Chapter 29

46 7 0
                                    

Kasabay ako nila Marcus pumasok. Pero bago dumersto sa school ay dumaan muna kami sa ospital para icheck si kuya.

"Bro, gising ka na" masiglang sambit ni Marcus at nilapag ang prutas na pinadala ni tito Lucas

Iniyos naman ni nanay Erlyn ang higaan nya para makaupo

"Kamusta kuya?" tanong ko agad sa kanya at yumakap.

"Okay na. Ikaw? Teka. Bakit may gasa yang braso mo? Anong nangyari sayo" sunod sunod na tanong ni kuya.

"May akyat bahay kasi kagabi. Malas pa sa guest room pa pumasok" si Marcus ang sumagot sa tanong nya

"Lalabas sana ako ng kwarto pero hinagis nya sakin yung patalim kaya sa braso ko dumaan" dagdag ko pa

"Anong nangyari sa magnanakaw?" tanong uli ni kuya

"Ayun bagsak kay kuya. Partida may kutsilyo pa yun nasikmuraan pa nun si kuya" excite na excite sa kwento si Migs kaya napatingin lang kami sa kanya "oh bakit?"

"Galing mag kwento palibhasa nanuod lang sa gilid" sambit ni Marcus sa kanya

"Bakit pa kita tutulungan alam na alam ko na kayang mong itumba yun lalo na nasaktan si Azeyha" proud na proud syang nag salita nun kaya napatingin kaming lahat sa kanya "ibig ko sabihin si Azeyha yung nasaktan kaya lalabanan ni kuya yun kasi mayayari sya sayo kuya Austine pati kila tito. Tama! Yun nga" bigla ay umiwas sya sa amin ng tingin "tara na pasok na tayo malelate na tayo" nag madaling lumabas si Migs sa kwarto at sumunod si Maureen ganun din si Marcus na napapailing

"Kuya pupunta ako mamaya dito pagkatapos ng practice. Kumain ka ha" paalala ko sa kanya tsaka umalis na

...

"Huy anong nangyari sa braso mo girl?" tanong agad ni Hannah ng makita nya ang sugat ko

"Mahabang istorya Hannah" sagot ko

"Makikinig ako kahit gaano kahaba" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nya kaya wala akong nagawa kundi imwento sa kanya ang nangyari

"Oh my ghod. Buti na lang malapit yung room nya sayo. Tsaka bakit naman ganun yung mga guards" sambit nya matapos kong ikwento ang nangyari

"Hindi daw nila namalayan e. Hayaan na. Nasa prisinto naman na yung akyat bahay" sagot ko sa kanya

Maya maya ay nag start na yung class namin. Another straight class na naman today kaya madami akong nakaing lunch at nag madali na din akong nag palit. Nag suot ako ng long sleev para matakluban ang sugat sa braso ko na partner ng short at ng sapatos.

Ngayon naka schedule naman ang team ni Ethan sa loob ng dance studio kaya sa auditorium uli kami nag practice

Gumawa naman na ng sunod na choreo at position si Hanz ang in charge ngayon para sa pwesto namin.

Ng ililipat ako ni Hanz papunta sa bago kong pwesto ay hinawakan nya ng mahigpit ang kanang braso ko kung saan naandun ang sugat ko dahilan para mapaimpit ako sa sakit

Mabilis na inalis ni Marcus ang kamay ni Hanz sa braso ko tsaka nya tinupi ang sleeve ng suot ko para makita ang sugat doon

Nag karoon ng dugo ang gasa dahil sa higpit ng hawak ni Hanz dito.

"Sorry, sorry ,sorry hindi ko alam na may sugat ka Azeyha" paliwanag agad ni Hanz sa akin

"Okay lang" nakangiting sambit ko sa kanya

"Pakikuha nung first aid sa loob ng dance studio" utos ni Marcus

"Okay na. Wag na. Kaunti lang naman yan." pigil ko kay Marcus

"Mas lalala yan pag nag start na tayo kaya palinisan mo na" tsaka nya sinimulan palitan ang gasa ng sugat ko

Pagkatapos namin mag practice ay tumakbo agad ako sa office ni kuya para doon mag palit dahil pupuntahan ko pa si kuya sa ospital

Paglabas ko naman ay nag iintay na si Marcus sa akin. Alam na alam nya kung saan kami pupunta ngayon.

Sabay naman kami ni Marcus na pumunta sa ospital at dinalhan namin kuya ng makakain.

"Asan si nanay Erlyn?" tanong ko kay kuya ng makapasok ako sa loob ng kwarto nya

"Pinauwi ko muna para makatulog ng ayos" sagot nya sa akin

Pinakain ko lang si kuya at pinainom ng gamot. Nag kwentuhan naman sila ni Marcus.

Nag message naman ako kay Alex na naandito ako sa ospital at sabi nya ay pupunta sya

Di din nag tagal ay dumating na si Alex

"Kamusta Austine?" tanong niya kay kuya

"Ayos na" maikling sagot ni kuya sa kanya at nag patuloy na uli sila sa kwentuhan nila ni Marcus

Lumapit naman agad sya sa akin para kamustahin ako

"Nabalitaan ko ang nangyari sayo. Kamusta na sugat mo?" tanong nya

"Di naman malala to. Gagaling din" nakangiting sagot ko sa kanya

Habang nasa kalagitnaan kami ng usapan ay nag ring ang cellphone nya, ng tingnan nya ang screen ay napatingin sya sa akin at tumayo

"Sagutin ko lang tong tawag" sambit nya kaya tumango ako

Pumunta naman ako sa kitchen at uminom ng tubig napatingin ako sa bukas na pinto, wala si Alex dun kaya naman lumabas ako para hanapi sya. Sasakay na sana ako ng elevator para bumaba ng narinig ko ang boses nya

"Please wag na lang ngayon" tanong nito sa kausap nya. Alam kong si Alex yun kaya nakinig ako.

"I'm here to tell her the truth" pabulong na sambit ng isang babae

"Wag ngayon. Alam mong di pa ayos yung kapatid nya e" sagot naman ni Alex

"Sabihin mo na agad sa kanya bago pa mahulog yang loob mo sa kanya o mas gusto mong ako ang mag sabi sa kanya?Ano ba Alex! Engage na tayo at alam mong ikakasal tayo pag kagraduate natin" lumalakas na yung boses ng babae pero di ko makilala kumirot ang puso ko sa bawat salitang naririnig ko

"mahal din naman kita kaya pwede ba sa akin mo na lang ibaling yang nararamdaman mo sa kanya"

Nag kalakas ako ng loob na tingnan sila at saktong pag silip ko ay dumampi ang labi ni Raine sa labi ni Alex

Bigla ay bumigat ang pakiramdam ko. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa nakikita ko ngayon.

Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko at hindi ko napigilan na gumawa ng ingay mula sa pag iyak ko

Pag kalas nila sa halik ay sabay silang lumingon sa akin

"Azeyha" sabay nilang sambit sa akin

Hindi ko na din namalayan na nasa tabi ko na si Marcus

"Azeyha, I'm sorry" pag kabanggit noon ni Alex ay sumakay agad ako sa Elevator papuntang rooftop ng ospital at tumingin doon

Wala akong pake sa heights dahil di ko din naman maaninag dahil sa luhang pumapatak sa mata ko

Napaupo ako sa gilid na panay pa rin ang pag luha. Napayakap na lang ako sa sarili kong binti

"Bakit ngayon pa? Kung kailan napapahamahal na ako sayo Alex?" bulong ko sa sarili ko

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon