Chapter 17

44 7 0
                                    

Pag dating ko sa school ay may bumungad agad sa akin na malaking tarpaulin sa labas ng school.

"Castro-Fuego school fair"

Monday na at ito ang first day ng school fair. Ngayon lang ako makakaranas ng school fair dito sa CFU.

Pag pasok ko sa school ay maririnig ko ang ingay ng mga students na alam mong excited ng mag simula ang school fair.

Dumeretso ako sa Auditorium dahil doon gaganapin ang opening. Pumunta naman agad ako back stage at nag palit ng rubber shoes dahil kami ang unang sasayaw.

"Team, hindi ito competion pero gusto kong maganda ang kakalabasan ng performance natin dahil nanunuod ang officials" paalala ni Marcus sa amin bago makapunta sa stage.

Unang lumabas si Shane at Aileen at pumwesto ng magkaharap sa pinaka una. Sumunod na din si Hanz, Josh, at Marcus. Nag tilian naman ang manunuod. Lumabas na din kami ni Anna, James at Angelo.

Nag simula ng tumugtog ang first beat ng Heebie Jeebies by Amine. Nag simula na din kaming sumayaw.

Nag palakpalakan naman ang mga tao ng matapos kaming sumayaw at pumunta na kami sa back stage.

"Yung isusuot mo daw pala ay ipinadala na ni mommy mo sa office ng kuya mo" sambit ni Marcus ng makatabi nya ako sa upuan.

"Hmm thanks" sambit ko ng nakangiti sa kanya.

Hindi na ako nag palit ng sapatos at lumabas na ng auditorium. Sabay kaming nag lakad ni Marcus papuntang office ni kuya.

"Iha, mag bihis ka na" salubong ni Nanay Erlyn sa akin ng makapasok kami ni Marcus sa office ni kuya.

"Opo nay, mag freshen up lang po ako" sagot ko sa kanya at umupo sa couch at nag tagkal ng sapatos.

Matagal pa naman ang opening ceremony dahil sasayaw pa ang dalawang team namin at tutugtog ang banda.

"Ikaw ba Marcus?" baling ni nanay Erlyn sa kanya.

"Maliligo po ako e. Sa office na lang po ako ni lolo" nakangiti itong sambit at kinuha ang kanyang mga gamit.

Pag kaalis ni Marcus ay nag ready na din ako. Naligo lang ako saglit at nag suot ng brown na dress.

Umalis din saglit si nanay Erlyn dahil pinatawag sya ni daddy.

"Good morning po miss Azeyha" bati sa akin ng dalawang babae na may hawak na malaking bag.

Ngumiti lang ako sa kanila. "Ah miss pinapunta po kami dito ni maam Alice para tulungan kayo mag ayos"

"Ah hindi na po. Mag papatuyo lang po ako ng buhok ko okay na po yun" kayang kaya ko naman e. Di naman kailangan ng mag aayos.

"Eh miss baka magalit po sa amin si Maam Alice pag di namin sya sinunod" pangangatwiran ng isang babae.

"Can you call her? Ako na lang mag sasabi sa kanya" di sya umimik sa akin "give me her number, ako ang tatawag sa kanya" binigay naman nya at tumawag na ako sa kanya.

"Tita hello" bati ko sa kanya "no need na po ng make up tita. I can handle it po"

"Let them stay. They can help you with your hair. Atsaka malapit na matapos yung dance number, di mo kakayanin mag isa" sagot nya sa kabilang linya

"oo nga anak, makinig ka na sa tita mo" si mommy yun.

Wala na akong nagawa kundi hayaan yung dalawang babae sa pag ayos sa aking buhok. Nilagyan din ako ng make up pero sinabi ko naman na light make up lang.

Pag katapos noon ay bumalik na si nanay Erlyn sa office ni kuya. Inayos na din nung dalawang babae yung gamit nila at nag paalam.

"Mauuna na po kami miss Azeyha" paalam nito sa akin.

"Sige po. Thank you" nakangiting sambit ko sa kanila at tuluyan ng lumabas ng office ni kuya.

"I guess you're ready" pasok ni Marcus suot ang white long sleeve, navy blue pants at black na tie, nakasabit naman sa braso nya ang kanyang navy blue na coat

"Ang gwapo mo naman iho" bati ni nanay Erlyn sa kanya

"Ah thank you po. Tara na po" aya nya sa amin. Tumayo naman ako at kinuha ang cellphone sa table. Pinag buksan naman kami ni Marcus ng pintuan.

"Pupunta muna ako sa opisina ng mommy mo, may pinapakuha lang sya. Mauna na kayo dun" paalam ni nanay Erlyn at nag lakad na papalayo sa amin.

Sa kabilang door kami pumasok ni Marcus dahil mahihirapan kami kung sa main door kami dahil maraming tao doon.

Nasa gilid lang kami ni Marcus dahil hindi kami makapunta sa tabi ng mga parents namin.

Buti na lang at humingi agad si Marcus ng upuan sa isang guard para makaupo kami.

"Goodmorning Castro-Fuego, I am very sure na excited na kayo for todays event. But before we officially open the school fair let me introduce to you the founder and owner of Castro-Fuego Univeristy. Dahil sa kanila ay mayroong Castro-Fuego Univeristy. May we call on Mr. Jouaquin Fuego and Mr. Lucas Castro" anunsyo ng emcee at nag palakpakan naman ang students.

"And ofcourse the officials of Castro-Fuego, Mrs. Mariz Fuego, Mrs Alice Castro, Mr. Austine Fuego, and Mr. Anthony Gomez" pakilala pa nito sa mga officials at umupo sila sa upuan na naka set up sa stage.

Kaya pala kilala ako ni sir Anthony ay dahil officials sya.

"Sir would you like to say something to our student?" tanong ng emcee kay tito Lucas at kinuha nya ang mic dito.

"Good morning, ngayon ay ang panibagong school fair natin, salamat kay Austine na nag asikaso ng kailangan dito" tumango naman si kuya kay tito Lucas "at kay Miguel na very hands on sa ating mga booth para mas mapaganda pa ang ating school fair. Ganun din sa aking bunsong anak na walang sawang nag intindi sa juniors, Maureen. Please join us here Miguel and Maureen" umakyat naman si Migs at umalalay kay Maureen

Ngumiti silang dalawa at pumalakpak ang mga students. "Ganun din sa panganay ko na si Marcus" dagdag ni tito Lucas.

"Marcus where are you? Join us here. Youre missing in Action" natawa naman si dad sa biro na iyon ni tito pati ang ibang students.

Napailing si Marcus sa tabi ko at tumayo at umakyat na sa stage. Nag simula naman na mag sigawan ang ibang girls dahil kay Marcus.

Ibinigay naman ni tito Lucas ang mic kay daddy.

"So goodmorning, naka attend ako last year ng school fair pero hindi sa sports fair. Naalala nyo pa yung dahilan noon kung bakit hindi ako naka attend ng sports fair. Ngayon ay ipapakilala ko sa inyo ang dahilan ng hindi ko pag attend ng sports fair. Maliban sa aking asawa na alam kong kilala nyo ay ang dalawa ko pang anak" sambit ni dad at nag simula ng umingay ang mga students.

"Now, let me introduce to you, my daughter and son, Azeyha and Ayden. Join us here Ayden and Azeyha" nakangiti si dad sa mga students.

At nagsimula na ang bulungan ng students...

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon