Chapter 31

47 7 0
                                    

"Forgive me Azeyha" nanginginig na sambit nya sa akin

"F-for what?" pilit kong pinipigilan na wag tumulo ang luha ko

"For lying and not telling you the truth" sambit nya sa akin "kung hindi ko nasabi sayo na engage na ako kay Raine, I'm really sorry Azeyha"

"Kaya kitang patawarin, di naman matigas puso ko. Pero di ko masasabing pinapatawad na kita ngayon kasi hindi naman ganun kadali yun" pilit kong inaalis ang nginig ng boses ko at napapatingin ako sa paligid

"Alam mo yung, yung nag sisimula ka ng mag mahal. Yung binigay mo na yung tiwala mo sa isang tao. Alam mo yun? Yung tipong nakakabuo ka na ng nararamdaman mo sa isang tao. Tapos malalaman mo... ikakasal pala sya. Ikakasal sya sa iba. Alam mo ba kung gaano kasakit yun. Yung akala mo totoo yung pinakita sayo nung isang tao. Akala mo may nararamdaman sayo. Akala mo ikaw yung papakasalan. Pero akala lang yun. Akala ko lang lahat ng iyon at hindinh hindi yun mang yayari" napabuntong hininga ako ng sabihin ko ang lahat ng yun

"Salamat sa pag aalala mo sa akin araw araw. Pero ayaw kong sabihin na ayos lang na umasa ako sa wala" tumayo ako "kasi hindi naman talaga" at pumasok na sa loob ng ospital.

Dumeretso ako sa rooftop at doon ko binuhos lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan

Ilang minuto din akong umiyak sa roof top at nag decide ng bumalik sa kwarto ni kuya

Pag bukas ko ay nakita ko ang mukha nilang dalawa na nag aalala kaya naman nag patay malisya ako at dumeretso na lang sa gamit ko para ayusin to

"Anak? How are you?" nag simula na naman mangilid ang luha ko ng tanungin ako ni dad

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot

"Okay lang naman po ako. I'll just go to the rest room" turo ko sa rest room at pumasok dun at hinayaan kong bumagsak ang luha ko maya maya narinig ko na nag sara ang pinto kaya naman pinunasan ko ang luha ko at lumabas na din sa rest room.

"San si dad?" tanong ko kay kuya

"May pupuntahan lang saglit" sagot naman nya

Naupo ako sa couch at nag cellphone lang naramdaman kong nakatingin sa akin si kuya kaya nilingon ko sya at nginitian.

Nakita ko ang post ni Raine sa isang social media platform na nag announce syang engage na sya.

I turn off my phone then nag basa na lang ako ng magazine

Maya maya pa ay pumasok na uli si dad.

"Makakauwi ka na" sambit ni dad

"Really?" masiglang tanong ni kuya na syang tinanguan ni dad

"Woooh finally makakauwi na ako" excited si kuya na pumasok ng rest room para mag bihis

Ako naman ay inayos ang mga gamit namin pag uwi.

Pag kadating namin sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko

Ang balak ko ay mag papahinga lang ako pero nakatulog na ako ng mahimbing.

"Azeyha, kumain ka na. Hindi ka na nakapag lunch" nagising ako sa katok ni kuya sa kwarto ko "Azeyha ha bumangon ka na dyan para maka kain ka" dagdag pa nya

Bumangon na ako at nag hilamos sa cr ko tsaka itinali ang buhok ko bago bumaba

Pag dating ko sa dining ay nakaupo na si daddy at kuya doon na naghihintay sa akin para kumain.

Naupo na ako sa harap ni kuya at nag simula na din kaming kumain na tatlo. Tahimik lang kami at walang nag sisimulang umimik kaya ng matapos na kami kumain ay bumalik na ako sa kwarto para mag half bath at magbihis ng pantulog

Naka upo ako sa harap ng salamin ko habang nag susuklay ng narinig ko na may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya naman tumayo ako para buksan yun

"Linisin natin sugat mo" nakangiting sambit ni kuya at pinakita ang kit na hawak nya

"Aling sugat?" pabirong tanong ko

"Yan" turo nya sa braso "pwede na din yung sugat dahil kay Alex"

Nawala ang ngiti ko sa labi at pinapasok ko sya.

Tinagkal nya na ang gasa ng sugat ko at nilinis ito bago palitan ng malinis na gasa.

"Alam kong hindi ka okay" sambit nya ng maayos nya ang kit

"Dapat pala nakinig ako sayo kuya" sagot ko at inilagay ang kamay ko sa gilid ng kama bago tumingin sa baba

"Kaya ko nasabi sayo noon na playboy si Alex dahil sinabi nya sa akin na hindi nya siniseryoso ang mga babae dahil alam nyang ipapakasal lang sya ng parents nya kahit sa di nya kilala tulad ng ate nyang si Xandra" napalingon ako sa kanya ng magsalita sya "ngayon ko lang din nalaman na engage na pala siya kay Raine, kung nalaman ko agad sana nasabi ko agad sayo para di na nahulog yung loob mo sa kanya at hindi ka nahihirapan ngayon" dagdag pa nya

"Bakit ang unfair? Kung sino yung gusto mo sya pa yung hindi para sa iyo" tanong ko sa kanya na may lungkot na tono at iniiwasang pumatak ang mga luha ko

"Alam mo Zeyha di mo naman mapipilit ang tao na gustuhin ka at di mo mapipilit ang sarili mo na huwag gustuhin ang isang tao. Ang kailangan mo lang ay makiramdam sa mga taong nakapaligid sayo Zeyha, kung sino ba yung nag mamahal sayo" tumayo sya sa harapan ko at ginulo ang buhok ko "matulog ka na at may pasok pa tayo bukas"

Lumabas na si kuya sa kwarto ko at naiwan akong naka upo sa kama na tumatakbo pa din sa isip ko ang sinabi ni kuya

Sinabi din ni Alex sa akin noon na makiramdam ako at wag akong manhid kaya napaisip ako kung anong ibig nilang sabihin

Hindi ko maintindihan kung bakit nila yun sinabi sa akin. Hindi naman ako manhid para sila pa ang mag pamukha sa akin na makiramdam ako sa mga nasa paligid ko

Napalingon ako ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.

'Alexander Roque engaged with Raine Santiago'

Bigla na naman akong nalungkot sa nakita kong iyo kaya naman binalik ko na yung cellphone sa side table at humiga sa kama at hinintay na makatulog ako

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon