14
Iniwan ko si Ivo doon sa parking lot at lumapit kay Chaia na nakahawak ngayon sa kamay ni Kenjie.
Ano na naman kayang ginagawa ng babaeng 'to.
"Oy sige na oh!" si Chai pa rin kay Ken.
Hindi niya ata ako napansin na nasa tabi niya. Psh.
"Tss. Mamaya na lang Chai, sumabay na lang tayo kina Wynd." masungit na tugon ni Ken.
"Hoy! Nasaan si Master?" gulat ako ng sumulpot si Wynd sa tabi ko.
Napakunot noo ako. "Aba'y ewan ko."
"Hoy kayo 'yong magkasama." siya ulit.
"Hindi hoy ang pangalan ko! May pangalan ako oy!" inirapan ko siya. "Feeling close." bulong ko pa para hindi niya marinig.
"Nagtatanong lang naman." ngumuso siya at inakbayan ako. "Tulungan mo akong makascore kay Via."
"Kanina pa kayo diyan?" natigil ang bangayan namin ni Wynd sa tanong ni Chai.
"Ha? Kanina pa e." napakamot ako sa ulo.
"Pst! Tara dito!" si Megan na tumawag sa amin para makaupo sa table na nahanap nila.
"Si Master? Saang impyerno na naman siya nagsusuot?" tanong ni Ken sa akin.
"Aba'y ewan ko sa gunggong na 'yon." napakibit balikat ako papalapit na kami kina Megan.
"Kayo 'yong magkasama diba? Iniwan mo?" tanong na naman ni Wynd.
"Nag away kami kaya nilayasan ko." umirap ako.
"Baka nag cr lang, masyado kayong paranoid." si Chaia.
"Lagot ka kapag nawala si Master!" pananakot pa sa akin ni Wynd.
"Sinong nawala?" nagsalita bigla si Jayden na nasa tabi ni Megan.
"Si Master." sagot ni Ken.
"Ayon oh! Ano ba naman kayo!" si Via na itinuro si Ivo na papalapit sa amin. May dala siyang tatlong milktea.
Parang timang.
"Akala namin Master nawala ka!" si Wynd na naman.
Tss. Ayan? Mawawala? Impossibleng mangyari 'yon! Hindi na naman 'yan bata para mawala pa sa mall!
"Huh?" si Ivo na walang alam.
"Huhtdog." sagot ko.
"Haha! Nag away kayo ni Cresia? Bakit?" tanong ni Wynd kay Ivo.
Si Wynd na yata ang pinakachismoso sa lahat, dinaig niya ang mga chismosa sa kalye sa kakakuda e.
"Malamang nag away sila Wynd. Nakasimangot na naman." umirap si Via.
Umupo si Ivo sa tabi ko at nilapag ang milktea, binigay din niya ang isa kay Megan.
"Hala! Nagsalita ang bebelabs ko! First time mo akong kinausap labs!" masayang tugon ni Wynd at akmang yayakapin niya si Via pero pinigil siya nito.
"Kinakausap ko 'yong kutsara Wynd. Hindi ikaw." pambabara ni Via.
"E tinawag mo pangalan ko, so ako 'yon bebelabs?" kinalabit niya si Via.
"Isa na lang Wynd! Isasaksak ko 'tong tinidor sa'yo!" banta ni Via.
"Parang tanga." bulong ni Jayden, probably to Wynd.
"Ang daldal kasi!" si Megan naman.
"Bestfriend help me! Inaasar nila ako." hinawakan ni Wynd ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Popular's Good Girl (Populars Series #1)
Teen FictionCresia Chen is a nerdy not a sociable girl. She is soft spoken and kind until she met the populars who will change her life. What will happen if she fall to a one hottest popular? The first book of Populars Series Populars Series 1: (The Popular's G...