Chapter 3

74 9 0
                                    

Nag half bath ako at nag palit ng damit. Nag suot lang ako ng scoop back grey dress tapos wedge heels. Malapit na kasi mag start yung party. Dinner party ang ganap.

Nag lagay ako ng contact lens ko at nag powder. Kaunting lipstick at blush on. Iniladlad ko ang kulot kong buhok at nag lagay ng paborito kong perfume.

"Zeyha?" Tawag ni kuya sakin at nilingon ko sya "Lets go. Pinapatawag ka na ni dad" sabi nya sakin kaya tumango ako. Inalalayan ako ni kuya pababa sa hagdan. At sa harap kami dumaan.

Pumunta kami sa table namin. Nakita ko naman si Migs na naka long sleeve polo kaya kumaway ako sa kanya at tumayo sya sa upuan nya papunta sakin. Ang pogi talaga nitong best friend ko.

"Hi Zeyha" bati nya at humalik sa aking pisngi.

"Hi Migs. Finally nakita uli kita. Upo ka" at umupo sya sa vacant seat sa tabi ko.

"Two days kana dito ngayon lang kita nakita" panimula nya

"Oo nga e. Galing ako sa CFU nung isang araw. Wala ka naman" sagot ko sa kanya.

"Oo nga daw. Nagkuha ka daw ng sched mo" sabi nya habang kumakain ng chips na nasa harap namin. Sino kaya nag sabi sa kanya? Si kuya?

"Sino nag sabi sayo na nasa CFU ako nung isang araw?" Tanong ko.

"Si kuya" kuya? Sinong kuya?

"Kuya Austine?" Tanong ko uli.

"Hahaha hindi si kuya Marcus. Nakwento nya sakin. Natapon pa nga daw sayo yung coffee e kasi nag kabanggaan kayo"

Marcus? What? Kapatid nya si Marcus? Yung mayabang na yun. Kaya pala andito sya. Lakas pa ng loob mag hi sakin kanina.

"Kapatid mo yun? Bakit ang yabang?" Inis na tanong ko.

"Hindi yun mayabang ano ka ba haha sige na balik na ako dun mag sisimula na yung party. Mamaya na lang kwentuhan uli tayo" paalam nya tsaka tumayo sa upuan.

"Okay bye" sagot ko naman.

Nag umpisa na yung party. Pinakilala kami ni dad at nag bigay ng kaunting speech si mommy tapos nag simula na kumain ang lahat.

Maya maya may lumapit sakin na isang lalake. Ka age yata to ni kuya. "Hi, Im Alex" sabay abot ng kamay sakin "Alexander Roque" dugsong nya

"h-hi Azeyha" di ko alam sasbaihin ko kaya inabot ko na lang din yung kamay nya.

"Ang ganda mo pala sa personal" sabi nya ng makaupo sya sa harap ko

"Ah eh thanks" ngumiti naman ako. Di ko alam gagawin ko. Ang awkward kasi.

"Dati pa iniisip ko na maganda ka base sa naikukwento nila na kamukha mo daw si Austine." Ngumiti lang ako

"Mas maganda ka pala sa inaakala ko" di ko talaga alam sasabihin ko

"ah eh tal---"

"ehem" naputol sasabihin ko sa biglang singit ni kuya. Buti na lang.

"Alex hanap ka na ni tita Grace. Uuwi na ata kayo" sambit ni kuya kay Alex.

"Ah sige pre salamat" tinanguan lang sya ni kuya.

"Sino yun?" Tanong ko kay kuya.

"Anak ng isang famous businessman" tumango na lang ako sa kanya

"Play boy yun" napalingon na lang ako sa kanya

"ahm okay?" Ewan bakit sinabi ni kuya yun

"Wag ka papadala sa sasabihin sayo nun. Alam kong popormahan ka nun" ahhh now I get it.

"Dont worry. Di ko naman type hahaha" sagot ko naman sa kanya.

"Buti naman. Oh dito ka lang punta lang ako dun kila Marcus" sabay turo kung nasaan si Marcus.

"Hoy Azeyha!" What the... nagulat ako kay Migs. "Sabi sayo mag kukwentuhan pa tayo e" tapos umupo sya sa tabi ko.

"Gusto mo ba dun kila kuya mo? Ipapakilala kita sa kapatid ko" sabi nya habang nakatingin sa table nila Marcus

"kilala ko na yung kapatid mo. Di na kailangan" sagot ko

"yung isa di mo pa kilala" sabi nya habang nakangiti.

"May kapatid ka pa? Sana di ka ugali ng kuya mo" natawa sya sa sinabi ko

"wag ka mag alala mabait to. Mag kakasundo kayo" inalalayan nya ako tumayo at iginaya papunta sa table nila kuya.

"Hi" bati nya sa mga nadun

"Zeyha sya si Maureen, bunsong kapatid namin" turo nya dun sa isang dalagita. Siguro 16 or 15 pa lang sya

"at sya si ate Shaira, pinsan namin" oooh sya si ate Shaira. Ang ganda nya.

"Hi" bati ko kay ate Shaira at nagwave sya sakin ng nakangiti. Tumingin ako kay Maureen at nakangiti sya sakin

"Hi ate Zeyha. Have a seat." Alok nya sakin sa isang upuan.

"Balita ko ate youre kikay daw but cool at the same time, same vibes ate Zeyha" sabi nya ng may ngiti sa labi.

"Yes. I like dress but I love sneakers hehe" sagot ko naman.

"You know what ate. Mag shopping tayo minsan" excited na sabi nya "alam ko matagal ka ng di nakakagala dito sa Philippines e" dagdag pa nya

"hahaha sure sabihin mo lang sa akin kung kailan mo gusto mag shopping, sabay tayo mag shoshopping" sagot ko naman

"Yey I'm excited na. Finally may makakasama na ulit akong iba mag shopping. Busy na kasi lagi si ate Shaira" napatingin na lang si ate Shaira samin.

"Alam mo naman course ko. Sinasamahan naman kita kapag may free time ako e" sagot nya

"di na kagaya dati" medyo malungkot na sabi nya

"Hayaan mo na. May bago ka ng makakasama andyan na si Zeyha e" sabi nya at ngumiti sa akin

"Buti na lang umuwi ka na ate" sabi nya sakin.

"Ah oo nga e. Nakakamiss din ang Philippines." Sagot ko na lang sa kanya.

Di nag tagal ay umalis na din ang ibang bisita. Ang mga Castro na lang ang naiwan.

Pumasok ako sa loob ng bahay para mag palit ng flat sandals. Nangangalay na din ako sa suot kong heels e. Pero pag dating ko sa sala ay nakaupo sila lola. Di ko sila nakausap kanina ng maayos kasi ang dami nilang kausap ngayon sila sila lang ang andito. Si mommyla Arciela, si daddylo Joaquin, at yung lolo nila Migs, si tito Lucio. Kilala ko sya kasi pumunta siya last month sa Australia.

"Oh iha bakit pumasok ka na?" Napansin ni lola Amanda ang pag pasok ko.

"Mag papalit lang po ako ng heels ko" sagot ko naman at lumapit sa kanya para halikan sya sa pisngi.

"Ang ganda talaga ng apo nyo" biglang sambit ni tito Lucio. "Bagay sila ni Migs" dagdag pa nito.

"Ay bestfriend lang po kami ni Migs" pag sagot ko sa sinabi nito.

"Nako Lucio, maaga pa para sa iniisip mo" singit ni daddylo "Atsaka ayaw namin ipakasal ang mga apo namin sa hindi naman nila mahal" natatawang sabi ni daddylo kay tito Lucio

"Sabagay, iba pa din pag mahal nila yung papakasalan. Tama ka dun Quin" pag sang ayon ni Tito Lucio.

Nag paalam ako sa kanila para mag palit ng heels ko. Kanina ko pa gusto mag palit ng heels e.

Hays buti na lang di gagawin nila mommy at daddy na i arrange marriage kami kung kani kanino. They know the real value of love. And thats the best thing we have in our family.

AN: hope youre enjoying the story:)

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon