Chapter 39

59 7 0
                                    

Pag dating namin ng Resort nila ay mag didilim na din. Agad kaming inasikaso naman ng mga tao doon at ibinaba ang mga gamit namin. Kinuha naming lahat ang luggage except sila lolo,lola at lolo nila Marcus.

"Hi ate Shaira" bati ko ng makita ko syang inaantay kami sa lobby

"Hi welcome to Casa De Castro" nakangiting salubong nya sa amin at isa isa nyang kaming niyakap

"Oh kasama mo si Hannah at Maureen sa room" abot sa akin ni kuya ng key card

Pumunta naman kami sa kanya kanyang room

Pag pasok ko sa room ay may tatlong bed at isang malaking closet. May restroom din at may balcony kung saan kita ang dagat at ang sunset.

Inalabas ko ang gamit ko sa luggage para ilagay sa closet ganun din si Maureen at Hannah.

Nahiga kami at di na namin namalayan na nakatulog na kaming tatlo dahil sa pagod sa byahe

Nagising lang ako ng may marinig akong katok. Inangat ko ang ulo ko para makita kung gising na si Hannah at Maureen pero mukhang mahimbing pa ang tulog kaya naman bumangon na ako para buksan yun

"Yes?" kusot mata kong tanong sa kanya

"Sorry for waking you up. Pero...dinner na" napa ayos ako ng tayo ng mabosesan ko si Marcus

"Okay lang" actually di okay kasi antok pa ako just kidding "gisingin ko lang sila susunod na kami" nakangiting sambit ko at tinanguan nya lang ako bago umalis

"Hey? Hannah?" gising ko sa kanya "Dinner" umayos naman sya ng upo

At ginising ko na din sa Maureen

Pumunta ako sa restroom para mag hilamos at itinali ko din ang buhok ko.

Pag katapos namin ay lumabas na kami para makapag dinner.

"Himbing ng tulog mo nakailang tawag na ako sayo" salubong ni kuya ng makalapit ako sa table

Kinuha ko ang phone ko at may 14 missed call pala sya

"Naka vibrate pala" sambit ko at ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko bago maupo sa tabi nya

Nag serve na ng food sa amin. Naka pwesto kami sa long table at sabay sabay na kumain

"Rest muna tayo ngayon then bukas naka prepare na ang activities" sambit ni lolo Lucio, lolo nila Marcus

"Dad mag relax ka lang ha. On sunday, birthday celebration mo" sambit sa kanya ni tito Lucas

"72 years old na ako wala pang naipapakilalang girlfriend ang dalawa kong apong binata" biro nito tsaka turo kay Migs at Marcus

"Nako lo, paano mag kaka girlfriend ay mga takot naman" singit ni ate Shaira na syang naging dahilan ng sabay na pag samid ni Marcus at Migs

"Ay walang mangyayari kapag mga takot" biro naman ni daddylo

"Kanino ba takot yang dalawa Shai?" tanong lolo Lucio kay ate Shaira

"Ehem" samid ko sabay tingin kay Hannah na umirap lang sa akin

"Ehem" ginaya ako ni kuya bago sya tumingin sa akin kaya kumunot noo lang ako sa kanya

"Nasa paligid lang po nila ang kinatatakutan." biro uli ni ate Shaira "Lo si ano po tsaka si ano" tatawa tawang sambit ni ate Shaira

"Alam mo Shaira kumain ka na lang" pag iiba ng usapan ni Marcus

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon