Chapter 36

55 6 0
                                    

Dalawang buwan na din ang nakakalipas mula nung nangyari sa amin ni Alex

Madalas ko na din silang nakikitang mag kasama ni Raine na masaya. Hindi din nag aabalang kausapin ako ni Raine kung hindi tungkol sa dance club

Sa nakikita ko ngayon na masaya si Alex at Raine ay naisip ko na baka nga hindi nya ako sineryoso katulad ng sinabi ni kuya sa akin na ginagawa talaga yun ni Alex sa ibang babae

I'm just laying in bed this morning dilat na ang mata ko pero tulog pa din ang diwa ko

"AZEYHA!" napabalikwas ako sa higaan ng sumigaw si daddy sa labas ng kwarto ko

Tumakbo na ako sa pintuan tsaka iyon binuksan

Tumambad sa akin ang naka kunot noo na si dad

"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo at katok ng katok pero ni sumagot di mo magawa" mahinahon ngunit maririnig mo ang pagiging matapang na tono sa tatay ko

"S-sorry" nasambit ko na lang

"Kumilos ka na at susunduin na natin ang mommy at kapatid mo sa airport" utos nya bago bumaba

"Really?" Excited na sigaw ko sa kanya ng nasa hagdan na sya

"Oo kaya bilisan mo na" si kuya ang sumagot ng makalabas sya pinto ng kwarto nya

Agad naman akong pumasok sa cr at naligo na

....

"Mommy" yakap ko sa kanya ng salubungin namin sya "Ayden" yakap ko din sa bunso kong kapatid

"Hi baby, I've missed you" halik ni mommy sa akin pisnge

"I've missed you too mom" sambit ko at yumakap nv mahigpit sa kanya

Di na din kami nag tagal sa airport at bumalik na kami sa bahay para makapag pahinga na sila

"Anak thank you for taking care of your kuya nung wala ako dun" naandito ngayon si mommy sa kwarto at nag uusap lang kami

"Mom ofcourse gagawin ko yun kay kuya" sambit ko ng nakangiti sa kanya

"And about what happen to you and Al---"

"Matagal na yun mom. Okay na ako" pag putol ko sa sasabihin niya

Ayaw ko lang mabring up yung nangyari sa amin. Di ko naman masisisi si Alex kung gusto nya sundin ang tatay nya e.

"Basta I don't want you to feel na takot mag tiwala uli" seryosong sambit nya habang naka higa sa kama

"Don't worry mom, I know who I can trust" nakangiting sambit ko sa kanya

"Good for you baby. I'll just take a nap" tumaya sya sa higaan ko at lumapit sa akin at humalik sa ulo ko bago lumabas ng kwarto

Kasama ko ngayon si Hannah dito sa cafeteria ang daming nag bibigay na regalo sa kanya

"Iba talaga ang isang Hannah" biro ko sa kanya

"Sira ka talaga. Ayaw ko nga ng ganito e" sambit nya at ngumiti sa lalaking nag abot ng chocolates sa kanya

"Wala ka ng magagawa girl. Ikaw na ang Queen" biro kong muli sa kanya

Last month kasi ay nanalo sya bilang Queen of CFU at madami na din ang may alam na anak sya ng congressman.

"Isang tao lang ang gusto kong mag bigay ng regalo, at kilala mo kung sino yun" sambit nya sa akin

"Umamin ka na kasi sa kanya" ayaw pa kasi umamin gusto din naman sya ni Migs

"Duh, kahit pa gustong gusto ko sya di ako mag fifirst move para lang malaman nya na gusto ko sya" sagot nya sa akin

Sabagay babae sya kaya di nya kailangan mag first move. Ito kasing si Migs ayaw pa umamin

"By the way, saan mo balak pumunta this long week vacation?" pag iiba ko ng usapan

"We don't have any plan yet, but I'm sure dad wont come haha" may lungkot sa boses ng pag tawa nya "kayo ba?"

"Wala pa ding plano e" sagot ko sa kanya

Pag katapos ng usapan naming iyon ay nawalan ng gana si Hannah.

Sigurado akong tungkol yun sa tatay nya. Lagi kasing walang oras sa kanya ang tatay nya. Yun ang lagi nyang kwento sa akin. Gusto nya daw makasama ng matagal ang tatay nya...

...

"Ah" napabagsak ako ng mapa mali ang ikot ko

"Zeyha okay ka lang?" agad naman lumapit sa akin si Marcus

Napahawak ako sa paa ko ng maramdaman ko ang sakit nito ng igalaw ko

"Tatagkalin ko muna ang sapatos mo para macheck ko" sambit ni Marcus

Aangal pa sana ako pero agad na nyang naalis ang pagkakatali ng shoe lace ko. Dahan dahan nyang inalis ang sapatos ko para hindi ako makaramdam ng sakit. Medyo naiilang ako pero wala na akong magawa

"I need to bring you in clinic, you should be cure immediately" sambit nya at ibinalik muli ng marahan ang akin sapatos

Tumayo sya kaya naman sinubukan ko tumayo pero di pa man ako nakakagalaw ng ayos ay wala akong naramdamang hirap

"Ah eh..." di ko inaasahan ang pag buhat na ginawa sa akin ni Marcus

"Mas makakabuti pag di ka na mag lakad" tingin nya sa akin bago lumabas ng dance studio

"What happen to her?" tanong agad ng nurse kay Marcus

"Out of balance" maikling sagot ni Marcus at inilapag na ako sa clinic bed at dahan dahan inalis ang sapatos ko "make sure she wouldn't feel hurt and be cured as soon as posible"

Sabay kaming napalingon ng nurse sa sinabing iyon ni Marcus. Napamaang pa ang labi ko

Pero sya ay chill lang naka sandal sa wall habang nakatingin sa paa ko

"What? Just do what I say" utos nyang muli at agad naman kumilos yung nurse

"Sorry for his atittude. Di ko po alam kung anong nakain nyan" paumanhin ko sa nurse na ginagamot na ang paa ko

"Okay lang po, baka ganyan lang po talaga si sir Marcus pag girlfriend nya ang nasasaktan" sambit sa akin ng nurse

"Ah eh... hindi nya naman po ako girlfriend" paniniguro ko sa kanya

"Ay hindi po ba? Akala ko po kasi... noon po kasi nung may sugat po kayo sa braso sya din po ang dala sa inyo dito e kaya akala ko girlfriend nya po kayo" sagot naman nya

"Ahhh hehe" then I gave her an awkward smile

"Sir ayos na po sya, she just need to rest her foot para hindi na mamaga" tumayo na sya ng maayos na ng bandage sa aking ankle

"Does she need to take a meds?" lumapit naman si Marcus sa kanya

"Yes sir" tsaka may inabot na gamot ang nurse sa kanya "pain killer, kailangan nya po inumin before matulog"

"Thanks" sabay abot nya ng gamot

Lumapit sya sa akin para ibalik uli ng dahan dahan ang sapatos ko at bubuhatin sana nya ako pero pinigilan ko sya

"You need to rest your foot para di na mamaga kaya di ko hahayaan na paglakarin kita" sambit nya agad at nag tangka uli syang buhatin ako

"Kaya ko naman. Tsaka yun gamit ko nasa studio pa" sambit ko

"Gamit mo lang ba ang pinoproblema mo? Ipapadala ko na lang kay James" tumalikod sya sa akin at nag type sa cellphone nya at muling humarap sa akin

"Si kuya pa" dagdag ko naman at tumalikod uli sya

"May gawa ka pa ba? Ihahatid ko na si Zeyha sa inyo. Na sprain sya. Sige bro" tsaka nya ibinaba ang cellphone

"Oh ngayon wala ng problema, may sasabihin ka pa ba?" sambit nya tsaka ako binuhat at lumabas na ng clinic...

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon