30

1K 26 0
                                    


"Happy morning!!"

Napalingon si Via sa akin ng bumaba ako galing sa itaas. Naghahanda siya ngayon sa dinning area kaya tinulungan ko na. Kawawa naman kasi eh.

"Ganyan ba talaga kapag magmove on? Bomo-blooming?" ngumisi si Via.

"Nah. Hindi naman eh." ngiti ko.

"Nagusap ba kayo ni Ivo?" tanong niya.

Nag iwas ako ng tingin at hindi sumagot. For now I don't wanna remember all of that, baka mag mental break down ako dito ng wala sa oras.

"Oh! I'm sorry! Ahm. Let's eat na?" she asked akwardly.

Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Maaga kami ngayon sa school dahil sa coverage ng exams daw na ibibigay daw mamaya.

"Saan ka uupo? Hoy dito tayo!" hinila ako ni Via sa dati naming upuan pero pinigil ko siya.

"Dito na lang ako sa harap. Ayoko na sa likod." malamig na sabi ko.

Mas mabuti na sigurong malayo kami sa mga populars. Ayoko ng mainvolve sa kanila at isa pa, ayoko ng madawit sa mga problema nila. This is sound so selfish but I want a peaceful high school life, ang gusto ko lang ngayon ay ang matahimik ang buhay ko at walang mga taong maging dahilan para magulo na naman 'yon.

Somehow, may point si Mama sa sinabi niya sa akin noon, don't love that man so much if he don't have assurance to love you back. I know my mistakes, mali ang mahulog ako sa bitag na ako mismo ang gumawa, I feel sorry for myself but in some other point, nagkamali din ako.

Napasinghap ako ng maupo sa bago kong upuan. Umupo naman si Via sa tabi ko at sa kabilang side no'n ay hindi ko alam kong sino ang nakaupo.

Napangiti ako ng matapos na ang lecture ni Miss Tamara. Mas maganda pala kung ako lang at si Via ang magkasama dahil tahimik ang buhay ko. Mas magiging ayos ang buhay ko kung kalimutan ko na lang sila. I will act civil as if nothings wrong. Ayokong umiyak na naman dahil nakakapagod na. Tama na 'yong minsan ay umiyak ako, ayoko na ulit.

"Hoy ang drama mo! Tara na nga!" kinalabit ako ni Via.

Inayos ko ang gamit ko ng biglang nahulog ang sign pen ko kaya nagkukumahog ko 'yong kinuha ng may kamay na unang kumuha no'n at binigay sa akin.

Ooooh!

Natulala ako ilang saglit ng makita ang lalaking nakapulot ng ballpen ko. Ang cute niya. Napakachinito, mapupulang labi, matangos ang ilong, nakakaakit na mga mata at masayahing ngiti.

"Uhm. Miss? Sa'yo ba itong ballpen?" he asked politely.

At mabait pa!

Oh! Can't you believe it? After heartbreak may darating na naman? Dejoke lang, syempre namamangha lang!

"A-Akin!" nautal pa ako.

Nilingon ko si Via na wala na ngayon sa tabi ko dahil kausap na ngayon si Wynd, binalikan ko ng tingin 'yong lalaki.

"Thank you!" ngiti ko.

"You're welcome. By the way I'm Rafflee Sy." nilahad niya ang kamay niya.

Oh? He's a chinese? I'm a chinese too!

"I'm Maria Cresia Chen, Cresia na lang." ngumiti ako bago ko tinaggap ang kamay niyang nakalahad.

"Oh? Your soft features seems that you are a chinese like me." he smiled.

"Glad to meet you Raff." ngiti ko.

The Popular's Good Girl (Populars Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon