Chapter 15

43 7 0
                                    

Nag lalaro lang sa sala si Ayden at Alex, si kuya naman ay sa kwarto nya nag stay kasama si Marcus. At eto ako nag babasa lang ng libro

"Hi everyone" dumating si daddy at mommy sa bahay. Mukhang sinundo ni dad si mom sa CFU.

"Hi dad, hi mom" bati ko sa kanila at itinigil ang pag basa ng libro.

"Hi tita, good afternoon sir" bati din ni Alex at ibinaba ang game controller

"C'mon kuya Alex, we're still playing" di pinansin ni Ayden ang pagdating nila daddy.

"Pero Ayden andito na parents mo" sagot naman ni Alex.

"It's okay with them. Right mom? Dad?" saka lang nilingon ni Ayden sila mommy.

"Go on Alex. Play with him" utos ni mommy saka napapahiyang umupo uli si Alex at kinuha ang game controller.

"Ayden you're too much from gaming. Pati si Alex dinadamay mo sa pag lalaro mo" pinag sabihan ni daddy si Ayden.

"Dad that's okay. Titigil din po yan si Ayden sa gaming" singit ko sa kanya.

"Oo nga hon. Tsaka minsan lang naman dumalaw dito si Alex." Sang ayon naman ni mommy sakin.

"Fine! But Ayden. No gaming later. Understood?" striktong tanong nito kay Ayden.

"What?" parang ayaw nya maniwala sa sinabi ni daddy sa kanya.

"Understood?" matapang na ang tono nito ni dad kaya napatango na lang si Ayden

"Wheres your kuya?" baling sa akin ni daddy.

"Nasa taas dad. Kasama po si Marcus" sagot ko sa kanya at kinuha ang librong binabasa ko.

.......
"Alex dito ka na mag dinner" alok ni mommy ng muli syang bumaba sa sala.

"Salamat po tita pero kailangan ko na po umuwi e. May family dinner po kasi kami" pag papaliwanag ni Alex sa kanya.

"Ay ganoon ba? Sayang naman. Sige sa susunod na lang. Mag iingat ka pauwi ha" sagot ni mommy sa kanya.

"Opo tita thank you po" paalam nya dito.

Nag prisinta na din akong ihatid sya sa labas ng bahay namin.

"Ingat ka pauwi" paalam ko sa kanya ng makalabas kami sa gate ng bahay.

"Yeah I will. For you" naka ngiti nitong sambit at marahang lumapit sa akin

Nakatitig lamang sya sa akin at mas lumapit pa at naramdaman ko na lang ang pag halik nya sa aking noo.

Hindi ko inaasahan na gagawin nya iyon kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

"Bye" sambit nya at tuluyan ng sumakay sa kanyang kotse umalis.

Am I starting to fall in love with him? No way. Ilang linggo pa lang kaming mag kakilala. Hindi naman ako marupok para mahulog sa mga kaunting actions nya sakin.

Pag talikod ko ay nakita ko si Marcus sa main door ng bahay namin. Mukhang uuwi na din sya.

"Ahm kanina ka pa dyan?" tanong ko dahil baka nakita nya ang ginawang pag halik sa akin ni Alex.

"Ah hindi naman kakalabas ko lang. Why?" sambit nito sa akin

"Ahm nothing. Ingat pag uwi" saka tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay.

------------

Dumaan ang ilang araw ay puro klase, at preparation sa school fair ang ganap sa akin sa school.

Pag minsan ay nagkikita kami ni Alex, minsan naman ay sabay kaming kumain sa Cafeteria. At kapag busy si kuya ay sya din ang nag hahatid sa akin pauwi.

Unti unti na kaming nagiging close ni Alex, at nakikilala ko na din ang pagkatao nya.

Hindi ko alam kung magaan lang ang loob ko sa kanya dahil sa mga ipinapakita nya sa akin o baka nahuhulog na ako sa kanya.

Ewan, ayaw kong pangunahan ang nararamdaman ko. Ayaw kong mag madali dahil baka masaktan lang ako.

Sa ilang araw na dumaan ay matyagang nag hahatid sundo si Alex sa akin kapag busy si kuya.

Kapag weekend din ay sinusundo nya ako sa bahay para mag ikot ikot sa buong manila.

Hindi din nya nakakalimutang tanungin ako kung kumain na ba ako. Pag minsan pa ay sya na din ang nag dadala sa akin ng pag kain ko.

Ngayon ay naandito ako sa kwarto ko at naka harap sa ceiling.

"Do I like him?" tanong ko sa sarili ko. Dahil napapaisip din ako sa nararamdaman ko ngayon.

Kung gusto ko ba sya o natutuwa lang ako sa mga actions nya against sa akin

Napaupo naman ako at tumayo sa kama bago pumunta sa study table ko.

Binuksan ko ang laptop at nag browse doon at nag scroll sa isang social media site para malimutan ko ang nasa isip ko pero may nabasa akong isang post

'Never doubt what comes from the heart, your feeling know you better than anything else
-Leon Brown'

"This isn't helping!" inis kong sinara ang laptop tsaka binagsak ng mahina ang mukha doon

"I doubt what I feel" bulong ko sa sarili ko habang naka subsob pa din ang mukha sa laptop

"What are you doing?" napabalikwas ako sa pag kakaupo ng marinig ko ang boses ni kuya mula sa pinto ng kwarto ko

"Huh? Nothing?" sagot ko lang sa kanya

"Anong oras na. Matulog ka na" utos naman nya

"Maya maya" tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Matulog ka na. Kapag nalate ka bukas bahala ka"

Napatingin naman ako sa oras at malapit na mag alas dose

"Okay. Matutulog na ako" sambit ko na lang sa kanya

"Okay. Matulog na ha. Goodnight" sambit naman nya

"Good night" sambit ko sa kanya ng nakangiti at lumabas na ng kwarto ko at sinata ang pinto noon

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto at tanging lamp na lang ang natira at nahiga na ako sa kama ko at hinayaan na ang kumot na bumalot sa buong katawan ko hanggang sa makatulog ako....

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon