11Katulad ng malaking mansion nila malapit sa school ay hindi ko din mapigilang mapatingin sa buong paligid at mamangha. Ganon ba talaga sila kayaman at afford na afford ang ganito kalaking bahay?
Para akong nasa loob ng palasyo dahil sa laki at magarbo ito. Naaalala ko ang paborito kong panoorin. "Princess Hours" Masasabi ko talagang malapalasyo ito basi sa imprastraktura. Magaling talaga ang gumawa.
Pinagmasdan kong maigi ang hilera ng iba't ibang antic, figurines at muwebles and even a gold bars!
Hindi lang ako namamangha sa bahay nila kundi sa mga kayamanan nila. Hindi naman sa naiingit ako, napahanga lang talaga ako dahil ang mga katulad talaga nila ay masipag at marunong talagang humawak ng negosyo.
"Kanina ka pa nakatitig diyan, para kang timang! Halika na nga!" hinila niya ako dahilan para madapa ako.
"Aray pota." sinamaan ko siya ng tingin, imbes na tulungan ako ay ngumisi lang siya!
Makakaganti din ako sa'yo gunggong ka!
"Lampa mo naman." nilahad niya ang kamay niya pero tinampal ko lang 'yon.
Masama pa rin ang tingin ko sa kanya. "Pota ka, bakit mo ako hinila ha!?"
"Watch your language, nasa bahay ka namin." saway niya pero ayoko talagang magpatalo sa gunggong na 'to e!
"Eh ano ngayon!? Sino 'bang may sabi na dalhin mo ako dito ha!?" tumaas bigla ang boses ko. Wala na akong pakealam letse 'to!
"Shut it Cresia." sinamaan niya ako ng tingin.
Magsasalita pa sana ako ng namataan ko ang isang napakagandang bata na nakatanaw mula sa amin. Nakahilig siya sa banderilya habang tinatanaw kami.
Kapatid niya?
"Hi Kuya!" bati ng bata at bumaba siya.
Hindi ako nakaimik at nanatiling nasa likod ni Ivo. Napanguso ako ng lumuhod si Ivo para makapantay ang bata.
Sweet pala siya sa kapatid niya huh.
"How's school, Sophie?" he asked gently.
"Ayos lang naman Kuya. By the way who's with you pala? Your girlfriend?" the kid asked while giggled.
"Yes." hinapit niya ako at sinenyasan na sumunod na lang. Napairap ako.
"She is Cresia my girlfriend. Call her 'Ate' okay?" his word has emphasis with the 'Ate'.
"Love. She's Sophie my sister." baling niya sa akin.
Lumuhod ako para maging pantay kami ni Sophie. She smiled politely at me. "Hi Ate!"
"Hi Sophie. I'm your Ate Cresia." pakilala ko.
"Ate Cresia come! Let's go to the garden! Mommy is there!" napangiti ako ng hinila niya ako ng dahan dahan para sumunod sa kanya.
Napatayo ako at napalingon kay Ivo na nakatingin lang din sa akin. Napakunot noo ako. "Bakit?"
"Wala! Ang panget mo kasi!" sambit niya at nilampasan ako.
Bastos! Walang modo!
Kung wala lang talaga si Sophie sa harap ko, matagal ko na sana siyang binatukan! Walang filter ang bibig!
"Ate? Naiinis ka kay Kuya?" tanong ni Sophie na ngayon ay nakahawak na sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Popular's Good Girl (Populars Series #1)
Teen FictionCresia Chen is a nerdy not a sociable girl. She is soft spoken and kind until she met the populars who will change her life. What will happen if she fall to a one hottest popular? The first book of Populars Series Populars Series 1: (The Popular's G...