Chapter 22

50 7 0
                                    

"Hon let me know if you two arrived at Australia" dad said when we arrive at airport

Ngayon kasi babalik si mommy at Ayden sa Australia

"Yeah I let you know. Mag iingat kayong tatlo dito. And you!" Turo nya kay kuya "take care of your sister huh"

"Ofcourse I will. Mag ingat kayong dalawa" sagot ni kuya at yumakap sya kay mom

"Well. We gotta go" lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit at humalik sa pisngi ko "call me when you need me. Mag ingat ka baby" sambit nya

"Ingat kayo mom" nakangiting sambit ko

"Ayden, take care of your mom" sambit ni dad kay sa bunso kong kapatid

"Aye aye Captain" sambit nito at sumaludo kay dad at ginulo ni dad ang buhok nya.

Nag lakad na si mommy at Ayden hanggang sa di na namin sila nakita, bumalik naman na kami nila daddy sa bahay.

Walang Ayden sa loob ng bahay kaya ang tahimik. Mamimiss ko sila dahil ilang buwan din sila dun

"Kauuwi pa lang umalis agad" napatingin ako ng lumabas si kuya sa kusina

"hey, tara sa mall. Kesa naman mag hapon tayong nakatunganga dito sa bahay" sambit ko ng makaupo sya sa tabi ko

Nag alis kasi si daddy for business meeting at busy naman si nanay Erlyn pati yung labandera namin kaya wala kaming magawa ni kuya ngayon

"Thats a good idea. Mag papalit lang ako" paalam nya at umakyat sa kwarto ganun din ako.

Nag suot lang ako ng black tank top paired with high waist jeans at isinuot ang Black and white leather Balmain Sneaker ko para di ako mahirapan mag lakad mamaya

"Zeyha lets go" katok ni kuya sa pintuan ko kaya naman kinuha ko ang sling bag ko at lumabas ng kwarto

"Porsche yata gagamitin mo ngayon. Not feeling to be a wreckless driver today?" Sambit ko ng makita ko na inilabas ng driver namin ang Porsche Macan nya

"Someone will join us" sambit nya ng makapasok kami sa loob ng sasakyan.

"Sino naman?" tanong ko naman sa kanya

"You'll know it later" tsaka sya nag start ng sasakyan di na lang ako umimik at inantay ko ang makarating kami ng mall pero lumiko kami sa isang village

"Wait, bakit sa village tayo pupunta?" I ask at tiningnan ko ang labas

"Susunduin ko lang yung kasama natin" he answered then suddenly stop in a huge house. I mean, mansion ata to.

"Kaninong bahay to? I mean kaninong mansion to?" tanong ko at pinag masdan ang mansion

Napaka laki nito kumpara sa amin at may tatlong palapag ito at malawak na parking lot kung saan makikita ang nag mamahalang iba't ibang sasakyan. Makikita din ang malawak na pool sa tabi ng garden nila at may overlooking view pa sa gilid ng pool.

Pagpasok namin ni kuya sa mansion ay nakita ko ang glassed room malapit sa pool area kung saan madaming gym equipments.

Pinag buksan kami ng isang maid sa mansion

"Ay sir Austine tuloy po kayo tatawagin ko lang po sila sir" sambit nito kay kuya

Pinag masdam ko ang loob ng mansion, napaka ganda nito at ang aliwalas napatingin ako sa malaking portrait na makikita sa lounge room

Pinag masdan ko ito, isang babae at lalake na nakaupo sa couch at ang anak na babae ay naka upo sa armrest ng couch at ang dalawang lalaki ay nakatayo sa likod, ang isa sa kanila ay nakahalukipkip ang kamay.

Pinag masdan ko ang portrait na ito. Ngayon alam ko na kung kaninong mansion to.

"Bro!" nilingon ko ang nag salita ng makababa sya sa hagdan.

Oo mansion to nila Marcus. Grabe, ang laki nito

"Ano tara na?" Akit ni kuya sa kanya

"Antayin lang natin si Maureen, pababa na din naman si Migs" sambit nito "ate Cora lalabas lang ho kami saglit nila Migs" sambit nito sa isa pang maid nag lilinis

"Sige ho sir" sagot nito at nag patuloy sa pag linis ng mga muwebles sa loob ng bahay.

"Oh Migs, si Maureen?" tanong ni Marcus ng makababa na sya

"Pababa na din" sagot naman nito at dumating na din si Maureen

"Ate Zeyhaaa" salubong agad nito sa akin at yumakap. "Makaka sama uli kita" excited na sambit nito

Sabay sabay kaming lumabas at sumakay sa kotse. Si kuya ang driver at ako naman sa shut gun nasa likod naman yung tatlong magkakapatid

Nag drive na si kuya pero pag kalabas namin ng village ay lumiko sya sa ibang way.

"Kuya akala ko ba mall tayo?" tanong ko sa kanya ng nag tataka

"I changed my mind. Since wala namang pasok bukas, nag decide ako na sa amusement park tayo pumunta" sambit nito sa akin ng nakangiti

Medyo malayo ang pupuntahan namin at dahil kulang ako sa tulog di ko namalayan na nakatulog na ako sa sasakyan.

"Zeyha we're here" gising ni kuya sa akin "heres your ticket, bumili na sila Marcus kanina" sambit nito at inabot sa akin ang ticket.

Inayos ko naman ang sarili ko at nag suklay bago lumabas ng sasakyan.

Nasa labas na din yung tatlong mag kakapatid

"Ate Zeyha lets go" hila sa akin ni Maureen ng makita nya ako

Pumasok na kami at nag ikot ikot di pa namin alam ang gagawin kaya nag lalakad lakad muna kami

"Zeyha?" napalingon ako sa tumawag sa akin "Zeyhaaa, whay a coincedence"

"Hannah? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at yumakap

"Sinama ako ng kambal ko, mag thithirdwheel lang pala ako hmp" sagot nito sa akin "Ayaw ko na sa kanila sumama pero di ko alam kung anong pwede kong gawin mag isa"

"Hays sumama ka na lang sa amin" sambit ko dito

"Ha? Ah eh kasama nyo si Migs, nakita ko kanina" sambit nito ng pabulong

"Oo, ano naman. Ikaw talaga" sabay tapik ko sa balikat "ano tara na"

Hinila ko sya papunta kung nasaan sila kuya "pwede ba sumama sa atin si Hannah?" tanong ko sa kanila at nakita ko si Migs na nakangiti lang. Sayang saya dahil makakasama si Hannah

"Ofcourse pwedeng pwede diba Migs?" tapik ni Marcus sa balikat nito

"Ha? Ah oo naman" sambit ni Migs na di mapakali kaya naman natawa ako sa isip ko

"What should we do first?" tanong ni kuya sa amin

"Space shuttle" masiglang sagot ni Maureen

"Wait what? Space shuttle?" tanong ko at di ako mapakali

"Bakit takot ka noh?" nang aasar na tanong ni Marcus sa akin

"Ha? Hindi ah" sagot ko sa kanya "G ako sa space shuttle"

Agh I hate heights. Anong gagawin ko ngayon. Psh bahala na

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon