway! Hay nakoo, mayayaman nga naman." Sabay kuha niya ng crackers.Nagtawanan naman kaming lahat dahil agad agad binatukan ni Kristine si Ella.





"Boba ka talaga kahit kailan! Fashion Runway hindi Fashion Railway! Mag aral ka nga hindi yung araw araw lande!"





"Hmm! Railway pa more! Ginawa mo pang tren yung tao hayup! Hahaha!" Pang aasar ni Mike na namumula dahil sa alak.




Natawa na lang ako sa mga kwentuhan namin tungkol kay Adam. He is truly a grumpy one, pero sa tinagal tagal naming magkasama ay sinisigurado kong isa siyang mabait at maasikasong tao. Hindi lang nila kilalang lubusan si Adam dahil hindi naman siya nakikisalamuha sa iba, that's why he is known for being grumpy.




He is the sweetest and caring person I've ever known. I don't why he has to be grumpy outside when the real is, he's really warm inside. Sadly, others didn't know it.




I take my tenth shot of alcohol and I feel like I couldn't take it anymore. Para na akong babagsak dahil sa nararamdaman kong init at pagkahilo. Pwede bang mag beer na lang muna? Fxck Mike! Tinago ba naman kasi ang isang case ng beers.





When the Weather Is CalmWhere stories live. Discover now