Chapter 10

47 7 0
                                    

Wala kaming afternoon class ngayon pero may ganap sa school. At dahil malapit na ang school fair ay kailangan na namin sumali ng club.

Isa lang naman ang kaya ko gawin e. Yun ay ang sumayaw.

"Saan ka sasaling club?" Pag tanong ni Hannah sa akin. Naandito kami ngayon sa Cafeteria, sabay kaming mag lunch

"dance club" sagot ko sa tanong nya.

"Sumasayaw ka?" Parang di pa sya naniniwala.

"Siguro? Kasi sa dance club ako sasali e" pag bara ko sa tanong nya sa akin.

"Whatever Azeyha Jourelle" aba mag dadalawang linggo pa lang kaming mag kakilala lakas na tumawag ng Azeyha Jourelle sa akin.

"Yeah Hannah Alleign" kahit two weeks pa lang kaming mag kakilala ni Hannah ay parang mag best friend na kami.

Pag katapos namin kumain ay dumeretso kami sa comfort room para mag palit ng P.E uniform namin.

Paglabas ko ng cubicle ay suot ko na ang black P.E pants namin na may lining na yellow at ang white t-shirt nito na kulay yellow and sleeve pati na din ang aking balenciaga rubbershoes.

Sabay kaming nag lakad ni Hannah papuntang auditorium. Dun kasi ang way papunta sa gym.

Part naman na sya ng table tennis club since dati pa syang nag lalaro nito para sa school.

Pag dating ko sa auditorium ay madaming tao. Pumasok ako sa isang pinto na may nakalagay na dance club.

Dance studio pala sya. Ngayon lang ako nakapunta dito. Madami dami din ang tao dito.

"Lahat ng new member ay maupo muna. Kukunin sa inyo ni Raine ang full name nyo, course nyo at ang cellphone number nyo" parang kilala ko sya. "Lahat kayo ay member na, unlike last year na namili pa kami. Pero hindi lahat kayo isasabak sa mga competition" ah sya si sir Anthony. Oo nga pala dance prof nga pala sya.

Maya maya pa ay umikot na yung Raine na sinasabi ni sir Anthony. Siguro may position sya sa club na to.

"Hi pakisulat naman ng name mo dito pati course at cellphone number" kinuha ko naman ang papel na inabot nya sa akin at inilagay ko ang lahat ng kailangan. "Fuego? Ikaw ba yung kapatid ni Austine" ito na nga ba sinasabi ko e.

"Ahm yes" sagot ko.

"Hala di mo na kailangan umupo pa dyan sa mga bago. Sumama ka saming mga officials"

"Ahm ayaw ko. Newbie lang naman ako. Treat me as a newbie not as Fuego" sabi ko sa kanya ng naka ngiti.

"Ah sure ka? Sige ha. Kuhain ko na yung pangalan ng iba" tinanguan ko lang sya.

"Ngayon mag start na tayo. Lahat ng girls ay lumapit kay Raine" turo ni sir Anthony sa may kaliwang parte ng dance studio "at ang mga lalake naman ay kay Marcus" napalingon ako sa kanan at nakita ko sa Marcus na naka headphone habang nakatutok sa laptop.

Sumasayaw sya? I mean, hindi halata sa itsura nya. Pero ang astig nya pala kapag simple ang suot nya. Kapag naka P.E uniform sya. Ang lakas maka gwapo sa kanya.

"Azeyha" biglang may tumawag sa akin

"ay gwapo" hala shit

"alam ko namang gwapo ako. Pero pinapapunta na kayo dun sa side nila Raine oh" wth. Bigla tuloy akong nahiya kay Marcus. Di na lang ako umimik at pumunta na ako sa left side ng dance studio.

"Ngayon ay gagawa lang tayo ng few steps para makita namin ang galaw nyo. Kasabay nyo din ang boys sa pag sayaw" anunsyo nung Raine sa amin. "By the way ako si Raine Angeles. 4th year Architecture. Tawagin nyo na lang akong ate Raine" dagdag pa nya. "Lahat ng member ng dance club ay graduate na last year kaya halos twenty na lang kaming natira"

Nag simula na kaming sumayaw. Siguro ay nasa fifteen kaming mga babae na bago at parang sampu lang ang mga lalake.

Lahat kami ay pumunta na sa pinaka gitna.

"Boys will be at the back" salita ni Marcus sa unahan habang ang kayang headphone ay nakababa sa kanyang leeg.

"Pwesto na kayo, kahit saan basta ang lalake ay sa likod"utos naman ni ate Raine na siyang ginawa namin.

Nakita kong bumalik si Marcus sa laptop at nag simula na mag play ang music.

Boy with luv ng BTS ang tugtog. Siguro ay si ate Raine ang pumili nun. May dance choreo naman ang nag play sa malaking monitor sa loob ng dance studio.

Si Marcus, si ate Raine at isa pang babae ang nasa video. Dun kami gumaya ng choreo.

Kasunod naman ng boy with luv ay swala ni Jason Derulo. At mas marami na ang kasama nilang sumayaw sa video.

"Nakita na namin ang galaw nyo at base sa galaw nyo ay ioorganize namin kung saan kayong team" si sir Anthony na ang nag sasalita sa harap namin. Tapos na kaming mag sayaw.

"Bubuo kami ng limang team sa loob ng dance club. Pero hindi kayo mag kakalaban ha" anunsyo pa ni sir Anthony.

"Ang first team ay kay Raine" tumaas naman ng kamay si ate Raine "ang second team ay kay Jane" turo ni sir Anthony dun sa isang babae na naka upo "then kay Zoey" turo nya dun sa isa pang babae na tumaas ang kamay "and kay Ethan" turo nya dun sa lalaking nag cecellphone sa gilid "at ang huli ay kay Marcus" turo ni sir kay Marcus at tumingin sya sa amin at ngumiti.

Mabait naman pala to pag andito sa club e.

"Siguro bukas or by next week mag sisimula na tayo mag training, yun lang. Welcome new members of CFU dance club" pumalakpak naman kami sa pag welcome sa amin ni sir Anthony.

Pag labas ko ng auditorium ay nakita ko si Hannah. "Uwi ka na?" Tanong nya sa akin.

"Kukuhain ko pa yung damit ko sa locker ko" sagot ko naman sa kanya

"tara sabay ako"

Pag dating namin sa locker room ay hindi na kami nag palit ng damit. Kinuha ko na lang ang paper bag na pinaglagyan ko ng uniform ko kanina. Pag sara ko ng pinto ng locker ko ay may lalakeng nakatayo dito na may hawak na boquet.

"Hi gorgeous, flowers for you" nakangiting abot sa akin nito ng bulaklak

"hay nako Alex" kinuha ko naman yung flowers na hawak nya "thanks" pasalamat ko dito.

"Hatid na kita?" Pag alok nya sa akin.

"Inaantay na ako ni kuya sa Parking" sagot ko naman sa kanya

"sabihin mo na lang kay Austine ako na mag hahatid sayo. Pleaseee" pag mamakaawa nya.

"Next time mo na lang ako ihatid. Kanina pa nya kasi ako iniintay e" sagot ko naman dito

"tara na Aze--- ay sorry nag uusap pala kayo. Sige take your time" nang aasar ang tingin nya.

"Sira ka tara na" akit ko sa kanya at akmang lalabas na ako pero si Alex ay nakatayo pa din sa tapat ng locker ko "ikaw? Dito ka na lang?" Aba ayaw nya mag lakad e.

"Ay kasama pala ako?" Parang sira

"abay malamang" at tuluyan na ako lumabas.

Si Alex naman ay humabol sa amin ni Hannah "Uy wait lang naman"...

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon