Chapter 37

55 7 0
                                    

Andito ako ngayon sa sala namin mag hapon lang akong nakaupo at walang magawa

My dad didn't allow me to attend my class today especially my mom. Para daw hindi na mamaga ang paa ko

Agh kaya ko naman na kasi. Di naman na masakit dahil di manlang ako hinayaan ni Marcus na ilapat tong mga paa ko kahapon tinagkal pa nga nya uli yung sapatos ko para daw di mahirapan yung paa ko ng maisakay nya ako sa sasakyan

"Azeyha ito na ang meryenda mo" dinala ni nanay Erlyn ang meryenda ko.

"Sa taas na lang po ako kakain" sambit ko at tsaka tumayo

"Nako maupo ka. Baka galitan ako ng mommy mo pag hinayaan kita mag lakad" pag papabalik nya sa akin sa pag kakaupo ko.

Aghhh kanina pa ako ditong umaga sa couch na to. Dito na din ako pinag lunch. Ngayon hapon na andito pa din ako. Ngalay na ako kakaupo sa couch na to

"I need to pee nay" paalam ko sa kanya, baka sakaling makakatayo na ako

"Ay sya teka tatawagin ko si Arnold para maalalayan ka" sambit nya at tumayo upang tawagin sa labas ang driver namin

"Kaya ko na po" pag pigil ko agad sa kanya.

What the heck... kanina pa talaga ako hindi pinapatayo. As in hindi talaga.

"Ako na po bahala dyan nay Erlyn" sabay naming nilingon ang nag salita sa may pintuan

"Oh ang aga mo today kuya" bati ko agad sya

"May nag pilit sa akin umuwi. Alam na alam kasi na mag pipilit ka mag lakad" sambit nya at inilapag ang gamit sa coffee table bago ako alalayan pumunta ng rest room

"Kuya alam mo, I can do it" sambit ko sa kanya na mukhang hanggang pag pasok ng rest room ay aalalayan pa ako

"Basta wag mo ilalapat yang right foot mo ha" paalala naman nya

"Oo na kuya" tsaka ko sya pinagbagsakan ng pinto.

"Ayaw ko lang magalit si boss kapag hinayaan kong lumapat yang paa mo" sigaw nya at narinig ko ang pag alis nya sa labas ng rest room.

"Ang kulit mo noh" nagulat ako ng biglang may nag salita sa pinto ng dining area "pinipilit mo talaga ilakad yang paa mo"

"Kaya ko naman na" sagot ko sa kanya tsaka humawak sa table sa gilid ng rest room

"Tsk. Kulit talaga" bulong niya tsaka tumabi sa akin at inilapag ang basong hawak nya sa table bago lumapit sa akin

I got a bit shock when he suddenly put his hand on my waist para maalalayan ako.

"Kaya ko naman e. Hindi naman na yan mamamaga" naiilang na sambit ko

"How did you know na hindi iyan mamamaga? Doktor ka ba?" tanong nito at itinuro ang paa ko

"Para kasing hindi mo hinayaan kahapon na mapwersa yang paa ko" sarkastikong sambit ko pero di nya pa din ako pinansin at inalalayan na lang akong makabalik sa couch

...

"Actually tito kaya po ako na andito para po ipaalam sa inyo na gusto kayong isama ni lolo sa La Union this long weekend vacation for his birthday" dito na pinakain ng dinner si Marcus

"Ganun ba? Well that's good. Ngayon na lang ako makakabalik sa resort ng lolo mo" sambit naman ni daddy

"Opo nga tito. Ten years ago na din po yung last visit nyo sa La union e" nag usap usap pa kami hanggang matapos kami kumain

Tumayo ako para makabalik sa sala ng mabigla ako ng may humawak sa akin ng nasa may pinto na ako ng dining area

Napakunot noo ako ng makita ko si Marcus sa tabi ko

"Wag mo hayaang mamaga yang paa mo, baka di ka makasama sa La Union" sambit nya sa akin

Napatingin naman ako sa loob ng dining area para masiguro kong hindi kami kita nila dad, buti na lang at busy sila doon

"Siguro naman po pwede na akong pumasok bukas diba?" sambit ko habang nag kukwentuhan kami sa sala

"Pwede na siguro yan. Basta inumin mo yung meds mo mamaya" sagot ni mommy sa akin

Napalingon ako sa gilid ng may naramdaman akong nakatingin sa akin. Pag tingin ko sa mata ni Marcus ay hindi ko mabasa kung anong iniisip nya kaya binigyan ko sya ng nag tatanong na tingin pero iniwasan nya lang ito kaya naman binalik ko ang tingin ko kila mommy

"Tito mauuna na din po ako" paalam naman ni Marcus tsaka tumayo

"Ay sya mag ingat ka pag uwi" sambit naman ni dad

"Ingat sa pag drive iho" paalala naman ni mommy

Nag lakad na din sya at akala ko ay lalabas na din sya pero mali pala ako

"H'wag mo masyado pagurin ang paa mo bukas" then he slightly rub my head bago lumabas ng bahay

Napatingin naman ako kila daddy at nahuli ko silang nakatingin ngunit biglang umiwas

"H'wag mo masyado pagurin ang paa mo bukas" panggagaya naman ni Ayden sa sinabi ni Marcus na parang hirap sa pag tatagalog tsaka naman palihim na tumawa si kuya

"Aish, akyat na po ako" paalam ko tsaka tumayo at nag simulang mag lakad

"Aaaah kuyaaaa. Ibaba mo ako" binuhat ako ni kuya tsaka nag madaling umakyat "kuya ano ba? Ibaba mo sabi ako e"

Di nya ako pinansin sa halip ay mas binilisan nya pa ang pag akyat at makatapat kami sa kwarto ko ay ibinaba nya na ako.

"H'wag mo masyado pagurin ang paa mo bukas" pang gagaya nya kay Marcus tsaka nya ginulo ng bahagya ang buhok ko

"What the..." tumakbo na sya papunta sa kwarto nya

"Goodnight!" Sigaw nya at tsaka isinara ang pinto kaya napa iling na lang ako

"Hi" hindi ko napansin na nasa pinto na din ng kwarto si mommy "H'wag mo masyado pagurin ang paa mo bukas" ngisi ni mommy sa akin bago pumasok ng kwarto nila

What the hell. Anong problema nila? Bakit kailangan pa nila ulitin yung sinabi ni Marcus.

Pag pasok ko ng kwarto ay napaupo na lang ako sa harap ng vanity ko at napatingin sa salamin

"Why is he acting so weird this past few days?" tanong ko sa sarili ko

Actually halos dalawang buwan ng weird si Marcus. Mas tumindi lang nitong mga nakaraang araw. Sobrang caring na nya sa akin. Hindi kagaya noon na lagi nya akong inaasar. Ano bang iniisip nya bakit sya masyadong caring sa akin?

"Tsk bakit ko ba kasi iniisip yun?" bulong ko pa sa sarili ko

"Mahal na mahal?" napatingin ako sa pinto ko ng mag salita si kuya

"Who?" tanong ko sa kanya

"Huh?" nag tatakang tumingin sya at may itinuro kaya naman napatingin ako.

Ang higpit pala ng yakap ko sa librong nakuha ko sa ibabaw ng vanity ko

"Sabi ko kung mahal na mahal mo yan libro? Anong who ka dyan? May naninigurado kung ininom mo na gamot mo" sambit nya tsaka sumandal sa wall

"Ah ano eh ah hindi pa" nauutal na sagot ko sa kanya

"Inumin mo na ha. Baka magalit si boss. Goodnight" tsaka sya lumabas ng kwarto

"Isa pa tong weird. Mag best friend nga sila" bulong ko

Ininom ko na lang ang gamot ko at nag decide na matulog na lang dahil makakapasok na ako kinabukasan.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon