Chapter 25

50 7 0
                                    

I dont know whats happening to me. Lately, lagi akong nagigising ng umiiyak dahil sa panaginip na yun. Sino ba kasi yung nasa panaginip ko na yun. Minsan pa kadugsong ng panaginip na yun ay isang mataas na lugar.

Naandito ako ngayon sa park ng village namin. Dahil nagising ako ng maaga dahil sa panaginip ay nag decide akong mag jogging

Tumayo ako sa swing para bumalik na sa bahay ng may nakita akong batang lalaki

"Hi anong ginagawa mo dito ng mag isa?" tanong ko dun sa bata

"May inaantay lang po ako. Nag promise kasi sya na babalik sya dito pero kapag malaki na kami kaya lagi akong nandito tuwing umaga kasi baka bumalik sya dito" napakunot noo naman ako sa sinabi nya

Bakit yung nasa panaginip ko ang naiisip ko ngayon

"Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng parents mo" sambit ko sa kanya

"Busy sila sa work. They wont notice na wala ako sa bahay" malungkot ang boses nya

Naupo naman ako sa tabi nya "alam mo, baka nag aalala na sila sayo. Isa pa busy sila sa work para sayo. Para may pang bili ka ng toys"

"I dont want toys. Madami na ako nun. I want their time. Not toys" sagot nito sa akin

"Wala din yung mommy ko ngayon dito sa Philippines, yung daddy ko aalis bukas para sa business pero iniisip ko na lang na para sa aming mag kakapatid yung ginagawa nila. Kaya halika na ihahatid kita sa inyo" tumayo ako at inalok ko sa kanya ang kamay ko at inabot naman nya ito

Nag lakad kami papunta sa bahay na tinuro nya.

"Andito na tayo, sige pasok ka na sa loob" sambit ko sa kanya

"Alexis!" napalingon ako sa lalaking tumawag sa bata at bigla itong binuhat "saan ka na naman galing?" Dagdag na tanong nya sa bata

"Zeyha?" napansin nya din ako "bakit kasama mo si Alexis?"

"Dito din pala village mo?" Tanong ko sa kanya

"Ah oo, pasok ka" alok nya at binuksan ang gate pag pasok ng bahay ay binaba nya si Alexis sa couch.

"Go upstairs, maligo ka na ihahatid pa kita sa school" sambit nya na sya namang sinunod ng bata

"Tuwing umaga nawawala sya sa kwarto nya at pag hahanapin ko sya makikita ko sya na naka upo sa park" sambit nito sa akin at nag abot ng tubig

"Alex, I think he needs time from his family" walang ano ano ay sinabi ko ang dapat kong sabihin sa kanya

"I know. I'm trying my best para maging kuya sa kanya. Laging wala si daddy para sa business, ganun din si mommy. Mas madalas silang hindi umuuwi sa bahay, wala din ang ate ko dito dahil may pamilya na sya kaya ako na lang ang naiiwan na mag babantay kay Alexis. Madalas ko din syang masamahan dito sa bahay dahil madaming gawa sa school. Iiwan ko sya sa salon ni mommy pero di din sya nababantayan ni mommy dun" tuloy tuloy na paliwanag nya.

"All my sacrifices as a son and brother ay wala lang. In the end, I'll end up my life with someone I don't like to be with" napalingon ako sa sinabi nyang yun hindi ko alam pero parang nadudurog ang puso ko ng makita ko ang pag tulo ng luha sa mata nya.

"I dont know what to say. But I'm here for you" i said then inihilig ko ang ulo nya sa balikat ko.

Maya maya ay bumaba na si Alexis na naka ligo na.

"Mauuna na ako. May pasok pa e" paalam ko sa kanya.

"Sorry di na kita maihahatid sa inyo, aasikasuhin ko pa si Alexis e" pag papaliwanag nya

"Okay lang. Malapit lang naman bahay namin. See you" paala ko muli at lumabas na ng bahay nila

....

"Aga ng gising ngayon ah" salubong ni kuya sa akin

"Napaaga lang" sagot ko naman sa kanya

"Kain na. Kakaalis lang ni dad e" at dumeretso sya sa dining ganun din ako

"Sports fair will be on next next week" salita nya "can you help me in preparation? I cant handle it without dad" dagdag nya.

"Ofcourse. Sabihin mo lang sakin ang mga kailangan mo" nginitian nya ako at kumain na uli kaming dalawa.

Pag katapos ko kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maligo dahil may pasok pa ako

....

"Zeyha, thank you sa pag hatid mo kay Alexis kanina" sambit ni Alex sa akin. Naka tambay kami ngayon dito sa library

"Ano ka ba. Wala yun" sagot ko naman sa kanya

"Nung makita ko syang wala sa park akala ko kung nasaan na sya kaya pumunta agad ako sa gate ng village at tinanong kung nakita nila si Alexis pero sabi nila wala daw" kwento naman nya sa akin

"Maaga akong nagising kaya nag jogging ako. Pauwi na sana ako pero nakita ko sya na nakaupo sa gilid kaya nilapitan ko sya. Di ko alam na kapatid mo pala sya" tiningnan ko sya sa mata nya

"Lagi syang naandun ang sabi nya sa akin hinihintay nya yung kalaro nyang babae na dati naming kapit bahay. Pero di nya alam na lumipat na yun. Buti na lang talaga nakita mo sya" nakangiti nyang sambit sa akin.

"Kung ikaw naman nasa posisyon ko alam ko namang gagawin mo yun e" sabay tapik ko sa balikat nya.

"I cant imagine myself hurting you and see you crying Zeyha" napatingin uli ako sa kanya

"What do you mean?" I asked.

"Wala. Basta ayaw ko makita na nasasaktan ka at umiiyak" sagot nya sa akin

"Sus di naman ako masasaktan wag ka mag aalala. Tsaka sinong mag papaiiyak at mananakit sa akin? You? Imposible naman yun diba? Alangan namang saktan mo ako" napaiwas sya ng tingin sa aki at nawala ang ngiti sa labi ko

Ewan pero parang ang bigat sa pakiramdam ng pinag uusapan namin. Parang may kung anong kirot akong naramdaman

"Tara na, pumasok ka na sa class mo" pag iiba nya ng usapan.

Tumayo naman ako inayos ang binabasang libro para ibalik sa shelf.

Habang nag lalakad kami ay ang tahimik lang ni Alex kaya di ko maiwasan na mapatingin sa kanya.

Ang lalim ng iniisip nya. Baka dahil kay Alexis yun kaya di ko na lang tinanong. Baka mas mabuti pa na wag na naming pag usapan yung tungkol kay Alexis at sa parents nya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon