Chapter 4

79 9 0
                                    

Today is my first day in Castro-Fuego Univeristy. Di ko alam kung sinong makakasalamuha ko. Di ko alam kung anong pwedeng mangyari sa araw na to.

Maaga akong nagising ngayon. Excited na kinakabahan sa bagong system ko ngayon dito sa Philippines kesa sa Australia.

Naligo ako at isinuot ang mustard and black stripes na skirt, White blouse at tie na kakulay ng skirt. High socks at black shoes. Binitbit ko lang yung grey coat na may logo ng CFU sa bandang kanan ng dibdib.

Pag baba ko sa dining room ay andun na sila lahat. Liban kay mommy

"Goodmorning anak" bati sakin ni daddy lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi

"goodmorning dad, goodmorning kuya, littler brother ayden" sabay silang bumati sakin ng goodmorning

"goodmorning nak" bati ni mommy dala ang coffee ni dad. Sabay lapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Zeyha kay kuya mo ikaw sasabay, Ayden sakin ka sasabay" biglang sabi ni dad habang kumakain.

Tinanguan ko na lang sya bilang sagot.

"How about you mom?" Tanong ni kuya

"I'm staying here hanggang wala pa yung kasama ni nanay Erlyn" sagot ni mommy dito.

"Are you sure about that?" Nag aalalang tanong ni daddy. Siguro gusto nya na papasukin si mom sa CFU.

"Yes hon, baka sa isang araw na lang ako papasok ng CFU" paninigurado ni mom kay dad habang nakahawak sa braso nito.

"Okay, call me if there is something happen" hawak nito sa kamay ni mommy

"yeah ofcourse" sabat ngiti nito.

After namin kumain ay lumabas na din kami ng bahay para pumasok sa school.

Nag paalam na kaming tatlo kay mommy ganun din si daddy na nag iwan pa ng halik sa forehead nito. Ang sweet parin nila hanggang ngayon. Napangiti na lang ako sa nakita ko.

Sana all. Char

Hinanap ko yung law department. Tinuro naman ni kuya yung way kaya nahanap ko agad. 4th floor yung classroom ko kaya nag elevator na lang ako. Mabilis din akong nakarating ng classroom ko. Pag pasok ko ay wala pa yung prof.

Naupo ako sa may left side katabi ng window. At tahimik na nag babasa ng isang novel.

"Hi, what a coincidence. Same course pala tayo" napatingin ako sa katabi ko na nag salita. Si Hannah pala.

"Hi nice to see you again." Naalala ko na naman kung anong nang yari nung di naka attend sila dad sa sports fair.

"Wala si prof, may urgent meeting pero wag daw lalabas ng room" sabi nung isang babae na naka glasses. Di naman sya nerd.

"Ahm Hannah, ano nga palang nangyari nung di naka attend sila dad ng sports fair?" Tanong ko kay Hannah.

"Pag balik nila sinabi nila yung reason, pumunta nga daw sila ng Australia para ayusin yung papers nyo para makabalik na kayo dito" isinara nya yung binabasa nyang libro. "After ilang days nalaman ni kuya Austine na hinahanap ng ibang students yung information about sa family nyo. Nainis naman si kuya Austine kaya nag announce sya na once na malaman nya kung sino yung mag nag hahanap ng information about sa family nyo ay may punishment. Sabi nya kasi wag daw pake alaman ang personal life niyo" tuloy tuloy na kwento sakin ni Hannah.

"Eh bakit mo kami kilala?" I ask her.

"Mag kakilala ang dad ko at ang dad mo" she answered me. "My dad is a congressman" she wisphered at me.

"Bakit ka bumubulong?" Takang tanong ko.

"Kaunti lang ang nakaka alam na anak ako ng congressman" sagot naman nya

"Bakit naman?" Curious lang ako haha

"kasi ayaw ko ng kagaya ng sa kambal ko" may kambal pala sya. "Yung kambal ko popular sya. May narereceive din sya na bad comments. Ayaw ko ng ganun. Gusto ko normal student lang" sagot nya.

"Eh pano yun kambal nga kayo e. Edi alam na mag kapatid kayo" nagugustuhan ko sya. Pareho lang kami. Gusto lang namin ng normal life. No comments about our personal life.

"Hindi naman kami magkamukha kaya no problem with that" sagot.

Tumagal pa ang kwentuhan namin at medyo gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya.

After 1 hour ng pag uusap namin ay dumating na yung isang prof. "Goodmorning students" bati nya at nag goodmorning din kami. "Today we have our new transferee" then she look at me "Introduce yourself" sambit nito at tumayo na ako

"hi Im Azeyha... Azeyha Jourelle. Nice meeting you all" I decided not to tell my family name para no special treatment. Bumalik na ako sa upuan ko at nag simula ng mag discuss yung prof.

Maya maya ay nag break time na, inakit ako ni Hannah na sabay kumain sa cafeteria kaya sumama na ako. Okay na din to para naman may nakakasama ako dito kesa mag isa.

Habang kumakain kami ay dumating si Migs. "Hey, buti nakita kita" bati nito.

"Hi Hannah" bati nito kay Hannah ng mapansin nya.

"H-hello Migs" nauutal na sagot ni Hannah. Nahihiya ba sya kay Migs? Why? I'm curious.

"Sabay ka daw samin mag lunch mamaya sabi ng kuya mo. Daanan na lang kita sa building nyo. Bye see yah" at bigla na lang syang umalis ng hindi iniintay ang sagot ko.

"Ka close mo si Migs?" tanong ni Hannah.

"Oo lagi syang nabisita samin sa Australia, bakit?" Bakit kaya sya biglang nahiya kay Migs kanina

"Ano kasi e. Wag kang maingay ha. Wag mong sasabihin. Sayo ko lang sasabihin to" hmm parang alam ko na.

"Crush ko kasi sya nung high school pa lang" sabi na e. "Wag mo sa kanya sasabihin haaa. Nakakahiya kasi" Grabe ang tagal naman

"Talaga? Wag ka mag alala di ko sasabihin" paninigurado ko at nginitian nya naman ako.

Pag katapos namin kumain ay nag lakad na kami pabalik ng building. Nagpaalam si Hannah na pupunta sya saglit sa locker room dahil may kukunin lang sya kaya pinauna na nya ako.

Habang nag lalakad ako ay nakatingin lang ako sa baba. Napatigil ako ng may nakita akong sapatos ng isang lalaki sa harap ko.

"Hi Azeyha. Sa law department ka? Mag lalawyer ka pala" Isang lalaki yung bumungad sakin ng itaas ko ang aking ulo para makita kung sino iyon.

"Ah oo" maikling sagot ko sa kanya.

Di ba halata? Joke

"Parang mahihirapan ako sayo nyan mangatwiran kung sakaling maging tayo" nakangiting sabi nya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Sinasabi mo?"

"Hahaha wala. Ang cute mo talaga. Kaya nagustuhan agad kita e" Ano daw? Gusto? Sabog ba siya?

"Enjoy your first day see you around" at nag lakad na sya paalis sa harapan ko.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa sinabi nya sakin. Napatahimik lang ako saglit ng biglang may kumalabit sa akin.

"Huy bakit tulala ka dyan?" Si Hannah pala

"ah ano kase... ah wala" di ko alam sasabihin ko.

"Tara na nga sa room baka malate tayo. Mag start na yung class" sumunod agad ako sa kanya papunta sa room at maya maya pa ay dumating na yung prof para sa next class namin.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon